Kabanata 4

2.2K 71 5
                                    



"finalmente estás aquí mi amigo!" (you're finally here my friend!)

Hindi na ako nagulat nang naintidihan ko ang sinabi niya mas nagulat ako kung sino ang nagsab nun.

Ang Gobernador!

Nanginginig na ako ngayon habang naka pako parin sa kinatatayuan ko. Hindi parin ako makapaniwala na nandito ako ngayon sa harapan nang pinakamakapangyarihang opisyal sa bayan nang Tierra de Oro!

"Naku pasesnya ka na Amigo at nahuli kami! Medyo natagalan sa pagaayos ang aking mga binibini." Bagbibiro ni Don Marcelo sa Gobernador.

As expected napaka pormal parin ang suot niyang barong. Kahit may katabaan ito, mapapansin mo parin ang taglay nitong itsura. May nakatayo namang babae sa tabi niya na I'm assuming ay ang asawa niya na nasa late 30's niya na siguro.

"Ano ka ba, ayos lang iyan Amigo, sa totoo lang, tamang tama lang ang pag dating niyo." Natatawa namang sambit nang Gobernador.

Nilapitan nang babae na katabi nang gobernador si Ate Natividad at niyakap. Nalito naman ako sa mga aksyon niya.

"Kumusta ka na aking anak?" Tanong niya sa kanya.

Wait. Anak? Anak nila si Ate Natividad?

"Ayos naman po ako Ina." Wika nito habang nag mano Gobernador Alonso.

"Mabuti naman kung ganoon at mukhang nasisiyahan ka sa iyong bagong tahanan." Napatawa naman siya nang konti at napangiti na lang si Ate Natividad.

Sa totoo lang kahit tawa siya nang tawa na parang baliw, napaka weird nang awra niya. Siguro dala lang nang kaba ko dahil nakaharap ko na siya pero there's something about him talaga.

"Oh hija, kumusta na pala ang iyong pakiramdam?" Natutok naman ang atensyon niya sa akin na siyang nagpa bigla sa akin.

"A-ah O-okay lang po." Mahina kong sagot.

Nanlaki ang mga mata ko nang napag tanto ang nabitwan kong salita. Mukhang napansin nang mga tao sa paligid ko dahil napatingin naman siya sa direction ko.

"A-ang ibig ko pong sabihin ay ayos na po ang pakiramdam ko." Muli kong paliwanag.

Nagdalawang isip muna ang Gobernador kung magtatanong pa ba siya ukol sa nasabi ko pero mabuti nalang at binitawan niya nalang.

"Ipagpatawad mo ang nangyari noong nakaraang araw. Napatakbo lang ang aking pilyang anak dahil sumama lang ang kaniyang pakiramdam." Pag depensa ni Don Marcelo sa akin.

Seriously kahit hindi kapanipaniwala ang rason niya, dahil sino ba namang nasa tamang pagiisp ang magpapahabol sa mga guardia sa kalahati nang bayan mula sa kanyang kasal at ang irarason lang ay masama lang ang pakiramdam. Pero malaking pasasalamat ko nang tinanggap niya ang paliwanag ni Don Marcelo.

Phew!

"Ayos lang iyon Amigo, naiintidihan ko, baka nadala lang din siya sa nerbyos." Pagbibiro ulit nang gobernador habang nakangiti lang ang babae sa tabi niya at nagsalita narin.

"Oh sha hali na kayo at simulan na natin ang munting salo salo, baka mamaya ay abutin tayo nang magdamag sa pagkwentuhan dito."

Napatawa naman ang iba at sinunod ang mag asawa patungo sa dining area nila.

Napaka engrande nang bahay nila kahit na makaluma ang interior design. Mula sa mamahaling larawan sa dingding, babasagin na vase sa makalumang mesa, hanggan sa mga kasamgkapan sa sala ay talagang masasabi mo na mataas ang posisyon nila sa lipunan.

Ilang pasikot sikot pa sa bahay nila ay nakarating na kami sa dining room. May mahaba at malaking mesa na gawa sa kahoy sa gitna nang kwarto at napapalibutan ito nang mga upuan na gawa rin sa kahoy at rattan. May candelabra din sa gitna nang mesa at napapapalibutan ito nang masasarap na pagkain gaya nang adobong manok, kalderata at kung ano ano pa.

The Man from 1889Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon