Kabanata 1

6.8K 127 15
                                    

Tik. Tok. Tik. Tok

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatingin sa orasan sa ibabaw nang whiteboard nang classroom namin habang nag sasalita si Prof. Larena about some random sheez about Philippine History.

11:20 pm

Ugh board to death nako. May 40 minutes pa kami before dissmisal till we can get out of this hell hole. Hindi ko alam kung bakit nila pinipilit na balikan ang past, kaya nga past diba kasi hindi na dapat pang balikan at tsaka hindi naman to related sa course ko which is Business Management but since them being the goody two shoes ay dapat pa nilang ituro sa mga estudyante na mukhang hindi naman intersado base sa mga pinag gagawa nila.

Hindi naman sana Buisness Management ang kukunin ko dahil gusto ko sanang mag bachelor in arts pero ayaw akong payagan ni dad kasi raw masasayang lang ang future ko. Hindi ko daw mapapalago ang pera doon. 

Pathetic. 

Gusto rin nila na ako ang mag mamana sa Hacienda Rodriguez  na nanggaling pa sa mga ninuno namin noong unang panahon. Ayaw rin namang kunin ni kuya Andrew kasi pumsaok siya sa Seminaryo at dahil hindi na kumontra si dad ay ako nalang ang inaasahan nila.

By the way ako nga pala si Maria Isabelle Rodriguez, an 18 year old 4th year student dito sa Colegio de San Juan de Letran and yes, kung nagtatanong man kayo, isa akong advanced student and not to brag pero matalino ako kung kayat graduating student na ako ngayon.

I am currently sitted into the most boring subject there is on earth pero wala naman akong magawa pa kasi mukhang wala namang pake si Prof. kung may nakikinig ba sa kanya o wala. Daldal lang nang daldal.

Patuloy parin akong nakatingin sa wall clock habang yung iba ay nagsisilabasan nang phone, nag kwentuhan at yung iba ay natutulog naman. Parang time is not on my side din kasi sa bagal nang takbo nang oras ngayon pero mabuti nalang at half day kami ngayon dahil sa faculty meeting mamayang hapon para sa nalalapit na graduation ball which is to be held within march at dahil February na ngayon ay busy talaga ang mga school staff.

Napa buntong hininga nalang ako at nag simula nang mag take down notes dahil Kahit ayaw ko naman ay pinilit ko paring intidihin ang lumalabas sa bunganga ni Prof para atleast makapasa ako sa subject nato at isa pa graduating na ako.

"And on the night of July 7, 1892 The Katipunan was founded by propagandist Deodato Arellano, Marcello H. Del Pilar and is headed by their Supremo Andres Bonifacio...." etc etc etc. Masyado na ata akong bored at naiirita sapagkat hindi ko namalayang napa hikab na ako nang malakas. Dahilan mapatingin si Prof mula sa libro na hawak hawak niya at nabalin ang atensyon sa akin. Oops.

"Is there a problem Ms. Rodriguez?" Tanong ni Prof. na may halong sarcasm. Gustong gusto ko sanang i roll ang mga mata ko pero baka mapapunta lang ako sa guidance office for being direspectful, and thats the last thing I want. Baka kung ano pa ang gawin ni dad pag napunta ako doon.

"No Prof. sorry po." Sagot ko. Ibinalik naman ni Prof. ang tingin niya sa librong hawak hawak niya at patuloy sa pag babasa habang ako ay ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa iba habang nag aantay mag ring ang bell.

"Buti nga sakanya, palibhasa kasi impatient, spoiled brat at self centered." Narinig kong nagbulungan ang dalawang babae sa likod ko pero pinilit kong wag nalang pansin. "Oo nga, kaya siguro naulila sya dahil hindi matiis ng nanay nya ang kanyang ugali." Sabay tawa nang dalawang pa epal na babae sa likuran.

Ipinikit ko nalang ang mga mata at napahawak ako nang mahipit sa hawak kong ballpen.

Wag ngayon belle, kaya mo to. Don't mind them. The last thing you want is to make a scene at alam mong walang makakapigil kay Isabelle Rodriguez pag ito ay nag wala.

The Man from 1889Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon