Happy 1k reads to us fam! Woohoo! Thank you sa mga nag basa at patuloy na nag babasa nang kwentong ito. Thank you for choosing my story and adding it to your library:) and as a gift here is an early update as promised.
Parang nag milagro talaga ang langit dahil sa bagong boses na dumating, pero hindi pa rin nawala ang malakas na kabog nang puso ko.
"deberías ocuparte de tu propio amigo." (You should mind your own business pal.)
Rinig kong sambit nang guardia sibil habang nakahwak parin ng mahigpit ang mga kamay niya sa braso ko. Sa tingin ko ay magkaka pasa na ako mamaya.
Tumawa nang mahina si Lucas na nag dala ng kilabot sa buong sistema ko bago siya nag salita muli.
"Lo siento...pero...ella es mi negocio."
(I'm sorry...but...she is my business.)Nakasuot siya nang itim na tuxedo at may na sumbrero pa kaya natatakpan ang kalahati sa mukha niya.
Parehong natahimik kaming dalawa nang guardia sibil dahil sa pinagsasabi ng taong to.
Parang siya ang mas may tama ah.
"Mukhang hindi tayo nagkakaintindihan dito. Mabuti pa't umuwi ka na kung ayaw mong masaktan." Natatawa sambit ng guardia sibil habang pilit akong kinaladkad papalayo.
"Let go of me! Idedemanda kita! Harrasment to!" Patuloy akong nagpupumiglas pero parang naka nakapako ang kamay niya sa braso ko.
Paniguradong magkakapasa ako diyan mamaya.
Pero parang walang epekkto ang pagmamatigas ko at pagsigaw ko dahil ni hindi man lang niya ako pinakinggan.
Manhid.
"¡Cállate!" (Shut up!)
Lord please help me po! Ayoko pang mamatay!
Nasa punto na ako ngayon na tatanggapin ang magiging kapalaran ko pero laking gulat ko nangmapahinto kami bigla sa paglakad, or should I say sa pagkaladkad niya sa akin.
Doon ko pang napansin ang kamay na nakapatong sa kaliwang balikat ng guardia sibil.
"Ikaw yata ang hindi nakakaintindi."
Thank the heavens na mas matigas ang ulo ni Lucas kaysa sa akin! Please save me!
Mukhang nainsulto at na apakan ang pride niya dahil hindi nakinig sakanya si Lucas.
"Gusto mo talagang masaktan ah, sige!" Bwelto naman nang guardia sibil at agad namang binitawan ang pagkakahawak niya sa akin para harapin si Lucas.
Pero hindi pa nakapaghanda ang guardia sibil ay bigla nalang may tumamang kamao sa mukha niya dahilan para mapa atras siya sa gulat.
Nagulat naman ako sabay takip sa bibig ko dahil sa mga nangyari.
Napansin ko na may medyo dumugo ang gilid ng bibig ng guardia sibil dahil sa lakas nang suntok pero kaagad niya naman ito pinunasan at nagulat ako dahil nakuha niya pang tumawa. Wow.
"Hinihingi mo talaga ah..." nanlaki naman ang mga mata ko dahil bigla niyang binunot yung revolver niya at itinutok kay Lucas.
Parang ang cliché rin dahil parang nasa movie lang. Ako yung damsel in distress na palaging sinasagip ng prince charming niya. Yuck.
At dahil ayoko mag mukhang prinsesa doon at higit pa sa lahat, dahil narin sa kabobohan at katangahan ko ay di ko na inisoo kung ano ang mangyayari at kaagad kong nilayo ang pagkatutok nang baril kay Lucas bago pa niya kalabitin ang gantilyo nito.
"WAG!"
Sinipa ko ang paa niya bago hilain ang kamay niya.
Hindi ko nga alam kung ano ang nagtulak sa akin para gawin yun at kung bakit parang concern ako para sa lalaking ito.
BINABASA MO ANG
The Man from 1889
Historical FictionMaria Isabelle Rodriguez. Rich, famous, smart. Also known as Ms. Perfect. But behind the amazing aura lies all the sadness and pain. Lumaking ulila sa ina kasama ang kanyang ama na kahit kailan hindi niya makasundo. Pero one day, just when she thoug...