Kulang nalang tangayin na ko sa bilis ng pagmamaneho ni Zeke. Nilagay ko ang seat belt at hinanda ang sarili ko.
"Where are we going?"
Napaawang ang bibig ko ng kumindat ito saken "We'll kick some ass"
"Mas mauuna pa ata tayo mamamatay kaysa kay creepy teddy bear guy ih! Damn! Zeke just look in front" napangiwe ako ng muntik na kaming mabangga sa papalapit na truck, I'm just glad that he made it in time.
He chuckles.
"Chill baby, I can drive even without looking"
"You reckless driver!"
Next time ako na talaga mag d-drive. This man will make me insane.
"We'll make it in time" may diin na sambit nito at mas binilisan pa ang pagmamaneho. Napadiin ang hawak ko sa upuan ng makitang balak pa niya ipasok ang kotse sa isang eskinita. Napahinga ako ng maluwag ng magkasya ang sinasakyan namin subalit kaunting maling drive mo lang ay pwede kaming mastock dto.
Napamura ako sa utak ko.
Hindi na talaga ako sasakay sa lalaking to!
Sa hindi kalayuan ay napansin ko ang ilang mga kalalakihan, at dun ko nakita si creepy teddy bear guy na nagdudugo at bugbog sarado.
Napunta ang atensyon nila sa kotse namin na paparating.
"Who the hell are you!?"
Napafacepalm ako ng sinubukan kong buksan ang pinto. Nakalimutan ko na sa sobrang sikip ng eskinita ay hindi ko na magawang buksan ang pinto. "Zeke" nambabantang tawag ko sa pangalan nito.
Humalakhak ito "Coming baby"
Ano ba kasi pumasok sa utak ng lalaking to at dineretso niya pa dito sa loob ng eskinita eh pwede naman namin takbuhin. "Sorry baby, ayokong napapagod ka" he smiled apologizely.
May pinindot siya sa kung saan at bumukas ang roof ng sinasakyan namin. Napahinga ako ng maluwag
I'm just glad this car has a panoramic roof. Maraming paraan na ang pumapasok sa utak ko kahit dumaan na sa dahas para lang makalabas sa kotseng to.
Unang lumabas sa Zeke at inilahad nito ang kamay sakin. Umirap ako "I can handle, Zeke. Tabi"
Ngumuso siya ng tabigin ko lang ang kamay nito kaya wala na siyang nagawa kundi bumaba na ng kotse.
"Aw baby, kahit minsan naman hayaan mo ko tulungan ka" umakyat ako at lumabas.Hindi pinansin ang pag iinarte niya.
"What are you doing here!?"
Napaharap ako sa mga kalalakihan. They consist of 10 people. Dumako ang tingin ko sa dalawang lalaki na hawak si creepy teddy bear guy.
Napakamot ako sa ulo ko. Ano ba kasing pangalan niya?
"You guy with the creepy teddy bear!" Nilakasan ko ang boses ko at dun ko lang nalaman na mukhang nawalan na siya ng malay sa dinanas nya. Puno ng sugat at dugo ang katawan niya.
He's bleeding..
"I-s that the mafia boss?"
"Shit"
"What is he d-oing here?"
"We're g-onna die"
Napatingin ako sa tinitignan nila.
Mafia Boss?
Nakatingin sila kay Zeke ng may nahihintakutang mga mata at ang iba pa ay nanginginig sa takot. Pansin ko ang pagitim ng mata ni Zeke. Hinawakan nito ang balikat ko at inilapit ako sa kaniya. "Let go of him" malamig na saad ni Zeke.
Actually, it's like a command.
Hindi ko maiwasang kilabutan sa tono ng pananalita niya. It's cold and full of authorization. "That would be impossible" lumabas sa kung saan ang lalaking nakaitim.
Hindi maalis ang ngiseng nakapaskil sa labi nito. At nakakaramdam na ko ng pagkairita sa mukha niyang hukluban!
Ano ba't meron naka purong itim silang lahat!?
Anong kulto bang pinasukan nila? Tsk.
"Poland.."
"We meet again, mafia boss"
Hindi ko napigilang kalbitin si zeke.
"Bat tinatawag ka nilang mafia boss, zeke? Lumuwang na ba tornilyo nila sa ulo?" Hindi makapaniwalang hinarap niya ko at tumawa. Ginulo nito ang buhok ko "You bet, baby"
Ngumuso ako. "Are they insane?"
"You think so?"
Tumango ako.
"Why are they all wearing black? Ililibing na kaya nila si creepy boy?"
Muli na namang tumawa si Zeke. Hindi ko tuloy malaman kung pinagt-tripan niya ko o kung ano. I'm serious here, man!
"It seems you have forgotten our presence, dear" sumama ang tingin ko sa lalaking lumabas kanina kung saan. Anyway, he seems like the leader of this hukluban. Hindi ko gusto ang tabas ng buhok niya, nakataas ang buhok niya na gaya sa manok!
Kaya pala putak sya ng putak.
"I don't know who the hell you are, tandang manok! Pakawalan niyo ang lalaking yun (sabay turo kay creepy teddy bear guy) may kailangan pa ko sa kaniya"
"TANDANG MANOK!?"- Hindi makapaniwalang sigaw nito "Binge ka ba, o kailangan ko pang ulitin?"
Naaasar na ko sa manok na to. Hindi lang siya pangit, binge pa!
"Baby.. chill out ahahaha baka maihi yan sa pants nya" pinisil ni Zeke ang kamay ko "That creepy guy you're talking about needs to be helped immediately or he will die, baby"
Hinarap ko si Zeke at inirapan. "Eh kung gumalaw ka kaya diyan at tinulungan na siya? Edi sana nakaalis na tayo"
He chuckled "your wish is my command" binitawan nito ako at sinugod ang mga kalalakihan.
Hindi ko maiwasan mamangha.
He's so good.
Napakaliksi niya kumilos at lahat ng matamaan ng kamao niya ay agad nawawalan ng malay. Ang lakas niya!
Sa pagkamangha ko sa kaniya, nakalimutan ko na may nakalapit na sakin at inilagay ang braso nito sa leeg ko "Stop what you're doing or I'll kill this young woman!" Biglang tumigil si Zeke, hawak ang buhok ng lalaki at tumingin samin. Madilim ang tingin nito sa lalaking nasa likod ko pero ng bumalik ang tingin nito sakin ay bigla siyang ngumite "I'll let you handle that guy, baby" malambing na saad nito at inuntog sa pader ang ulo ng lalaking hawak niya.
"You hear that?" walang gana kong sambit ito at pinalipit ang braso nito na ikinadaing niya. Malamig ang matang hinarap ko siya sakin "the moment you touched me, it's your loss idiot" malakas na sinipa ko ang mukha niya na ikinawalan niya ng malay.
Pagharap ko kay Zeke ay bitbit na nito si creepy teddy bear guy na walang malay. "Move on and regroup!" Nagsitakbuhan ang mga kalaban sa takot. "Is that fine letting them run away?"
"Let them be"
Inapakan ni zeke ang lalaking walang malay na nanakot sakin kanina ng dumaan siya at walang ingat na pinasok si creepy guy sa kotse. "Hoy maghinay-hinay ka!"
"What?" He pouted.
Mas lalo lang dumagdag sugat ni creepy guy!
Pumasok na kami sa kotse at inilabas ni zeke ang kotse sa eskinita.
He's a good driver but a reckless one!
"Let's bring him to nearest hospital"
BINABASA MO ANG
The Mafia Boss Inlove With The Gangster Queen
Mystery / ThrillerGangster Queen ♡ Mafia Boss