CHAPTER 22

31 3 0
                                    

Alas-onse na ng tanghali at malapit ng makaluto. Isa-isang tinitingnan ni Shan ang mga ginagawa ng mga tauhan nila na katulong sa pagluluto at pag-aayos para sa pinahanda niyang boodle fight. Hindi na siguro nila hihintayin pa na mag-alas dose bago kumain ng sabay-sabay.

"Nanay Oreng, maghain na ho kayo. Kakain na tayo pamaya-maya," aniya kay Nanay Oreng na inaayos ang mga dahon ng saging sa isang mahabang lamesa.

"Oho Senyorito. Aayusin na ho namin ang pagkain," sagot naman ni Nanay Oreng sa kaniya. Tumango siya dito at tipid na ngumiti. Hinanap ng mga mata niya si Andrea at nakita niya itong kinakausap ni Raymond. Isa ito sa mga tauhan nila sa hacienda. Naningkit ang mga mata niya nang mapansin na nakangiti si Andrea. Ano naman kaya ang pinag-uusapan ng mga ito?
Agad na nagbago ang mood niya at umiwas ng tingin. Bakit hindi niya kayang makita si Andrea na napapangiti ng ibang lalaki? Naiinis siya at di niya alam kung bakit. Itinuon niya ang atensyon sa mga nag-aayos sa bahay kubo pero hindi pa rin niya maiwasang lumingon sa gawi ni Andrea. Sa mga oras na ito ay gusto niya itong hatakin palayo kay Raymond. Ano ba kasi ang pinag-uusapan ng mga ito?

Hindi siya nakapagpigil at bumulong siya sa isang tauhan nila. Pinatawag niya si Andrea dito upang lumapit ito sa kaniya at iwanan na si Raymond.

Nakita niyang nilapitan si Andrea ng taong inutusan niya at kapagkuwan ay lumingon ito sa gawi niya. Nagtama ang mga mata nila. Iniwanan nito si Raymond at agad na lumapit ito sa kaniya.

"Shan, may iuutos ka?" tanong nito nang makalapit sa kaniya. Matiim siyang tumitig sa mga mata nito kaya kumunot ang noo nito.

"Anong iuutos mo? Bakit mo ako pinatawag?" tanong pa ulit nito.

"Dito ka lang," tipid niyang sagot. Nagtaka naman si Andrea sa sinabi niya.
Tiningnan siya nito nang may pagtataka sa mga mata.

"W-what? Ang sabi ko dito ka lang sa tabi ko," naiirita niyang sabi. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang nainis at alam niyang halatang-halata iyon ngayon sa mukha niya.

"S-shan, may problema ba?" naguguluhang tanong ni Andrea. Siguradong nagtataka na ito sa biglaang pagbabago ng mood niya.

"Wala. Malapit na tayong kumain kaya dito ka na lang," sabi niya dito. Pinilit niyang alisin ang inis na bumabalot sa puso niya. Ilang sandali pa ay hinapit niya ang baywang nito kaya nanlaki ang mga mata nito at nagulat. Tinitigan lang niya ito sa mga mata. Hindi naman ito magkamayaw sa pagpapababa ng kamay niya. Naiinis na naman tuloy siya. Bakit ba pati ang paghawak niya sa baywang nito ay ayaw nito? Gusto niyang ginagawa ang bagay na ito dahil pakiramdam niya ay kaniyang-kaniya lang si Andrea kapag ganito. Hindi niya inalis ang isang kamay niya na nakapulupot sa baywang nito habang nakatayo ito sa tabi niya. Napapatingin sa kanila ang ibang mga tauhan pero wala naman siyang pakialam. Wala siyang dapat na ipaliwanag at mas lalong wala siyang dapat itago.

"Shan ano ba pinagtitinginan na nila tayo," pigil ang boses na bulong ni Andrea sa kaniya.

"I don't care," mahina niyang tugon. Bumuntong-hininga ito at walang nagawa. Nakita niyang napatingin din sa gawi nila si Raymond kaya naman mas lalo niyang hinapit si Andrea palapit sa kaniya.

Nang makahain ang mga tauhan ay saktong lumabas na rin ang mga magulang niya. Agad na binati ito ng mga tauhan nila.

"Magandang araw ho Senyora at Senyor," rinig niyang sabi ng mga ito.

"Magandang araw din sa inyo, mukhang nakaluto na kayo ha? Kakain na ba tayo?" anang Mommy niya.

"Yes Mom and Dad, come on let's eat! Kumain na po tayong lahat," sabi niya sa mga ito. Nakahain na sa lamesa at lumapit na sila doon. Tinulak ni Andrea ang wheelchair niya. Maluwang doon kaya naman kasyang-kasya silang lahat. Inalalayan siyang makatayo ni Andrea at nakita niyang nagulat pa ang mga magulang niya nang makitang nakakatayo na siya ng medyo matagal.

"Anak nakakatayo ka na?" gulat na puna ng Mommy niya.

"Yes Mom, paunti-unti ay kaya ko na, thanks to Andrea," sagot niya. Maang naman na napatingin sa kaniya si Andrea. Ito ang dahilan kaya sinisikap niyang gumaling ulit. Napayuko si Andrea at kita niyang nahiya ito nang balingan ito ng tingin ng Mommy at Daddy niya.

"Siya ang nagsabi sakin na sikapin kong gumaling," sagot niya.

"Wow! Thanks Andrea, hindi talaga kami nagkamali ng pagpili sa iyo," sabi ng Daddy niya. Pinilit na ngumiti ni Andrea sa mga ito kahit na halatang hiyang-hiya pa rin ito.

"W-wala naman ho akong ginawa, siya pa rin ang nakatulong sa sarili niya," nahihiya nitong sagot.

"Pero ikaw lang ang nakapagpasunod ulit sa akin," sagot niya. Ngumiti ang Daddy niya.

"That's good to hear. Anyway kumain na tayo baka lumamig ang pagkain," sabi ng Daddy niya kaya naman sinimulan na nga nilang kumain ng naka-kamay. Ang saya ng pakiramdam dahil sabay-sabay silang lahat na kumakain ngayon. Tiningnan niya si Andrea at paminsan-minsan ay nagkakatinginan sila pero ito ang unang umiiwas ng tingin. Ang isang kamay niya ay muling humawak sa baywang nito, hindi naman na siya pinigilan pa ni Andrea. Masayang-masaya maging ang mga tauhan nila. Ang presko pa ng simoy ng hangin. Panatag na panatag ang pakiramdam niya at natutuwa siya dahil alam niyang napasaya niya ang mga tauhan nila, ang Mommy at Daddy niya ay nagsusubuan pa. Ngayon lang niya napagtanto na ang dami niyang kasalanan sa mga ito. Maraming mga pagkakataon na ginugol niya ang sarili sa galit at sama ng loob kahit ang totoo ay walang ginawa ang mga ito kundi ang mahalin siya, nawawalan lang talaga ito ng oras sa kaniya. Naiintindihan na niya ang lahat ngayon at gusto niyang humingi ng tawad sa mga ito kapag may pagkakataon na nakausap niya ito nang sila lang. Sa ngayon ay itinuon niya muna ang sarili sa kaganapan ngayon.

"Gusto mo ng pakwan?" alok sa kaniya ni Andrea. Tumango siya kaya inilapit nito sa bibig niya ang pakwan. Bigla namang nagsigawan ang mga tauhan nila nang kainin niya iyon.

"Uy! Senyorito bagay kayo ni Andrea!" tudyo sa kanila ng mga ito. Bigla siyang napangiti. Si Andrea naman ay nahiya.

"Oo nga po parehas kayong gwapo at maganda. Bagay talaga kayong dalawa!" sabi pa ng isa.

"Wag niyong masyadong tuksuhin kami, nangangamatis na ang mukha ni Andrea eh," pagsakay niya sa biro ng mga ito. Nagtawanan naman ang mga tauhan nila. Pasimple siyang kinurot ni Andrea sa baywang pero mahina lang siyang tumawa sa ginawa nito. Nang tingnan niya ito ay tama nga siya, pulang-pula na ang mukha nito. Mas lalong lumawak ang ngisi sa labi niya.
Nasa kalagitnaan sila ng pagsasaya nang may sasakyang huminto mula sa di kalayuan. Lahat sila ay napatingin doon. Hindi niya iyon alintana noong una dahil baka naligaw lang iyon na tao, pero nang biglang may pamilyar na bulto ng babae ang bumaba sa sasakyan ay natigilan siya bigla.

“Aliyah...”

You Are The Reason (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon