Kabanata 5

2K 66 8
                                    


"Ako nga pala si Lucas. Lucas Anastacio."

Lucas.

So yun pala ang pangalan niya, teka saan ko nga ba ulit narinig yan? Ang familiar eh. Pero infairness ang gwapo rin ng pangalan niya ah, kasing gwapo niya---

Isabelle maghunos dili ka! tigilan mo nga yan kahibangan mo!

Napatingin naman ako nang direcho sa mga nakaka akit niyang kulay taokolate na mga mata at napangiti nang konti.

"Nice to meet--- ah este natatawa akong--- ah wait ang ibig kong sabihin ikinagagalak kitang makilala." Ano ba! Bakit nauutal ako? Nagiging illeterate na yata ako, Ni hindi na nga ako makapagsalita nang direchong tagalog. Pilipino ba talaga ako?

Hay nako Isabelle, palagi mo nalang ipinapahiya ang sarili mo.

Nadagdagan pa ang kahihiyan ko nang napakunot ang noo niya at tumawa nang mahina pero dinig na dinig ko parin. Ramdam ko naman na namula agad ang pisngi ko at yumuko nang konti.

"Ah paumanhin. Sha nga paa, sa pagkakatanda ko ikaw si Binibini Isabel Rodriguez diba?" Pagtataka niyang tanong.

Ano raw? Anak nang!

Way to go Isabelle! Yey.

Namilog naman ang mga mata ko. Paano niya nalaman? Lagot ako niyan, walang dapat makaalam kung sino talaga ako. Huhuhu.

Agad ko namang inangat ang ulo ko at tinignan siya sa mukha kung may bakas ba nang pag bibiro o kahit maling pangalan man lang ang nabangit niya.

Pero wala! Zero! Nada! Nakangiti pa nga ang moko eh! Ugh kainis ang gawpo pa!

"Hindi ah! Saan mo nakuha yan? Hindi Isabelle ang pangalan ko! Naku! Masama ang magbintang nang tao!" Kung ano ano nalang ang lumalabas sa bibig ko para ma deny lang ang mga tinatanong niya.

Ang obvious mo naman. Tsk tsk.

Nakarinig naman ako nang tawa mula sa kanya. Baliw rin siguro tong lalaking to dahil lagi niyang tinatawanan ang mga sinasabi ko. Sa ganda kong to? Mukha ba akong clown?

"Binibini, nakalimutan mo ba na ipinakilala mo ang iyong sarili noong una tayong a-ah... m-magkita? Nabigla pa nga ako sa iyo dahil hindi mo ako pinagsisigawan." Medyo cute siya kasi palagi syiang nauutal sa tuwing mabangit niya yung 'inccident'.

Medyo naguguluhan ako sa tinutukoy niya dahilan para mapa anagat ang kabilang kilay ko.

Ano ba ang pinagsasabi niya?

Ilang segundo pa siguro akong hindi nakasagot at tinignan lang siya na may nalilitong expresyon.

Noong unang araw pala akong napadpad dito! Oo tama! Yung uang araw na pinaghahabol rin ako nang mga tauhan ni Don Marcelo, nagpakilala nga ako bilang Isabelle! Huhuhu.

Mas pinagtutuunan ko kasi nang pansin yung accident eh yan tuloy maling pangalan ang lumalabas sa bunganga ko. Huhuhuhu.

Lagot ka kay Prosepina ngayon dal dal mo rin kasi ehpuro first kiss nalang ang laman nang utak!

"Eh-- ano kasi-- joke---ah este biro lang yun hahaha, hindi naman talaga Isabelle ang pangalan ko, hahahaha." Natatawa kong sambit habang kung ano ano nalang ang lumalabas sa bibig ko.

Ano ba napaka obvious ko naman, sama pa ng acting skills.

Napataas naman ang kanan niya na kilay na parang hindi siya convinced. Agree naman ako sakanya, kahit nga ako ay hindi talaga ako maniniwala sa sarili ko. Hayyst.

"A-ano kasi, I can't tell you my real name hehehe, di bale tawagin mo nalang akong Juliana." Sabi ko sabay hawak sa likuran nang leeg ko.

Napa face palm naman ako mentally nang narealise ko na nag eenglish na pala ako. Ugh. Dapat masanay na talaga akong managalog dito.

The Man from 1889Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon