Kabanata 20

192 12 0
                                    


"I-ina, ano po ang g-ginagawa niyo dito?" Hindi ko mapigilang mautal habang tinatanong yun. Naka harap na ako ngayon kay ina na ngayon ay puning puno ng kyuryosidad at pag tataka ang mukha niya, parang nabigla siya na nandito ako ngayon.

"Iyan rin ang nais kong malaman mula sa iyo. Ano ang iyong ginagawa rito?" Kalmado ang boses niya pero hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng sobra at hindi ko mapigilan mangatog ang tuhod ko.

Parang nagka buhop buhol rin ang utak ko kaya hindi ko rin alam kung ano ba ang isasagot ko sa kanya.

Bakit nga ba ako nandito?

Yan, nagpadala ka kasi sa pagiging assuming mo.

"Paumanhin señora, nakasalubong ko ang binibining Juliana kung kaya't hindi ko na rin napihilang kumustahin siya." Si Gael ang sumagot pa ra sa akin habang tinapat niya ang kanyang sumbrero sa kaniyang dibdib at yumuko ng kaunti.

"Walang problema iyon ginoo, ngunit hindi magandang tignan ang isang babae at lalaki na malayang nag uusap sa daan." Pangaral ni ina sa isang mahina at kalmado na boses pa rin.

"Ako po ay humihingi po ulit ng paumanhin. Nais ko na rin po ipaalam sa inyo na nililigawan—" nanlaki ang mga mata ko sa sinasabi niya at hindi ko na napigilang hindi siya patapusin.

"A-ah! H-huwag po kayong mag-alala ina, p-pauwi na rin ako at mukhang may lakad pa si Gae—ah este—ginoong Anastacio, hindi ba?" Binaling ko ang atensyon ko sa kanya at nakita ko na punong puno ng pagtataka ang mukha niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay na para bang sinasabi na sakyan niya lang muna ang trip ko at baka mapugutan ako ng ulo ni Don Marcelo mamaya.

"Nasaan nga ba si Clarita at kayo lamang dalawa ang narito?" Dagdag tanong ni ina sabay palinga linga na para bang hinahanap ang kasama ko.

Oo nga, nasaan na ba ang isang yun?

As if on cue, biglang sumulpot si Clarita sa tabi ko na hindi ko alam kung saang blackhole ba siya nang galing at pulang pula pa ang mukha.

"P-paumanhin binibini, señora." Maikli niyang wika sabay yuko.

"Saan ka galing Clarita? Bakit—" Hindi ko rin siya pinatapos at baka mas mag taka pa siya kung ano ang nagyayari, baka mabuking rin kami pag nagsalita si Clarita. "A-ah may inutos lang ako s-sa kanyang bilhin."

Parang hindi pa rin kumbinsido si ina pero hinayaan niya na lang at di pinatagal ang argumento. Nakahinga na ako ng maluwag ng nawala na ang atensyon niya sa mga pinagagaagwa ko.

"Oh siya, mas mabuti pa kung tayo ay umuwi na sapagkat marami pa akong gagawin." Wika ni ina bago tinignan si Gael sa tabi ko. "Kami ay mauuna na ginoo. Mag-iingat ka sa iyong lakad."

Tumango ulit si Gael bago mag salita. "Maramaning salamat po señora, mag iingat rin po kayo pauiw." Nginitian lang siya ni ina bago dahan dahang tumalikod at nag simula ng mag lakad.

Napabaling ulit ako kay Gael, marami pa ako gustong sabihin sa kanya pero walang lumalabas na salita sa bibig ko. Nanatili lang din siyang tahimik pero bakas ang lungkot sa kanyang mga mata. Ilang sandali pa kaming nagkatitigan ng narinig kong tunawag na ako ni ina.

"Juliana?"

Bumuntong hinga ako bago nag paalam sa kanya. "M-mauuna na kami." Yumuko siya sat binigyan niya ako ng maliit na ngiti bago nag salita rin. "Paalam, binibini."

Tumalikod na ako at dahan dahang sumunod kay ina pero damang dama ko parin ang matalim na titig ni Gael sa likod ko.

"Tapatin mo nga ako Juliana." Panimula ni ina.

The Man from 1889Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon