CHAPTER 03

37 4 0
                                    

Hindi alam ni Andrea kung paano siya nakauwi sa kanila. Masakit na masakit ang ulo niya nang magmulat siya ng mga mata kinabukasan. Halos ayaw na niyang bumangon sa higaan. Parang may malalaking bato na nakadagan sa ulo niya.

Shit! Ano ba ang nangyari sa kaniya?

Pilit niyang inalala ang mga nangyari kahapon and she remember everything. Unti-unting bumalik ang kirot sa puso niya. Nahuli niya ang nobyo niya na nakikipag-sex sa kapatid niya and that is the reason why she get drunk last night. Nagpakalango siya sa alak dahil sa sobrang sama ng loob. Sa mismong araw pa talaga ng anniversary nila nangyari ang lahat. Nakagat niya ang ibabang labi at pilit pinigilan ang luhang nagbabadyang pumatak sa mga mata niya.

Ano ba ang kasalanang nagawa niya para parusahan siya ng ganito? Bakit sobrang sakit naman ng nangyari sa kaniya.

Napatingin siya sa cellphone niya na nasa ibabaw ng side table nang biglang umilaw iyon. Nakita niya ang pangalan ni Arvin. May text message siyang natanggap galing dito. Kahit na galit siya dito ay binasa pa rin niya ang mensahe.

I'm sorry, babe. You were so drunk last night. I was the one who brought you home. I know I’m the reason you were there. I followed you. I’m really sorry, Andrea. Hope you're feeling okay when you wake up.

Really? Talagang nanggaling pa rito ang mga salitang iyon? Sana daw ay okay siya pagkagising niya.

Bakit? Ganoon lang ba iyon? Sa tingin yata nito ay isang tulog lang at mawawala na ang lahat ng sakit na ginawa ng mga ito sa kaniya. She hated him! Kahit kailan ay hindi niya ito kayang patawarin.

She placed her phone back on the table without replying. There was no longer anything between her and Arvin. Since yesterday, she had cut off whatever they had.

But she didn’t expect to find him sitting there in their living room, waiting for her when she came downstairs.

As usual ay wala ang kanilang Mommy pati na rin ang Daddy nila dahil busy sa trabaho ang mga ito. Hindi siya pumasok ngayon dahil masama ang loob niya pati na rin ang pakiramdam niya. Ayaw niyang maging lutang lang sa trabaho kung pipilitin niya ang sarili. Wala pang alam ang parents nila sa nangyari sa kanilang magkapatid. Siguro ay hindi na siya ginising ng kaniyang ama nang makita nito na mahimbing ang tulog niya.
Ang kapatid naman niya ay hindi niya nakita sa ibaba. Hindi niya alam kung nasaan ito at wala na siyang balak alamin pa.

"Ma'am may bisita ho kayo," sabi ng isang katulong nila bukod pa kay Manang Minerva. Dalawa ang katulong nila sa bahay. Tumango lang siya dito, ni hindi pa siya nakakapagsuklay at hilamos nang babain niya si Arvin. Napatayo ito sa kinauupuan nang makita siya nito.

“What are you doing here?” she asked, her voice devoid of emotion.

“Babe, we need to talk,” he replied.

“Don’t call me ‘babe.’ We’re done. It’s over, Arvin. What else do you want?!” Her voice rose slightly, unable to contain her anger.

"Ikaw ang kailangan ko. Ikaw ang mahal ko Andrea! Walang katotohanan lahat ng nakita mo! Paniwalaan mo naman ako!" anito sa kaniya.
Nagdidilim lang lalo ang paningin niya dahil sa narinig niyang sinabi nito. Malinaw sa kanya na totoo ang lahat ng nangyari. May sinungaling bang umamin sa ginawa nitong kasalanan? Wala.

Hinampas-hampas niya ito sa dibdib.

"Ang kapal ng mukha mo, minahal kita! Minahal kita! Bakit mo ginawa sakin ito? Buong buhay ko pinaikot ko sayo tapos lolokohin mo ako dahil lang sa tawag ng laman? Ang sama mo! Napakasama mo! Sa dami ng babae kapatid ko pa talaga!" umiiyak niyang sabi. Hinayaan lang siya nito hanggang sa napagod na siya kakahampas sa dibdib nito. Tumigil na siya at pinunasan ang luha.

"Umalis ka na Arvin. Kahit ano pang sabihin mo ay hindi na ako babalik sayo. Hindi kita kayang patawarin at wala ka ng magagawa para magbago pa ang isip ko!" matigas niyang sabi.

Hindi na niya hinintay na magsalita pa ito dahil nagmamadali na siyang bumalik at pumanhik sa itaas.

Pagkabalik niya sa sariling kwarto ay bumuhos na naman ang luha sa mga mata niya. Akala niya ay ubos na ang luha niya pero wala pa rin siyang tigil sa pag-iyak.

Gabi na nang lumabas siya ng silid. Saktong maghahapunan na sila. Nakaupo na sa harap ng lamesa ang kaniyang Daddy at Mommy pati na rin ang ate niya. Bumaba siya kahit na namamaga ang mga mata niya. Pag gabi lang sila nagkakasama-sama at nagkakaharap sa hapagkainan.

“Andrea, come here, sweetheart.”

It was her father. He guided her to sit next to her mother, while her sister merely glanced at her, perhaps gauging whether she would confide in their parents.

Her father immediately noticed her puffy eyes.

“Honey, what’s wrong? Why do your eyes look like that?” he asked, concern etched on his face. She caught her sister rolling her eyes in annoyance. Andrea couldn’t find the words to respond right away.

“Andrea?” her mother called gently.

"Mommy malaki na si Andrea. Baka naman may pinanood lang na nakakaiyak na movie kaya ganiyan. Let's eat na—'

"Nahihiya ka?" putol niya sa sinasabi ng kapatid niya. Napatingin naman ito sa kaniya. May takot sa mga mata.

"Natatakot ka ba na malaman nila kung ano ang ginawa mo?" aniya sa kapatid. Pinandilatan lang siya nito ng mga mata.

“What’s going on? Andrea, what are you talking about? Are you two fighting?” their father asked, switching his gaze between them.

"N-no Dad. Of course not!" mabilis na tanggi ng ate niya.

"Bakit hindi mo sabihin kila Daddy at Mommy kung ano ang ginawa mo?"

Parang maiihi na sa salawal ang kapatid niya.

“What’s wrong with you two? What’s happening?!” their mother’s voice rose sharply.

“Ask her, Mom,” Andrea replied defiantly.

“Antonette, what’s going on? What is Andrea talking about?” their mother pressed her sister for answers.

"Sabihin mo na sa kanila na nahuli ko kayo ni Arvin na nagse-sex at pinagtataksilan niyo ako!" malakas ang boses na sabi niya dahil hindi na niya mapigilan ang sarili.

"W-what?!" kunot na kunot ang noong sambit ng Daddy nila pati na rin ng Mommy nila. Nagpapalit-palit ng tingin ang mga ito sa kanila. Gulong-gulo at hindi makapaniwala sa narinig.

“Yes, it’s true, Mom and Dad. They were cheating on me!” she said, tears streaming down her face. Her sister was speechless, unable to defend herself.

A heavy silence filled the room, lingering in the air until their mother finally spoke.

"A-andrea, ano ba naman ang ibinibintang mo sa kapatid mo? Bakit ka ganiyan? Alam mong hindi ’yan kayang gawin ng kapatid mo sayo!" sabi ng ina nila. Nagulat siya sa reaskyon ng Mommy nila.
Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Hindi pala siya nito papaniwalaan.

"Nahuli ko sila Mommy. Kitang-kita ng dalawang mga mata ko! Sabihin mo ang totoo sa kanila ate, sabihin mo!" aniya sa kapatid pero umiling ito.

"Wag kang gumawa ng kwento Andrea. Tumigil ka! Baka ibang babae ang sinasabi mo. Nababaliw ka na talaga," anito sa kaniya. Napailing ang Mommy nila.

"My goodness Andrea! Hindi kita ganiyan pinalaki. Nagkulang ba ako sayo? Anong nangyayari sayo?" anito. Pasimpleng ngumisi ang kapatid niya dahil hindi siya pinaniwalaan ng Mommy nila.

Para siyang mauubusan ng hangin sa katawan. Hindi siya makapaniwala na ang ate niya pa ang kakampihan nito. Mabilis siyang umalis sa harap ng hapagkainan at lumabas ng bahay nila.

"Andrea bumalik ka dito!" dinig niyang sigaw ng Daddy nila pero hindi siya bumalik. Agad niyang kinuha ang sasakyan at pinaandar iyon paalis ng bahay nila. Bahala na kung saan siya mapunta. Ang sama-sama ng loob niya ngayon. Hindi niya alam kung saan siya pupunta pero umalis pa rin siya. Basta ang gusto lang niya ay lumayo sa ex niya, sa kapatid niya at ngayon ay pati na rin sa mga magulang niya.

You Are The Reason (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon