"Binibining Juliana! Ang inyong ina ay hinimatay!"Para akong nabingi sa mga narining ko.
"Nagsimula na." Rinig kong sabi ni Prosepina sa tabi ko. Nakatingin lang ako sa mga mata niya at pilit na inintidi ng utak ko ang nga narinig. "Binibini!" Sigaw ulit ni Clarita.
Diin lang ako parang nahimasmasn ay nabali ang titigan namin ni Prosepina. "Sige na puntahan mo na siya." Wika niya, walang bakas na kahit anong emosyon sa mukha pero mahahakata pa rin ang pag aalala at pangamba sa mga mata niya.
Nag-aalinlangan pa rin ako dahil sa mga nangyayari ngayon. Parang lumobo ang utak ko.
"Susubukin kong mag hanap ng solusyon at kasagutan, sa ngayon huwag ka munang gagawa nga kahit anong mas makakapag pahamak sa'yo." Wika niya sa mahinang boses, sapat lang na marinig ko yun sabay udyok sa akin na sumama na kay Clarita.
Parang doon lang din gumana ang mga paa ko at sumama na ako sa dalagita na punong puno ng pag alala ang mukha. Lumingon ako nga isa pang besese kay Prosepina pero hindi na ako nagulat nga makita na wala na siya doon.
Hindi ko na inintindi yun at lakad takbo kami ni Clarita, binabaybay ang malawak na hardin pabalik sa mansyon.
"A-ano ba ang nangyari?" Ang pinaka una kong tinanong sa kanya. "
"H-hindi ko po mawari binibini, kami po at naghahanda ng pananghalian ng may natanggap po siyang liham at makaraan ng ilang sandali ay nawalan na ho siya ng malay." Hinihingal na paliwanag ni Clarita na hawak hawak ang laylayan ng kaniyang mahaba na saya para maka hakbang siya nga mabuti.
Nagulat ako sa paliwanag niya. Hindi pa man ako ganoon ka tagala sa panahon na to, pero alam ko na hindi naman ganoon kahina si ina. Kung ano man ang nabasa niya sa liham na yun ay may kinalaman sa nangyari sa kanya.
Namumuo na ang butil ng pawis sa noo ko ng marating namin ang mahaba at engrandeng hagdanan ng mansyon. Hindi na ako nag paligoy ligoy pa at dumercho sa kwarto nina Don Marcelo.
Kumatok muna ako ng mahina bago tuluyang pumasok. Doon tumambad sa akin si Don Marcelo na nakatayo sa may paanan ng higaan. Si ate Luisita naman ay nakatayo sa likod ni ate Teodora na siya naman ang may hawak sa walang malay na ina. May Kastilang doktor rin na nakasuot ng mamahaling abrigo na parang chine-check ang pulso ni ina.
Napatingin ang halos lahat ng pares ng mata sa akin ng pumasok ako sa silid. Hindi ko na pinansin yun at naglakad patungo sa kanila at naupo sa paanan ng kama. Tinignan ko ang mukha ni ina at parang mahimhing lang ito na natutulog pero putlang putla ang istura niya.
"¿como es ella? ¿Cómo está mi esposa? Ano ba ang nangyari?" (How is she? How is my wife?) Nakahalukipkip at nag-aalalan tanong ni Don Marcelo sa doktor.
Agad naman itong tumingin sa Don at pilit na binigyan ito ng ngiti, siguro para mapanatag ang loob niya.
"Huwag po kayo mag-alala señor, marahil ay dala lang nang pagod ay kung kaya't nawalan ng malay ang señora." Panimula niya habang uni unting nililigpit ang mga kagamitan sa loob ng kanyang may kalakihan na sisidlan.
"Payo ko ho ay magpahinga muna siya at wag masyadong pagurin ang sarili sapagkat baka siya ay mabinat. Painumin niyo rin siya ng halamang gamot na nasa listahan na ito upang manumbalik ang kanyang dating lakas." Pag tatapos niya sabay abot ng isang maliit na papel na nakatupi kay ate Teodora.
Tumayo na ang doktor habang kinakausap pa rin si Don Marcelo bago ito hinatid sa labas. Tumayo naman ako at lumipat sa tabi ni ina at hinawakab ang isa niya pang kamay.
Gumising ka na please.
Parang bumalik sa akin ang pakiramdam noong si mommy ang nakahiga sa hospital bed habang nag aagaw buhay. Hindi ko na napansin ang mga namumuo na mga luha sa mata ko habang tinitignan ang maputla na mukha ni ina.
BINABASA MO ANG
The Man from 1889
Historical FictionMaria Isabelle Rodriguez. Rich, famous, smart. Also known as Ms. Perfect. But behind the amazing aura lies all the sadness and pain. Lumaking ulila sa ina kasama ang kanyang ama na kahit kailan hindi niya makasundo. Pero one day, just when she thoug...