Sa mahabang panahon ay ngayon na lang ulit nakaramdam ng kapanatagan si Shan. Wala sa hinagap niya na matututunan niya muli ang ngumiti. Magaan ang pakiramdam niya ngayon habang kasama niya si Andrea. Aaminin niyang gusto niya talaga na makapag-bonding silang dalawa kaya niyaya niya itong mag-picnic sa tabing ilog. Isa pa ay gusto niya rin ang ma-relax. Ngayon lang ulit siya nagka-interes sa mga ganito. Dati kasi ay wala na siyang gana sa buhay, pero ngayon heto at nagsisimula na naman siyang sumaya at dahil iyon kay Andrea.
"Andrea?" tawag niya sa dalaga. Magkatabi silang dalawa habang ito ay kumakain ng mansanas.
"Bakit?" tanong nito sa kaniya at agad na lumingon.
Parang bigla ay umatras ang dila niya sa nais niyang sabihin. Gusto lang naman niyang magpasalamat dito dahil ito ang dahilan kaya nagkaroon ulit siya ng pag-asa sa buhay. Na hindi siya dapat nagmumukmok lang at palaging galit sa mundo. Yung mga sinabi nito sa kaniya ay tumimo na sa isipan niya kaya tinuturuan na ulit niya ang sariling maibalik sa dati.
"May sasasabihin ka?" tanong ni Andrea sa kaniya. Napansin nito na natigilan siya at hindi niya maituloy ang sasabihin.
Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga. Nagulat ito nang ginagap niya ang kamay nito at pinisil iyon. Maang itong napatingin sa kaniya. Siya naman ay ngumiti lang dito.
"Thank you, because of you, I finally realized what I should have done a long time ago. Thank you, Andrea, for taking care of me too," he said to her. A smile slowly formed on Andrea's lips, a smile that captivated him. Why was she so beautiful? She looked like an angel, especially when she smiled.
"Wala ’yun Senyorito," sagot nito sa kaniya.
"Masaya ako na makitang unti-unti mo na ulit binubuo ang sarili mo," dagdag pa nito. Ngumiti siya at kapagkuwan ay dahan-dahang nahiga sa carpet. Ginawa niyang unan ang dalawang kamay niya habang nakatingin sa bughaw na langit.
"Inaantok ka?" tanong nito sa kaniya nang makitang humiga siya. Ipinikit lang niya ang mga mata, kitang-kita sa kaniya ang kapanatagan. Maaliwalas ang mukha niya ngayon. Hindi na kumibo si Andrea nang makita nitong pumikit siya. Ilang minuto siyang ganoon lang. Ang gaan ng pakiramdam niya.
"T-tulog ka na ba?" tanong ni Andrea sa kaniya. Hindi niya ito sinagot. Gusto niyang isipin nito na natutulog na nga siya.
Maya-maya ay bigla na lang itong nagsalita.
"Alam mo mas gwapo ka kapag nakangiti ka palagi, wag ka na sanang magsungit ulit," mahinang bulong nito. Iniisip na nga yata talaga nito na tulog na siya. Kinakausap siya nito.
"Ang tangos ng ilong mo no? Ang ganda pa ng labi mo, bakit napaka-perfect mo naman yata? Ang lakas mo naman kay Lord," sabi pa nito. Pinigil niya ang mapangiti ng wagas dahil baka gumalaw ang labi niya. So nagugwapuhan pala ito sa kaniya?
Gusto niyang marinig ang mga susunod pang sasabihin nito."Crush na yata kita. Bakit ba kasi ang gwapo mo? Hay! Ano ba yan. 'Di bale at tulog ka naman. At least nasabi ko sayo kahit di mo naman maririnig."
Dahil sa huling sinabi nito ay tuluyan na siyang napangiti. Gumalaw ang labi niya at nagmulat siya ng mga mata. Tumambad sa kaniya ang magandang mukha ni Andrea na nakatitig pala sa kaniya at kanina pa siya pinagmamasdan.
"I heard that," nakangising sabi niya. Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mga mata nito pati na rin ang biglaang pamumula ng mukha nito. Mabilis nitong inilayo ang mukha sa kaniya at tumalikod.
"Crush mo pala ako ah?" nanunudyong sabi niya at bumangon.
"H-ha? H-hindi ah! Wala akong sinabi," pagsisinungaling nito sa kaniya. Dinig na dinig niya lahat ng sinabi nito kanina kaya hindi ito pwedeng magsinungaling sa kaniya. Mahina siyang natawa.
"Okay, kunwari naniniwala ako sayo," sabi niya at mahinang humalakhak.
"Ano ba? Hindi naman talaga eh!" nakatalikod na sabi nito sa kaniya. Ayaw na siya nitong lingunin.
Muli siyang tumawa.
"Bakit ka ba nakatalikod? Humarap ka nga sa akin Andrea," aniya sa dalaga pero ayaw siya nitong sundin. Hiyang-hiya ito sa kaniya.
"A-ayoko..." pagmamatigas nito.
"Kapag hindi ka lumingon sakin ay hahalikan kita," banta niya. Doon ay bigla itong lumingon sa kaniya at sakto naman na sinalubong niya ng halik ang labi nito. Nagulat at nanlaki ang mga mata nito nang maglapat ang mga labi nila. Nakangiti siya habang hinahalikan ang dalaga. Ang lambot ng labi nito.
Ilang segundo rin bago ito lumayo at kumalas sa halik na iyon.
"A-anong ginagawa mo?" gulat na sambit nito.
"I like your lips," tipid niyang sagot. Mas lalo itong pinamulahanan ng mukha dahil sa sinabi niya.
"S-senyorito mali ho ito," anito sa kaniya.
"What's wrong? Hindi mo ba nagustuhan?" tanong niya. Nagbaba ito ng tingin sa kaniya.
"Okay I'm sorry. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. Andrea, I think I like you," pagtatapat niya dito. Simula noong araw na nakita niya itong naliligo sa ilog eh hindi na ito mawala sa isipan niya.
"H-ho? Pero—"
"Why? May nobyo ka ba? Ang sabi mo sa akin ay wala naman di ba?"
Nagbaba ito ng tingin sabay iling.
"W-wala ho."
"Iyon naman pala. I like you and I can't hide it. Ganito ako kapag may gusto ako sa isang tao," paliwanag niya.
"Pero magkaiba po tayo saka baka pag-usapan ka lang ng mga tao dito sa Hacienda," nag-aalalang sabi nito.
"And so what? This is my life," katwiran niya. Totoo naman eh, buhay niya ito at hindi mahalaga sa kaniya ang sasabihin ng ibang tao.
"Ngayon na lang ulit ako naging masaya Andrea," sabi niya.
"Hindi ko ho alam kung ano ang dapat kong sabihin," sambit nito.
"Wala kang dapat gawin o ano pa man, basta hayaan mo lang ako. Dahil sayo ay nagkaroon ulit ng sigla ang buhay ko."
Hinawakan niya ang kamay nito. Nag-angat naman ito ng tingin sa kaniya.
"Please Andrea..." pakiusap niya.
Ilang sandali itong natahimik at kapagkuwan ay marahan itong tumango sa kaniya kaya napangiti siya. Hinalikan niya ito sa noo.
"Thanks Andrea," masayang sabi niya. Inihilig niya ang ulo sa balikat nito habang hawak-hawak niya ang isang kamay nito. Hindi naman tumutol si Andrea, hinayaan lang siya nito. Hinihiling niya na sana ay huwag ng lumakad pa ang oras. Mas gusto niya na ganito lang sila.
BINABASA MO ANG
You Are The Reason (Ongoing)
RomanceDahil sa sobrang sakit ng kalooban dulot ng kaniyang nobyo at kapatid ay lumayas si Andrea sa kanilang lugar. Gusto niyang magpakalayo-layo dahil sa pagtataksil ng mga ito. Ngunit hindi niya inaasahan na ang pag-alis niyang iyon ay magkakaroon ng ka...