Napahinto si Andrea sa kinakain nang tumuon ang atensyon ng lahat sa isang sasakyan na bagong dating. Bumaba doon ang isang matangkad na babae. Tinatangay ng hangin ang mahaba at kulot nitong buhok.
Ibinaba ng babae ang suot nitong salamin sa mata at tumingin sa gawi nilang lahat."Aliyah?" rinig niyang sabi ni Shan mula sa gilid niya. Mahina lamang ang tinig nito ngunit hindi siya maaaring magkamali. Binigkas nito ang pangalang Aliyah. Napalunok siya at kinutuban. Alam niya kasi ang pangalang iyon. Iyon ang pangalan ng ex nito.
"Si Ma'am Aliyah," rinig din niyang bulung-bulungan ng iba pa nilang mga kasama. Batid niyang kilalang-kilala ito ng mga tauhan nila Shan. Napapasong nagbaba siya ng tingin nang makita niyang titig na titig si Shan sa babae. Ngayon ay naglalakad na ito palapit sa kanila.
"Tita Elizabeth!"
Ang ina ni Shan ang unang binati ng babae nang makalapit ito at agad na humalik sa pisngi nito. Sumunod ay ang ama naman ni Shan ang binalingan nito at pagkatapos ay si Shan.
"Aliyah! Kailan ka pa dumating?" tanong ni Senyora Elizabeth.
"Just yesterday, Tita. I thought of coming to you first after I get some rest, as well as Shan. We have so much to discuss," sabi ng babae at tumingin kay Shan. Si Shan ay hindi umiimik at para itong nakakita ng multo.
"Oh, how are you hija?" tanong ng ama ni Shan sa babae. Halos lahat yata ng kasama nila sa hapag-kainan ay nakatingin lang sa babae. Siyempre, napakaganda nito at aaminin niyang pati ang balat nito ay mala-porselana. Wala siyang panama dito lalo na ngayon.
"I'm fine Tito, thanks," sagot nito sa ama ni Shan. Humakbang ang babae palapit kay Shan at walang ano-anong humalik sa pisngi ng binata. Parang may pumaso sa kaniya nang makita niya ang ginawa nito. Nagbaba siya ng tingin. Tila gusto niyang umalis sa kinatatayuan niya ngayon. Naramdaman niyang bahagyang nanginig ang tuhod niya.
Bakit siya nasasaktan? Wala naman siyang karapatan na maramdaman ito."How are you Shan?" tanong ng babae kay Shan.
"G-good," medyo nauutal na sagot ni Shan sa babae. Parang walang emosyon. Nakita ng babae na alalay lamang ang pagkakatayo ni Shan. Kumunot ang noo nito.
Wala ba itong alam sa nangyaring aksidente kay Shan?
Dahan-dahang naupo si Shan sa wheelchair at kitang-kita niya ang pagkagulat sa mga mata ng babae."Oh my God! W-what happened to you, Shan? Why are you in a wheelchair?" tanong nito.
Huminga ng malalim si Shan.
"Accident," tipid pa rin nitong sagot. Parang may tensyon siyang nararamdaman ngayon. Nagtanggal ng bara sa lalamunan ang ina ni Shan nang mamayani ang katahimikan.
“Ahm, Aliyah, I think you should go inside for a bit. Have something to eat," sabi ng ina ni Shan at niyaya ang babae. Sumunod naman ang babae sa ina ni Shan.
"Excuse me," paalam nito sa kanila. Nang makaalis ang mga ito ay hindi niya magawang tumingin sa mga mata ni Shan. Parang napapaso siya at kinakabahan. Dapat ay hindi niya ipahalata dito ang nararamdaman niya. Pinilit niyang ngumiti sa mga tauhan at niyaya ang mga ito na ituloy na ang kanilang pagkain.
"Kumain na ho tayo ulit," pilit ang ngiti at siglang sabi niya sa mga ito.
Sumunod naman ang mga tauhan at itinuloy na nga nila ang pagkain, pero si Shan ay nanatiling tahimik sa tabi niya. Para bang ang lalim ng iniisip nito. Hanggang sa matapos kumain ang lahat ay tahimik pa rin si Shan."Hindi ka na nakakain," sabi niya dito. Mas okay na hindi nito mahalatang apektado siya.
"Andrea..." rinig niyang tawag nito sa pangalan niya. Nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya. Wala na ang mga tauhang kaharap nila kanina. Sila na lang dalawa ang naiwan sa bahay kubo.
"B-bakit?" medyo kinakabahan niyang tanong.
Hindi ito nakapagsalita agad at ilang sandali pa ay narinig niyang may sumigaw sa pangalan nito.
"Shan!"
Nilingon niya ang pinagmulan ng tinig at nakita niya si Aliyah na papalapit sa kanila ngayon. Binitawan niya ang kamay ni Shan na nakahawak sa kaniya. Kumunot naman ang noo nito dahil sa ginawa niya.
"Shan!" muli ay sabi ng babae nang makalapit na ito sa kanila. May bahid ng luha ang mga mata nito at bigla na lamang yumakap kay Shan. Umiiyak ito.
"I'm sorry Shan! I'm really sorry!" anito habang umaagos ang luha sa mga mata. Naguguluhan ang mukha ni Shan pero hindi naman nito inalis ang pagkakayakap ng babae.
"I don’t know what happened. Patawarin mo ako!" sabi pa nito. Hindi na niya makayanan na makita pang magkalapat ang mga katawan nito kaya nagdesisyon siyang iwanan ang dalawa. Habang naglalakad siya palayo sa mga ito ay parang may mga patalim na tumatarak sa dibdib niya. Bakit ba siya nasasaktan? Wala siyang karapatan. Hindi niya akalain na mas masakit pa ang nararamdaman niya ngayon kaysa sa sakit na naramdaman niya kay Arvin. Ano ba itong nangyayari sa kaniya? May pumatak na luha sa mga mata niya pero agad din niyang pinalis iyon. Nang makarating siya sa mansyon ay nasalubong niya si Senyora Elizabeth. Nagulat pa siya pagkakita rito.
"Andrea?" tawag nito sa pangalan niya. Kinakabahan siya na baka mahalata nitong umiiyak siya.
"S-senyora, bakit ho?" tanong niya dito at pilit na siniglahan ang tinig. Matagal siya nitong pinagmasdan bago ito nagsalita.
"Ano? Hahayaan mo na lang ba sila?" tanong nito sa kaniya. Naguluhan siya sa sinabi nito pero nakita niya ang direksyon ng tingin nito. Nakatingin ito kila Shan at Aliyah mula sa pinag-iwanan niya sa mga ito kanina.
"A-ano hong ibig ninyong sabihin?" tanong niya.
Bumuntong-hininga ito bago muling nagsalita.
“Go to Shan and keep him away from Aliyah. I know you’re the one he wants, and I don’t want him ending up with that girl who hurt him and is the reason he is like this now,” seryosong sabi nito.
Hindi siya makapaniwala sa narinig. Totoo ba ang sinasabi nito?
“Andrea, I know Shan has feelings for you, and you’re the reason he’s learning to love himself again. I can see it in your eyes that he holds a place in your heart as well. Go to him and don’t let him get back together with Aliyah,” dagdag pa nito.
Hindi niya akalain na maririnig niya ang lahat ng ito kay Senyora Elizabeth. Tila ayaw pa ngang mag-sink-in sa utak niya ang mga katagang binitawan nito. Sa huli ay tiningnan niya si Shan at hindi na rin niya napigilan pa ang sarili. Patakbo siyang bumalik sa binata at hinila ito saka inalalayan palayo sa babae.
BINABASA MO ANG
You Are The Reason (Ongoing)
RomanceDahil sa sobrang sakit ng kalooban dulot ng kaniyang nobyo at kapatid ay lumayas si Andrea sa kanilang lugar. Gusto niyang magpakalayo-layo dahil sa pagtataksil ng mga ito. Ngunit hindi niya inaasahan na ang pag-alis niyang iyon ay magkakaroon ng ka...