Kabanata 11

1.1K 48 4
                                    


"Hay nako Clarita! Siguro may problema sa pag iisip yung si ama. Masyadong OA." Reklamo ko kay Clarita.

Saktong sakto sabado na ngayon at halos mag iisang linggo narin akong nakakulong sa kwarto ko. Wala ako masyadong nakakausap bukod kay Clarita na siyang nag dadala rin ng pagkain ko every meal.

Ipinagbawal rin kasi ni Don Marcelo sina Donya Mariana at mga iba kong 'kapatid' na kausapin ako, para daw 'matuto ako'.

As if.

"Naku binibini, hinaan niyo po ang boses ninyo, baka may makarinig."

"Clarita, diba sinabi kong huwag mo na akong tawaging binibini ang weird eh at tsaka wala akong pakialam kung may makarinig." Paliwanag ko.

"Ngunit binibini---"

"Hep hep! Sige isa pang tawag ng 'binibini'." Pabiro kong pagbabanta sa kanya.

"A-ah oo nga po, J-juliana."

Sisitahin ko pa sana siya na mali ang tawag niya sa akin, ng maalala kong ako pala si Juliana. Ugh.

"Pero seryoso, kung takasan ko kaya sila, ano sa tingin mo?" Suggest ko sakanya.

Maraming posibleng plano ang tumatakbo sa isip ko, from climbing down the window to sneaking out kasama si Clarita.

"Diyos ko po! Wag kayong magsalita ng ganiyan. Ano nalang iisipin nang iyong ama?" Nag aalala niyang sambit

"At isa pa, mukhang wala na kayong magagawa sa pasya ni Don Marcelo na ikaw ay ipakasal sa Heneral Mateo." Dugtong niya pa.

Mukhang may point naman siya.

"Eh ayaw ko naman sa ideyang iyon eh, talagang mapilit lang si Don Marce---este ama."

Doon lang napahinto si Clarita. May nasabi ba ako?

"Huwag niyo pong mamasamain, ngunit ay akala ko po ba, kayo ay nasasabik na ikasal sa Heneral?"

Shoot! Oo nga pala, boyfriend ni Juliana si Mateo. Laki rin ng bunganga ko lasi eh.

"A-no ka ba, a-ang ibig kong sabihin ay...ay...ay...ayaw kong manatili sa kwartong ito! Oo tama! Naiinip na kasi ako eh." Buti nalang nakahanap pa ako ng palusot.

"Kung sabagay, kahit ako hindi ako mapapakali sa iisang lugar lamang." Pag sang ayon niya naman.

Ilang sandali pa kaming nagkwentuhan ni Clarita doon ng mga bagay bagay ng bigla naman siyang pinapatawag ni Don Marcelo.

"Binibini---"

"Hep! Hep! Hep!" Putol ko sakanya.

"Ah, Juliana po pala, kailangan ko ng mauna, mukhang ipinapatawag ako ng iyong ama."

Wala naman akong magagawa dahil utos naman yun ni Don Marcelo, baka mapahamak pa si Clarita pag hindi ko siya pinaygan.

Kung kaya't naiwan naman akong magisa doon sa kwarto like any other day sa loob ng linggong to.

Kahit papaano ay may similarities talaga si Don Marcelo kay Dad.

Strikto. Seryoso. Superior.

Hay nako! Pero that does not mean na takot na ako sa kanya ha.

Kaya like every other day for the past week, nandito lang ako nakadungaw ulit sa malaking bintana ng kwarto, pinagmamasdan ang mga kaganapan sa labas.

Malapit narin matapos ang milling season at papalapit narin ang summer kung kaya't hindi na gaano ka busy ang aming tauhan sa labas, bukod sa mga nag ha-harvest.

The Man from 1889Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon