A/N: Happy 2k reads mga apo! Thank you so much dahil patuloy kayong nag babasa ng kwento na ito. We would not have done this without you guyss kaya I hope you would still continue to support till te end:)
------------
"A-ate Luisita?"
Bahagyang nawala rin ang ngiti ni Gael at dahan dahang lumingon sa ngayong nakasimangot na Ate Luisita.
Oh no. So screwed.
Obvious na hindi siya masaya sa nakikita niya ngayon, siguro dahil pareho sila ng inaakala at pananaw ni Don Marcelo.
"A-ano ang g-ginagawa mo dito a-ate?" Nauutal kong tanong.
Hindi ko alam kung papaano niya ako nahanap eh halos nasa likuran na kami ng simbahan kung saan ako kinaladkad ni Gael.
"Ako dapat ang nag tatanong sa iyo niyan." Panimula niya.
By this time ay side by side na kaming nakatayo ni Gael pero ang pinagkaiba ay halos walang emosyon ang mukha niya habang ako ay halos ma ihi na sa nerbyos at tension.
Paano ba naman kasi, itong si ate Luisita parang lazer ang mga mata kung maka titig.
"Ano ang ginagawa mo dito kapatid, at kasama mo pa ang lalaking ito?" Sambit niya na may bitterness sa kanyang boses.
"Paumanhin binibini, ngunit nais ko lamang sanang kausapin ang iyong kapatid." Sambit ni Gael na may pag galang.
Tinignan ko siya pero ni hindi man lang siya lumingon at nakipagtitgan rin kay ate Luisita.
'Wag ka ng makialam, baka madamay ka pa! Yun ang gusto kong sabihin sa kanya pero tinikom ko nalang ang bibig ko.
"Nakalimutan mo bang hindi pwede ang iyong gusto ginoo?" Sumabta nita naman
Ako oo, siya hindi.
Nalilito na talaga ako kung bakit masama ang loob ng angkan ko kay Gael, eh wala naman siyang ginagawa na lingid sa kaalaman ko.
Siguro ang naging kasalanan niya lang ay ipinang anak siyang gwapo't mayaman. Tsk tsk.
"Halika na Juliana, kanina ka pa pinapahanap ni Ina." Wika niya at naglakad papalapit sa akin pero umatras ako ng kaunti which surprised me as well.
Mukhang nagulat at medyo nagalit rin siya sa ginawa ko.
"Look, hindi ko alam kung bakit ang rude mo kay Gael pero wala naman siyang ginagawang masama eh!" Pag rason ko.
Nan laki naman ang mata niya sa gulat na parang hindi niya inaasahan ang mga sinabi ko.
Oh well, there's no turning back now, kaya gorabells lang Isabelle!
"Kinakausap lang ako ng maayos ni Gael pero ang rude mo honestly." Dagdag ko pa.
"Ano ba ang pinagsasabi mo Juliana? Hindi kita maintindihan. Nasisiraan ka na ba?" Galit niyang tanong.
"Bakit ba kasi? Nakakalito naman eh!"
Para na akong bulkang sasabog dahil sa inis habang si Gael ay nakatayo lang doon sa tabi ko.
"Huwag ng matigas ang ulo Juliana." Bawat salitang binitawan niya ay parang nagtitimpi nalang siya.
Kaya pala mukhang hindi magkasundo si Juliana at (ate) Luisita, masyadong bossy, nakaka irita.
"Pero--"
"Ayos lang binibini, sa susunod ko na lamang sasabihin ang nais kong iparataing sa iyo." Sambit niya na may malungkot(?) na ngiti sa labi niya.
BINABASA MO ANG
The Man from 1889
Historical FictionMaria Isabelle Rodriguez. Rich, famous, smart. Also known as Ms. Perfect. But behind the amazing aura lies all the sadness and pain. Lumaking ulila sa ina kasama ang kanyang ama na kahit kailan hindi niya makasundo. Pero one day, just when she thoug...