"M-mateo?"Hindi ako sigurado kung siya ba talaga ang nasa harapan ko kaya kinurap ko muna ang mga mata ko ng ilang beses bago tumingin ulit sa kanya, and behold! Siya nga!
Hindi ko talaga ine expect na siya ang makikita ko, akala ko pa naman ay si---
"Mabuti naman at naabutan na kita sa pagkakataon na ito binibining Juliana." Nakangiti niyang sambit at kasabay na lumabas ang maliit na dimple.
Gwapo nga siya, grabe ang taste ni Juliana pero hindi talaga ako na aatract sa kanya.
"B-binibini, k-kung alam ko lang na ika'y nasasabik nang makita ang ginoong ito eh sana hindi ko kaagad sinabi sa iyo." Pahingal hingal na sabi ni Rosana na para bang tumakbo sa Marathon.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.
Loka loka talaga ang babaeng to! Nakaka inis! May plano pa atang ipahiya ako dito!
Agad ko namang tinakpan ang bibig niya at baka may masabi pa siyang kalokohan at kasinungalingan.
"Pasensya ka na sa kanya, may konting tililing kasi siya sa utak eh hehehe."
"A-ah ayos lang iyon binibini, mukhang mabuti naman siyang kaibigan."
Kaibigan ka diyan. FC lang talaga ang babaeng to noh!
At kung gusto niyo, kayo nalang dalawa ang magsama, tutal mukhang mas bagay naman kayo! Choss.
"Pero binibini---" Muli pa sanang magsasalita si Rosana pero inunahan ko na siya.
"Hindi ba't hinahanap ka ni Madre Maldita ah! Este Madre Martina?" Sambit ko at tinaasan siya nang isang kilay.
"Ngunit akala ko ba ay gusto mong magpapasama sa akin binbini?" Pangungulit niya pa.
Makikipagtalo nanaman sana ako nang nakisingit naman si Mateo.
"Kung maari sana ay hiramin ko muna si binibining Juliana nang panandalian lamang, nais ko lang sana makausap siya."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa wakas ay tatantanan na ako ni Rosana o di kaya ay mas mainis dahil makakasama ko naman ng mag isa si Mateo.
"Ah ganoon ba Ginoo? Sige, ayos lang iyon basta't ibalik mo lang siya kaagad ah." Madali lang naman pala siyang makaintindi.
"Huwag kang mag alala binibini, ligtas siya sa akin." Nakangiti niyang sambit.
Hindi ko alam kung bakit wala akong nararamdaman sa mga sinabi niya, siguro dahil boyriend siya ni Juliana, not mine, pero kahit kaunting kilig ay wala talaga eh.
Nginitian niya lang ulit si Mateo at ako at nagsimula nang maglakad pabalik sa main building ng school.
"Bakit ka pala nandito?" Panimula ko.
"Masama bang dalawin ang aking mapapang asawa?" Sumbat niya naman.
Ano raw?
Ambisosyo at assumero rin to no!
Lakas rin ng tama eh, nag aadik kaya to?
Hindi pa nga ako pumapayag sa mga plano nila eh! Fyi, boyfriend siya ni Juliana hindi akin, eh kung sipain ko kaya siya! Mapapang asawa ka diyan! Hmp!
"Ehem! Ehem! Ehem!"
Parang na nabulunan tuloy ako sa sarili kong laway ah! Papatayin talaga ako ng lalaking to.
"A-ayos ka lang binibini?" Nag aala niyang tanong.
"O-oo okay lang ako." Wika ko naman habang inaayos ang panuelo ko.
BINABASA MO ANG
The Man from 1889
Historical FictionMaria Isabelle Rodriguez. Rich, famous, smart. Also known as Ms. Perfect. But behind the amazing aura lies all the sadness and pain. Lumaking ulila sa ina kasama ang kanyang ama na kahit kailan hindi niya makasundo. Pero one day, just when she thoug...