Ang bilis ng patakbo niya sa sasakyan. Pumapatak ang luha niya habang nagmamaneho. Masamang-masama ang loob niya na hindi man lang siya pinaniwalaan ng Mommy nila at ang akala pa nito ay gumagawa lang siya ng kuwento. Bakit naman niya gagawin ang bagay na iyon? Mukha ba siyang desperada para gumawa ng kwento? Marahil ay hindi nito alam ang tunay na ugali ng ate niya. Porke ba mas matanda ito ay ito na ang papanigan nito? Ramdam niya na noon pa man ay hindi pantay ang tingin nito sa kanilang magkapatid. Mas malapit ito sa ate niya. Pero okay lang iyon sa kaniya dahil ang Daddy naman nila ay mas malapit sa kaniya. Sila kasi ang palaging magkasama sa trabaho.
Huminto siya sa tapat ng bahay ng kaibigan niyang si Shantall. Dito na lang muna siguro siya magpapalipas ng magdamag.
Nag-doorbell siya at mabilis naman itong lumabas upang tingnan kung sino ang tao. Nagulat pa ito nang makita siya nito.
"Andrea?"
"Shantall!" naiiyak na sambit niya sa kaniyang bestfriend. Agad siyang yumakap sa kaibigan.
"Bakit anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya.
Bakas pa rin ang pamamaga ng mga mata niya dahil hindi naman siya nahinto sa pag-iyak. Buhat pa kanina ay sobra na ang luhang lumabas sa mga mata niya.
"Pumasok tayo sa loob," ani Shantall at hinila siya nito agad papasok sa loob ng bahay nito.
Pinaupo siya nito sa sofa.
"Ano ba ang nangyari?" tanong nito habang nakatitig sa kaniya.
"Si Arvin," panimula niya.
Tiningnan siya ni Shantall.
"Wag mo sabihing niloko ka ng gagong iyon?" tanong nito. Hindi siya nakakibo kaya rinig na rinig niya ang pag-palatak nito.
"Sinasabi ko na nga ba at nasa loob ang kulo ng lalaking iyon eh!" malakas na sabi nito at namaywang. Matagal na nitong sinasabi sa kaniya na wala itong tiwala kay Arvin. Pero dahil mahal niya ito ay pinagpatuloy pa rin nila ang relasyon nila.
"Niloko niya ako Shantall at alam mo kung anong mas masakit? Ang ate ko pa talaga!"
Napahagulgol na siya.
"W-what?" gulat na tanong ni Shantall. Halatang hindi makapaniwala.
"Nahuli ko silang dalawa... nagse-sex."
"What the? Mahadera talaga ’yang kapatid mo! Hindi na kinilabutan. Pati boyfriend mo ay inagaw!" galit na litanya nito. Kahit mag-bestfriend sila ni Shantall ay hindi nito ka-close ang ate niya. Mataray daw kasi ang datingan nito.
"Eh anong sabi mo? Anong ginawa mo?"
"Of course galit ako. Nag-walk out ako," aniya dito.
"Ha? Walk out lang? Hindi sapat iyon. Kung ako sayo, hinila ko pa ang buhok ng kapatid mo at kinaladkad ito!" gigil na anito sa kaniya.
"Shantall, she's my sister. Magkapatid pa rin kami," aniya.
"Iyon na nga eh! Magkapatid kayo. Dapat bang ginagawa iyon ng magkadugo? Siya pa man din ang mas matanda pero siya pa itong walang isip!"
Napatungo na lang siya. Tama naman si Shantall. Kung kapatid talaga ang turing sa kaniya ng ate Antonette niya ay hindi nito magagawa ang bagay na iyon sa kaniya. Sinaktan siya nito.
"Ano naman ang sabi ng parents mo? Sinumbong mo ba sa kanila?" tanong nito.
"Yes, but si Mommy hindi niya ako pinaniwalaan at iniisip niya pa na gumagawa lang ako ng kwento," sagot niya. Natapik ni Shantall ang sariling noo nito.
"Ang bias talaga ng Mommy mo. Kinampihan na naman niya yung ate mo," sabi nito sa kaniya.
"Ganoon na nga."
"Hindi ba niya naisip na pareho niya kayong anak? Saka for god sake! Bakit ka naman gagawa ng ganoong kuwento ’di ba? Tsk! Kawawa ka naman," sabi nito at tinabihan siya saka siya niyakap. Muli siyang napahagulgol at hinagod naman nito ang likod niya habang magkayakap sila.
"Tahan na, hayaan mo na sila. Hindi naman sumasaya ang mga taong ganoon. Makakarma din ang nobyo mo," sabi nito sa kaniya. Doon lang siya tumahan.
Tumayo ito at pagkabalik nito ay inabutan siya nito ng tubig.
"You can stay here whenever you want. I know the reason why you’re here. You want to distance yourself from them."
Bumuntong-hininga siya.
"Ngayong gabi lang Shantall. Bukas ay aalis din ako. Magpapalipas lang ako ng sama ng loob," sagot niya at tinanggap ang baso na may lamang tubig saka ininom iyon.
"At saan ka naman pupunta pagkatapos?" tanong nito.
Hindi rin niya alam. Basta ang gusto niya ay makaalis siya dito. Gusto niya sana ay mas malayo. Iyong tipong makakalimutan niya talaga ang mga taong nanakit sa kaniya.
"Bahala na. Basta ang gusto ko ay magpakalayo ng husto," saad niya.
"Paano ang Daddy mo? Paano ang trabaho mo sa kaniya?"
"I'm sure naman na madali lang iyong makakahanap ng kapalit ko. Madali lang naman ang trabaho na iyon," sagot niya. Napatango si Shantall.
"Kung iyan ang nais mo eh susuportahan na lang kita. Naiintindihan kita," sabi nito sa kaniya.
"Thanks Shantall," sabi niya at ipinikit saglit ang mga mata.
"Doon sa tabi ng kwarto ko ikaw matulog. Malinis naman iyon at maayos. Wala naman si Fred ngayon dahil out of the country siya," sabi nito sa kaniya.
Si Fred ay ang asawa nito. Isa itong businessman. Mabait ang napangasawa ng kaibigan niya kaya masasabi niyang napaka-swerte nito. Dalawang taon ng kasal ang mga ito ngunit wala pa ring anak. Pero kahit ganoon ay nakikita niya na totoong nagmamahalan ang mga ito. Iyon lang din naman ang pangarap niya sa buhay. Ang magkaroon ng isang masayang pamilya. Iyong nagkakaintindihan kayo ng partner mo. Pero mukhang malabo ng mangyari iyon. Gumuho na ang pangarap niya buhat nang mangyari ang insidente kahapon.
"Maraming salamat Shantall ha? Mas okay talaga na dito ako nagpunta," sabi niya dito. Naiintindihan kasi siya nito. Kung may isang tao man na palaging nakakaintindi sa kaniya ay si Shantall iyon.
"Sus! Wala iyon. That's what friends are for," sabi nito sa kaniya at ngumiti. Pinilit niyang ngumiti dito.
"Sige na magpahinga ka na. Wag mo ng masyadong isipin ang mga iyon," anito. Tumango naman siya dito at pumasok na sa silid na sinasabi nito. Kailangan na talaga niyang magpahinga.
"Goodnight Andrea..." ani Shantall.
"Goodnight," sagot niya dito at pagkatapos ay marahan na nitong isinarado ang pintuan ng silid niya.
Andrea still couldn’t shake off her thoughts. The pain caused by her sister and boyfriend's betrayal felt like a deep wound carved into her heart. As she lay in bed, she tried to calm her mind, but memories from the past kept flooding back. She felt warm tears streaming down her cheeks again.
Sana ito na ang huling sandali na iiyak siya dahil sa mga ito.
BINABASA MO ANG
You Are The Reason (Ongoing)
RomanceDahil sa sobrang sakit ng kalooban dulot ng kaniyang nobyo at kapatid ay lumayas si Andrea sa kanilang lugar. Gusto niyang magpakalayo-layo dahil sa pagtataksil ng mga ito. Ngunit hindi niya inaasahan na ang pag-alis niyang iyon ay magkakaroon ng ka...