Para akong nabuhusan nang malamig na tubig sa nakita ko. Binasa ko pa nga nang pauit ulit eh, nagbabasakaling mali lang ang pagka proceseso nang utak ko o nang mata ko pero Jusmiyo hindi!Isabelle
Isabelle
Isabelle
Paulit ulit na nag echo sa utak ko ang nakasulat sa makapal na tinta Masasabi mo na OA lang ako dahil sa inaasta ko pero hindi.
Why?
Well you see wala naman sanang problema.
Kung hindi lang sana Isabelle ang nakasulat sa likod nang papel! Dahil tanging ako lang at si Prosepina ang nakakaalam nang totoong pangalan let alone pagkatao ko!
Sa palagay ko isa lang itong biro ni Prosepina sa akin para takutin ako, sa laki ba naman nang bunganga ko minsan ay di ko naman siya masisisi.
Sana nga tama ang hinala ko, na biro lang ang lahat na to dahil kung hindi, naku wala na talagang Isabelle na mag eexist sa future. Huhuhu.
Nanginginig parin ang kamay ko pero pilit kong hinawakan nang mahigpit ang sobre at gumawa nang hakbang para buksan ito.
Dudukutin ko na sana ang laman nang biglang may kumatok sa pintuan at dahang dahan bumukas ang pinto.
Nanlaki naman ang mga mata ko at mabilisang inilagay ang sulat sa ilalim nang unan at pagkatapos ay umupo nang matuwid.
Agad naman bumungad sa akin si Ate Luisita.
Dahan dahan siyang naglakad papasok nang kwarto na may dalang baso na may puting likido sa loob nito.
"Pinapainom nga pala ni Ina sa iyo, batid niya na hindi ka makatuog nang maayos sa mga nakaraang gabi." Sambit niya na walang emosyon at inilapag sa side table ang baso.
Totoo naman, palagi ko kasing iniisip ang magiging buhay ko dito, mga katanungan na wala paring sagot.
"S-salamat p-po." Mahina at nauutal kong sabi.
Mabuti nalang at madilim, ang tanging source of light ay yung maliit na lampara sa gitna nang mesa, di niya nakikita na nanginginig ako sa nerbyos at pinagpapawisan nang malamig.
Ewan ko lang pero sa tuwing magisa lang kami ni ate Luisita ay parang ang awkward at napakabigat nang atmosphere.
Feeling ko kahit ang totoong Juliana ay hindi rin close sa kanya. Bakit kaya?
Tumango lang siya sa tugon ko at muling nagsalita.
"Wag na ring matigas ang ulo, inumin mo na ang gatas at matulog na. Lumalalim na ang gabi at isa pa, maaga pa ang biyahe mo bukas." Walang emosyon parin sa boses niya.
Napatingin naman ako sa lumang orasan at nakitang 7:40 pm pa lang.
Why am I not surprised?
Hindi pa nga ako naka sagot ay lumabas na siya ng kwarto at iniwan ako doong naka tunganga at nagmumukang tanga.
"Ang rude naman nun. Evil step sister lang ang peg?" Mahina kong sambit sa sarili ko.
Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at kinuha na ang baso at nagsimula nang uminom.
Naglakad ako papunta sa bintana at dumungaw. Nakakaugalian ko na ata ang iwanang nakabukas ang bintana, since wala na mang aircon o electric fan sa panahong ito at isa pa presko at nalamig ang hangin pag gabi.
Pag tingin ko sa kalangitan, tumambad sa akin ang milyong milyong bituin.
Kung nasa present ako ay malamang wala ka nang makikitang ganito dahil sa kapal nang usok at pollution, di tulad dito na napakarami at maliwanag na bituin, samahan mo pa nang napaka presko na simoy nang hangin pag gabi.
BINABASA MO ANG
The Man from 1889
Historical FictionMaria Isabelle Rodriguez. Rich, famous, smart. Also known as Ms. Perfect. But behind the amazing aura lies all the sadness and pain. Lumaking ulila sa ina kasama ang kanyang ama na kahit kailan hindi niya makasundo. Pero one day, just when she thoug...