Nagpipigil ng ngiti si Shan habang pinagmamasdan ang papaalis na si Andrea. Tinawag ito ni Nanay Oreng kaya iniwanan na siya nito. Gusto pa naman sana niyang makita ang pamumula ng mga pisngi nito.
Maganda ito, iyon ang agad niyang napansin sa dalaga. Bukod pa doon ay mahaba ang pasensiya nito. Hindi niya alam kung bakit nagtitiyaga ito sa kaniya kahit palagi niya itong sinusungitan. Ito nga lang ang tumagal sa kaniya na lumagpas ng tatlong araw ang pagsisilbi.
Naalala niya si Aliyah, simula nang umalis ito ng bansa ay hindi na ito nagparamdam sa kaniya. Iyon na nga ang isang bagay na kinakatakot niya kaya ayaw niya sana na umalis ito. Alam niyang magiging malabo na ang komunikasyon nila. Ito ang dahilan kaya siya nakapakat palagi sa wheelchair na ito, dulot ng isang aksidente ay ito ang sinapit niya. Hindi pa siya nakakalakad.
Kaya lagi siyang galit sa paligid niya. Pakiramdam niya ay wala na siyang silbi sa mundo. Iniwanan na nga siya ng babaeng mahal niya tapos heto at baldado pa siya. Wala silang formal break up ni Aliyah, sa katunayan ay okay sila noong umalis ito. Siya lang talaga ang masama ang loob nang tuluyan ng lumipad ang eroplanong sinasakyan nito. Naaksidente siya dahil sa bilis ng patakbo niya sa sasakyang dala niya noon pauwi. Ayaw niyang tanggapin na kasalanan rin naman niya ang lahat kung bakit siya nagkaganito. Bukod pa sa hindi siya makalakad ay wala na rin silbi ang pagkalalaki niya. Hindi na siya nakakaramdam ng tawag ng laman at wala na itong buhay. Ang sabi ng doktor ay pansamantala lang ang lahat ngunit nawawalan na siya ng pag-asa.
Inis na napailing siya nang maalala ang lahat."Senyorito Shan!"
Napatingin siya sa batang si Olan na tumatakbo palapit sa kaniya. May bitbit itong saranggola. Apo ito ni Nanay Oreng na matagal na nilang katiwala dito sa hacienda.
"Puwede po bang dito ako sa bukid magpalipad ng saranggola?" paalam nito sa kaniya.
"Oo naman Olan bakit naman hindi?" mabilis na sagot niya dito. Ngumiti ito sa kaniya. Ang simple lang ng kasiyahan nito bakit hindi pa niya pagbibigyan?
"Salamat po Senyorito!" masayang sabi nito at nagtatakbo na sa gitnang bukid habang bitbit ang saranggola. Sa kasamaang palad ay nadapa ito dahilan para bumagsak ito sa lupa. Narinig niya ang pag-iyak nito.
"Olan! Diyosmiyo kang bata ka!" sigaw ni Nanay Oreng na natanaw pala ang apo.
Natanaw niya rin si Andrea na mabilis nagtatakbo at pinuntahan si Olan. Itinayo nito ang bata.Napalunok siya habang pinagmamasdan ito.
Nakita niyang pinatatahan nito si Olan at pinagpag ang tuhod nito na puro lupa. Hinawakan nito ang kamay ni Olan at naglakad patungo sa malilim na puwesto dito sa kinaroroonan niya. Nang makarating ang mga ito dito ay kumuha ng panyo sa bulsa si Andrea at pinunasan ang luha ni Olan. Si Nanay Oreng naman ay may dala ng bulak saka betadine nang lumapit sa kanila.
"Bakit ka ba kasi tumatakbo? Ikaw talaga Olan," ani Andrea. Nakatitig lang siya dito habang nakatingin naman ito kay Olan na dumudugo ang tuhod.
"Eh kasi po dapat tumakbo para lumipad ang saranggola sa itaas," sagot ni Olan.
Kinuha ni Andrea kay Nanay Oreng ang bulak at betadine saka nilagay iyon sa tuhod ni Olan.
"Andrea ikaw na muna ang bahala kay Olan at yung mga trabahador ay aasikasuhin ko pa," ani Nanay Oreng dito.
"Sige ho Nanay Oreng," sagot naman ni Andrea dito. Tumalikod na si Nanay Oreng at bumalik sa mga tauhan na pinagmimiryenda nito. Si Andrea naman ay binalingan si Olan.
"Olan, huwag ka na munang magpalipad ng saranggola, pagalingin mo muna ang tuhod mo," ani Andrea dito habang ginagamot ang tuhod nito. Mabilis naman na tumango si Olan.
"Opo pero sayang naman, pinayagan na nga ako ni Senyorito sa bukid tapos nadapa pa ako. Ang tanga ko kasi!" lumuluhang sabi ni Olan. Hindi niya alam kung maaawa siya o matatawa sa nakikitang reaksyon nito. Pinupunasan pa nito ang luha gamit ang kamay na may dumi. Nagpuro dumi na rin tuloy ang mukha nito pati na ang bakas ng luha.
Napansin iyon ni Andrea.
"Olan bakit ang dumi ng kamay mo? Ikaw talaga, kita mo ’yang mukha mo ang dungis na tuloy oh kakapunas mo sa luha mo gamit ang maruming kamay. Halika hugasan natin," sabi ni Andrea at hinila si Olan para hugasan ang kamay nito. Nakatitig lang siya sa dalaga. Hindi niya alam kung bakit madalas siyang napapatitig dito. Namamangha rin siya sa mga kilos nito.
Nang makabalik ang mga ito ay malinis na ang kamay ni Olan.
"Wag ka na munang maglaro ng saranggola. Magpahinga ka na lang diyan," sabi ni Andrea dito.
"Pero sayang naman yung saranggola ko ate Andrea," sagot ng bata.
Hindi niya napigilan ang magsalita.
"Ayos lang yon Olan, puwede pa naman sa ibang araw ka magpalipad kapag magaling na ang tuhod mo," aniya dito. Napatingin sa kaniya si Andrea kaya nagtama ang mga mata nila.
"Papayagan mo pa rin po ako magpalipad sa bukid niyo Senyorito?" tanong ni Olan sa kaniya.
"Bakit naman hindi?" balik na tanong niya dito. Napangiti si Andrea.
"Oh payag naman pala si Senyorito eh. Huwag ka ng malungkot," ani Andrea.
Ngumiti na si Olan at sumigla ulit ang mukha nito.
"Hindi naman po pala totoo na masungit ka Senyorito. Mabait ka po pala. Sige po sa ibang araw na lang ako magpapalipad ng saranggola, basta po sabi niyo payag kayo ha?" nakangiting sabi ni Olan. Natawa siya dito at kinuskos ang buhok nito.
"Oo naman!" sagot niya. Muli silang nagkatinginan ni Andrea habang nakangiti pareho. Hindi niya inaasahan na muling sisilay ang ngiti sa labi niya.
"Salamat po Senyorito," sabi ni Olan sa kaniya.
"Kung gusto mo, magpapagawa pa tayo ng mas malaki kaysa diyan sa saranggola mo," sabi niya. Naalala niya na noong bata siya ay mahilig rin siyang magpalipad ng saranggola dito sa bukid nila. Kumislap ang mga mata ni Olan dahil sa sinabi niya. Masayang-masaya ito.
"Talaga po Senyorito?!"
"Oo naman basta magpagaling ka ng tuhod mo," sagot niya.
"Opo Senyorito magpapagaling po ako kaagad!" masiglang sabi ni Olan. Ngumiti lang siya dito.
"Ikaw din Senyorito dapat magpagaling ka rin agad," singit ni Andrea. Napatingin siya dito at naiilang na tumango.
"Yeah," tipid niyang sagot.
"Oh siya, ikukuha ko muna kayo ng miryenda," sabi ni Andrea sa kanila. Tumango siya dito.
"Yes please. I'm hungry," sabi niya dito. Mabilis naman na tumango si Andrea at tumalikod upang kumuha ng miryenda. Naiwan silang dalawa ni Olan habang naghihintay kay Andrea.
Shan watched as Andrea walked away, her figure gradually disappearing from his sight. He felt a mixture of emotions stirring within him, particularly the warmth that had begun to bloom in his chest. It was strange how just a moment of kindness could change his perspective.
BINABASA MO ANG
You Are The Reason (Ongoing)
RomanceDahil sa sobrang sakit ng kalooban dulot ng kaniyang nobyo at kapatid ay lumayas si Andrea sa kanilang lugar. Gusto niyang magpakalayo-layo dahil sa pagtataksil ng mga ito. Ngunit hindi niya inaasahan na ang pag-alis niyang iyon ay magkakaroon ng ka...