Chapter 4 : Curiousity

318 34 0
                                    

Nakaupo ako sa grills sa balkunahe ng kwarto ko habang nakatingin sa langit na puno ng napakaraming bituwin. Sa hindi malamang dahilan ay nakakaramdam ako ng kaginhawan, pumapayapa ang isip ko at sa ganitong sitwasyon lang ako nakakapag-isip ng maayos. Itinaas ko ang kamay at pinakiramdaman ang hangin.

Napasulyap ako sa ibaba at napabuga ng hangin ng makita ang taas kung sakaling mahuhulog ako.

I just shook my head.

Hindi mawala-wala sa isip ko ang sinabi ng lalaking yon. Kalahati ng isip ko ay sinasabing kasinungalingan ang sinabi niya pero pakiramdam ko ay kailangan ko siyang paniwalaan.

Kinunsolta ko na si kuya about sa sinabi ni Zeke at sasabihin ko sa inyo. Tuwing naiisip at nababanggit ko ang pangalan niya ay bumibilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

When I asked kuya ay doon ko lang nalaman na totoo ang lahat ng sinabi ni Zeke. Hindi ko alam pero napakapamilyar niya at sigurado akong napakalaking parte niya sa past life ko gaya nga ng sinabi niya

"Agatha who are you?"- tanong ko sa sarili ko. Napangite ako ng mapait. Ni sarili ko nga hindi ko kilala. Pakiramdam ko mas kilala pa ako ng lalaking iyon kaysa sa sarili ko. At alam ko sa sarili ko na it might be true.

Isa pa naguguluhan ako sa personalities ko. Bigla-bigla nalang nag-iiba. Ng nagalit ako at puno ng sakit ang puso ko ay parang nawala ang mabait na Agatha. Kumalma lang ako ng makita ko si Zeke. Sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya. Ano ba talaga ang parte niya sa buhay ko? Alam kong importante siya pero ganoon ba siya kaimportante para angkinin ako?

"Zeke, zeke, zeke"- pauulit-ulit na banggit ko. Napakapamilyar. Sinubukan kong alalahanin ang mga pangyayari na may koneksyon sa kaniya pero ni isa ay wala akong maalala at sumasakit lang ang ulo ko.

"Ano ba talagang nangyari at nagka amnesia ako?"

"Babalik din ang ala-ala mo, don't worry"- untag ni kuya.. ang lakas ng pakiramdam ko. Kahit ni isang tunog ay hindi lumikha si kuya sa pagpasok pero alam na alam kong nandito siya. Ramdam ko ang presensya niya. Kahit hindi ko pa siya nakikita ay nakilala ko na siya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Napakalakas ng pakiramdam ko maging ang reflexes ko. Hindi gaya noon. Hindi kaya may koneksyon ito sa past life ko? Hindi imposibleng mangyari iyon lalo na't wala akong kaalam-alam

"Kuya tell me.. ano ba talaga ako sa past life ko?"- na cucurious ako.

"I can't answer that"

"Why?"

"Do you remember what Ezekiel said?"

(Nod)

"We can't help you with this matter. May kailangan kang patunayan samin. You need to regain your memories just by yourself. Kailangan mong maalala ang lahat at doon mo maiintindihan ang lahat ng sinasabi ko sayo----"

"Bakit niyo ba ko pinapahirapan ng ganito?"

"Balang araw.. pasasalamatan mo din kami sa pagtatago sayo ng nakaraan mo.. pero alam kong hinding-hindi mo matatakasan ang lahat ng responsibilidad mo. Be strong Katana Agatha"

***

Ngayon ang unang araw ng klase at sinasabi ko sa inyo. Masama na naman ang araw ko at mainit ang ulo ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Napaka moody ko!

Nakakairita. Parang gusto kong manapak ng lahat ng madadaanan ko. Isa pa, kanina pa ko pinagtitinginan na para bang ako ang pinaka wirdong babae sa buong mundo.

"Hi Agatha!"- hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

For what?

"Aba! Niloko lang ng boyfriend at best friend niya naging snobber na! Yumabang an-"

Tumigil ako sa paglalakad at nakapamulsang humarap dito na may nanlilisik na mata.

"Stop pestering me.. or I'll kill you"- anas ko sa malamig na boses at tumalikod.

Kill? Too much. I will never go that far.

Nakangise ako habang naglalakad dahil naka paskil sa isipan ko ang takot na mukha ng babaeng yon. Nagsasalita palang ako.. paano pa kaya kapag kumilos na ko?

Author's PoV

Nakangise ang magandang babaeng tinitingala ng lahat habang naglalakad sa hallway ng university nila. Nakapamulsa ito at parang reyna kung maglakad.

Napapatingin lahat sa kaniya ang mga estudyanteng madadaanan niya. Mapababae man o lalaki. Ramdam sa presensya nito na wala siyang mood at para bang sinasabi nito na 'BACK OFF'.

Ibang-iba ang babae na to sa kilala nilang Agatha. Ang agathang kilala nila ay di makabasag pinggan sa sobrang bait at hinhin nito but right now, wala kang mababakas na emosyon sa mukha nito at puno ng awtorisado. Nakakatakot ito at mas dumagdag pa ang ngise nito. Na kahit anong oras ay pwede kang patayin sa maling kilos mo.

Maraming nagtangkang kausapin ito pero hindi pa sila nakakalapit ay lumalayo na agad sila sa takot sa babae.

Nasan na ang Agatha na kilala natin?

Sabi na nga ba at nag papanggap lang yan

Tsk lumabas din ang totoong ugali niya..

Anong nangyari sa kaniya?

Baka naman badmood lang?

Ang ganda parin niya

Hehe ang astig nya!

Ilan lang yan sa mga bulongan ng mga estudyante na hindi pinapansin ng babae kahit rinig na rinig nito. Ipinaksak lang nito ang headset sa tenga at nagpatuloy sa paglalakad.

Ezekiel PoV

"Where is she?"- tanong ko kay Clyde. Isa sa pinagkakatiwalang tauhan ko.

"She's already in the university"- I call ended the call at pinaharurot ang kotse ko papuntang university.

Pinark ko na ang sasakyan ko at pagkababa ko palang ay nagtilian na ang mga estudyante.

Ang gwapo niya!

Mylabs akin ka nalang!

Wahhhhhh baby!

Hindi ko sila pinansin ni pinasadahan man lang ng tingin at dumersetso sa room. Siya lang naman ang dahilan kung bakit ako ginanahan pumasok.

Pagkapasok ko ay agad ko siyang hinanap. Parang biglang huminto ang oras ng makita ko siya.

I knew it..

Napakaganda talaga ng mahal ko..

Napatingin ito sakin dahilan para magkatitigan kami. Naglalaban ang aming tingin. Ni isa ay walang gustong magpatalo.

Napangise ako ng may maisip akong paraan para matalo ito.

Kinagat ko ang labi ko at dinilaan ito. Mukhang nagulat naman ito at nanlaki ang mata na agad umiwas ng tingin.

I won.. nothing changed.. you're still my wife I know, Kana

The Mafia Boss Inlove With The Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon