Sabado ngayon kung kaya't medyo late na akong nagising nang dahil narin sa pagod at late na rin kaming naka uwi kagabi mula sa party.Siguro mag aalas-ocho na nang nag pasya akong tumayo at iligpit ang higaan ko at baka magalit nanaman si ate Luisita pag nadatnan niya na parang may dumaan na bagyo sa kama ko.
Nang matapos kong iligpit ang higaan ko ay kaagad akong tumungo sa malaking aparador para makapag bihis at makapag ayos-ayos na rin ng sarili ko.
Bigla namang pumasok sa isipan ko ang mga kaganapan kagabi sa party, lalo na yung kaganapang pag uusap namin ni Gael. Hindi ko parin mawari yung lungkot na nakita ko sa mga mata niya nung nakita niyang kasayaw ko si Mateo. Ewan ko ba kung na i-imagine ko lang ba iyon o sadyang yun yung nakita kong emosyon sa mga mata niya.
Assuning ka lang talaga.
Iyon nga lang yung iniisip ko sa buong biyahe kagabi noong pauwi kami sa bahay, lakas niyang maka guilt trip ha, kahit na wala akong ginawang masama.
Pero isasantabi ko muna yun dahil mas may importanteng kaganapan ngayon at kailangan kong mag isip ng plano.
Oplan: pag lapitin si Prosepina at Mateo.
_________________
Nasa hapag kainan kami ngayon at kasalukuyang kumakain ng pananghalian pero hindi ako masyadong naka focus sa pagkain ko dahil nag iisip parin ako ng plano kung paano ko ipagtulakan sina Mateo at Prosepina sa isa't isa.
Hmmm. Hirap pala nito.
Kung ano ano nalang ang naiisip kong paraan dahilan para mapatawa ako nang mahina sa sarili ko.
"Anak, ikaw ba ay ayos lang at kanina ka pa ngiti ng ngiti sa iyong pagkain?" Tanong ni Donya Mariana.
Iniaangat ko nang panandalian ang ulo ko at nakitang halos nakatingin silang lahat sa akin.
Awkward.
"A-ah ayos lang po ako ina, may naisip lang po ako hehehe." Madali kong sagot kay Donya Mariana.
"Mukhang tuwang tuwa ka sa iyong naiisip kapatid ah." Pabiro namang dagdag naman ni Kuya Rogelio.
Isa ito sa mga madalang na araw na nakakasama namin si Kuya Rogelio sa hapag kainan dahil palagi nalang siyang busy sa kanyang trabaho.
"Oo nga, ano... o di kaya, sino ang iyong naiisip?" Si ate Teodora naman ang sumunos na nag tanong.
Halos lahat ay napatawa maliban kay Don Marcelo at Donya Mariana na nanatiling naka ngiti lamang.
"Ano ba kayo, nasa harap kayo ng hapag kainan." Si ate Luisita naman ang nag salita at sa isang iglap ay natahimik naman ang lahat.
"Eto talaga si Luisita, napaka seryoso kaya siguro lahat ng Ginoo dito sa ating bayan ay natatakot na ligawan ka. Hahahaha." Pang aasar naman ni Kuya Jacinto sa kanya to which napatawa niya kaming lahat.
Ay nako agree ako diyan. Baka nga tumanda iyang mag isa pag palagi siyang ganyan ka seryoso. Naku!
"Jacinto! Ano ka ba." Pinagalitan naman siya ni ate Natividad na kanina pang tahimik at ngayon lang talaga nakapag salita.
"Nag bibiro lang po hahahaha." Patuloy naman siya sa pag tawa.
Buong pananghalian ay napuno ng tawanan at asaran mula sa mga kapatid ni Juliana, which is mga kapatid ko na rin.
-----------
Mabagal na dumaan ang oras sa buong mag hapon at nanatili lang akong naka dungaw sa balkonahe nang bahay, nag iisip parin ng mga paraan kung paano ko pag lalapitin sina Prosepina at Mateo, na to my surprise ay napaka hirap palang gawin.
BINABASA MO ANG
The Man from 1889
Historical FictionMaria Isabelle Rodriguez. Rich, famous, smart. Also known as Ms. Perfect. But behind the amazing aura lies all the sadness and pain. Lumaking ulila sa ina kasama ang kanyang ama na kahit kailan hindi niya makasundo. Pero one day, just when she thoug...