Gabi na nang makauwi sila Andrea sa mansyon. Nagulat pa ang mga magulang ni Shan nang makita sila nitong magkasama at sabay na pumasok.
Bahagya siyang yumuko sa mga ito."Magandang gabi ho Senyora at Senyor," magalang niyang bati. Si Shan ay umiba lamang ng direksyon ng tingin. Parang bigla ay nagbago na naman ang mood nito.
"Magandang gabi naman Andrea. Saan ba kayo nanggaling na dalawa? Gabi na ah," puna ni Senyora Elizabeth.
"Ah namasyal lang ho kami sa ilog," sagot niya sa mga ito. Tiningnan ng mag-asawa si Shan sa gilid niya. Wala pa ring emosyon si Shan at mailap ito sa sariling mga magulang.
"Iakyat niyo na ako sa itaas," bigla ay utos nito. Dali naman na sumunod ang mga magulang nito at tinawag ng mga ito ang dalawang tauhan na narito pa sa mansyon. Ang mga ito ang tumutulong kay Shan upang makaakyat sa hagdanan.
Siya naman ay nag-ayos na ng sarili. Dadalhan pa niya si Shan mamaya ng hapunan at paiinumin niya pa ito ng gamot.
Nang makapagbihis siya ay lumabas siya ng silid. Nakita niyang naroon pa rin si Senyora Elizabeth. Tinawag siya nito.
"Andrea..." anito sa kaniya. Napatingin siya dito at agad na lumapit.
"Bakit ho?" tanong niya.
Hinawakan nito ang balikat niya.
"Maraming salamat ha? Nakikita ko na parang nahuhuli mo na ang ugali ni Shan. Ikaw pa lang ang tumagal sa kaniya," wika ni Senyora Elizabeth. Ngumiti naman siya dito.
"Wala ho iyon. Madali lang naman hong intindihin si Shan, mahaba naman po ang pasensiya ko," sagot niya dito. Tumango ito at ngumiti. Bakas ang kasiyahan sa mukha nito.
"Wag ka sanang magsawa sa kaniya," sabi nito.
"Hindi ho Senyora, isa pa ay kailangan ko po ang trabahong ito," aniya.
"Hayaan mo, dadagdagan namin ang sweldo mo bilang reward dahil tumagal ka sa ugali ni Shan," nakangiting sabi nito sa kaniya.
Ngumiti lang din siya dito.
"Salamat po, sige ho kailangan ko ng dalhan ng pagkain si Senyorito at painumin ng gamot," sabi niya.
"Sige dalhan mo na siya ng pagkain," sabi nito kaya tumalikod na siya para maghanda ng kakainin ni Shan.
Kumuha siya ng pagkain para dito at inilagay iyon sa tray. Naroon na rin ang gamot nito pati na ang vitamins. Maingat siyang nagtungo sa silid nito sa itaas at kumatok. Nang walang sumagot ay itinulak na lang niya ang pinto. Lagi naman kasing ganoon si Shan, hindi naman ito talaga sumasagot sa tuwing kumakatok siya sa silid nito.
Nang makapasok siya sa loob ay wala siyang Shan na nakita. Napakunot tuloy ang noo niya at kinabahan.
"Senyorito?" tawag niya sa pangalan nito. Napatingin siya sa cr nang makarinig siya ng lagaslas ng tubig doon. Naliligo ba ito?
Bigla siyang nataranta. Inilapag niya ang tray ng pagkain sa lamesa.
Aalis na sana siya ng silid nito nang bigla siyang nakarinig ng pagbukas ng pinto."Aalis ka na?"
Napalunok siya at natigilan. Parang ayaw niyang lumingon.
"D-dinala ko lang ho ang pagkain mo Senyorito, inilapag ko na lang sa lamesa," kinakabahan niyang sabi.
"Bakit aalis ka na? Hindi mo ba ako papakainin?" tanong nito. Mas lalong dumagundong ang kaba sa dibdib niya. Napalingon siya dito at nakita niya itong nakasuot ng puting roba habang nakaupo sa wheelchair. Bahagya pang tumutulo ang basa nitong buhok. Tama ang hinala niya kanina. Kaliligo lamang nito.
"P-papakainin ho," sagot naman niya at lumapit dito kahit na kinakabahan siya. Medyo nakabukas ang roba nito kaya kitang-kita niya ang matipuno nitong dibdib.
Dala ang pagkain ay nagsimula niyang itong subuan. Nakatitig naman ito sa kaniya. May kung ano sa tingin nito na nagbibigay ng kaba sa kaniya. Nagulat siya nang hinawakan nito ang kamay niya at ibinaba ang kutsarang hawak niya. Pinagmasdan siya nito. Sa tiim ng titig nito sa kaniya ay tila malulusaw siya.
"A-akala ko ho gusto niyong pakainin ko kayo?" aniya sa nauutal na tinig.
Hinawakan nito ang kamay niya, hinaplos nito ang balat niya pataas sa braso. Naramdaman niya ang gaspang ng palad nito.
Nagtaasan ang lahat ng balahibo niya sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.
"S-senyorito..." hirap niyang sambit.
"Nervous?" malalim ang tinig na anito sa kaniya.
"L-lalabas na ho ako—"
Naputol ang sasabihin niya nang bigla siya nitong hinila. Bumagsak siya sa kandungan nito. Ngayon ay magkalapit ang mga mukha nila habang nanlalaki ang mga mata niya.
Ang bilis ng tibok ng puso niya. Pinagmasdan nito ang labi niya at walang sabi-sabi na hinalikan siya nito. Nagulat siya sa ginawa nito. Hindi niya magawang gumalaw agad. Para siyang naestatwa nang angkinin nito ang labi niya. Ang init ng halik nito. Naramdaman din niya ang isang kamay nito na humapit sa baywang niya. May naramdaman siyang parang namumukol sa kinauupuan niya. Napapikit siya nang palalimin nito ang halik. Hindi niya alam kung bakit hindi man lang niya nagawang tumutol. Ilang sandali pa ay pinutol na nito ang halik. Pinakawalan siya nito."I'm— s-sorry," bigla ay sabi nito sa kaniya. Mabilis siyang umalis sa kandungan nito. Nag-iinit ang mukha niya. Hiyang-hiya siya.
"Iwanan mo na ako," utos nito sa kaniya. Parang may pagtitimpi sa mga mata nito. Mabilis naman siyang tumalima sa sinabi nito at iniwanan ito sa silid. Hiyang-hiya kasi siya kaya mabilis na rin siyang lumabas. Shit! Bakit niya hinayaan na halikan siya nito?
Pagkalabas niya ng silid nito ay napahilamos siya sa sarili niyang mukha. Ano bang nangyayari sa kaniya?
———
Habol ni Shan ang sariling hininga nang lumabas si Andrea ng silid niya. Hindi niya napigilan ang sarili kanina at inangkin niya ang labi nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pagkasabik na nararamdaman niya para kay Andrea. Pinalabas niya ito ng silid hangga't kaya niya pang magtimpi, kung hindi niya ginawa iyon ay baka maangkin na niya ito. Hindi niya akalaing muling mabubuhay ang pagkalalaki niya dahil kay Andrea. Hindi naman pala ang mga gamot na ito ang kailangan niya kundi si Andrea lang. Napailing siya ngunit may ngiting sumilay sa labi niya. Isa lang kasi ang ibig sabihin nito. Hindi na siya impotent. Nakakaramdam na ulit siya ng tawag ng laman. Nabubuhay na ulit ang pagkalalaki niya.
Naglakbay sa isipan niya ang mapulang labi nito. Ang sarap ng halik na pinagsaluhan nila kanina. Bakit parang nawawala lahat ng pagkainis niya kapag naiisip niya ito? Napapansin niya na kapag kausap niya ito ay namamalayan na lang niya ang sariling masigla na ulit at walang galit. Nakakalimutan niya ang pagiging iritable.
Tiningnan niya ang pagkain na dinala nito para sa kaniya. Kinuha niya iyon at sinimulang kumain. Magaan ang dibdib niya ngayon. Alam niyang si Andrea ang dahilan niyon. Ano kaya ang iniisip nito ngayon? Baka natakot na ito sa kaniya dahil sa ginawa niya. Huwag naman sana. Kailangan niyang humingi pa ng tawad ulit dito bukas dahil mali ang ginawa niya. Ayaw niya namang mawala ito. Sa lahat ng nagsilbi sa kaniya ay ito lang ang may sense kausap. Ayaw na niyang mapalitan na naman ito ng iba. Papalit-palit na lang ang mga nagsisilbi sa kaniya, this time ay si Andrea na lang ang gusto niya at wala ng iba. Nang matapos siyang kumain ay nagpahinga na siya.
Mahimbing siyang nakatulog pagkatapos ng gabing iyon.
BINABASA MO ANG
You Are The Reason (Ongoing)
RomanceDahil sa sobrang sakit ng kalooban dulot ng kaniyang nobyo at kapatid ay lumayas si Andrea sa kanilang lugar. Gusto niyang magpakalayo-layo dahil sa pagtataksil ng mga ito. Ngunit hindi niya inaasahan na ang pag-alis niyang iyon ay magkakaroon ng ka...