CHAPTER 11

29 3 0
                                    

Nagulantang si Andrea sa mga sigaw ni Shan na bumungad sa kaniya pagkalabas niya ng silid.

“I don’t want to eat!” he shouted, his voice echoing throughout the mansion. Nakita niya si Senyora Elizabeth na kinakausap ito. Nag-aaway ba ang mga ito?

“Just leave! Focus on your work. Stop pretending that you care about me because the truth is, you don’t. You love your jobs more than you love me, don’t you? Just leave me alone!” Shan shouted. She quickly covered her mouth in surprise. The commotion ceased as Senyora Elizabeth turned to look at her.

“A-Andrea…” she stammered, her voice faltering. It seemed she suddenly felt awkward and embarrassed, having realized she had caught her in the middle of an argument with her own son.

"S-senyora, magandang umaga ho," magalang niyang bati at bahagyang iniyuko ang ulo. Sinulyapan niya si Shan na mabilis umiwas ng tingin at bumaling sa kawalan. Lukot na lukot ang noo nito. Alam niyang masama na naman ang mood nito.

"Ahm ikaw na muna ang bahala kay Shan, kailangan na naming umalis. Hindi pa siya kumakain," mahinahong sabi ni Senyora Elizabeth sa kaniya. Tumango naman siya dito.

"Ako na ho ang bahala," sagot niya.

"Salamat Andrea," anito at hinawakan ang balikat niya. Pinilit niyang ngumiti dito kahit nalulungkot siya sa tagpong naabutan niya kanina. Alam niyang matindi ang pinagdadaanan ni Shan pero mali naman na sigaw-sigawan nito ang sariling ina.
Tumalikod na si Senyora Elizabeth sa kaniya at lumabas ng mansyon. Nang mawala ito sa paningin niya ay nilapitan niya si Shan.

"Hindi naman yata tama ’yung ginawa mo sa Mommy mo," sabi niya dito.

"You don't understand anything, Andrea. Don't lecture me because you have no idea what I'm feeling!" mariin na wika nito sa kaniya. Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga at hinawakan ang likod ng wheelchair nito. Nagsimula niyang itulak ang wheelchair.

"S-saan mo ako dadalhin? Ihinto mo nga, wala akong sinasabi na ilabas mo ako!" sermon nito sa kaniya pero hindi siya tumigil. Siguro ay kulang lang ito sa hangin. Baka kailangan lang nito ng nakaka-relax na paligid kaya inilabas niya ito.

Paglabas nila ay sinalubong sila ng lamig ng paligid. Magpapasko na kasi kaya malamig na. Napangiti siya habang nakatingin sa malawak na bukirin. Ang ganda-ganda talaga nitong pagmasdan. Nawawala ang bigat ng kalooban niya sa tuwing nakikita niya ang luntiang paligid.

Natahimik si Shan habang nakatanaw din sa tanawin na tinitingnan niya habang tulak-tulak niya ito.

"Alam mo Senyorito, mahal na mahal ka ng Mommy mo," aniya dito.

"W-what? Are you trying to insult me? Anong pagmamahal ang sinasabi mo? Wala nga silang oras sakin eh! Mas importante sa kanila ang trabaho nila!" masama ang loob na sambit nito.

"Hindi mo ba nakikita ang ginagawa nila? Kahit naman abala sila sa trabaho eh hindi ka nila pinapabayaan. May tagapag-alaga ka. May nagsisilbi sayo. Maswerte ka, mayroong iba diyan na wala talagang pakialam sa kaniya ang nanay niya," mapait niyang sabi.

"Sino naman ang tinutukoy mo?" tanong nito sa kaniya. Bigla niyang naalala na hindi dapat nito malaman kung sino talaga siya.

"W-wala. Pero maraming kaso ng ganoon. Yung walang pakialam sa kanila ang nanay nila at kahit nagsasabi na sila ng totoo dito ay hindi pa rin sila nito paniniwalaan kasi hindi ikaw ang paboritong nilang anak. Maswerte ka nga dahil nag-iisa ka lang, wala kang kakumpitensya sa puso nila," sabi niya dito. Hindi kumibo si Shan. Alam niyang hindi nito nauunawaan kung saan niya hinuhugot ang lahat ng sinasabi niyang iyon. Hindi niya namamalayan na napalayo na pala sila. Nandito na sila sa pinakadulo ng hacienda kung saan sa kabilang ibayo naman ay may matatanaw kang ilog.

"May ilog pala dito?" gulat pa niyang tanong nang makita niya ang ilog.

"Oo, noong bata ako ay madalas din akong maligo riyan," sabi nito sa kaniya.

"Mukhang isang tipikal na bata ka rin pala noon ’no? Yung tipong naglalaro din ng saranggola at naliligo sa ilog kahit na anak mayaman ka," sabi niya dito.

"Oo naman. Ikaw ba?" bigla ay tanong nito sa kaniya. Hindi siya nakasagot agad. Ano bang sasabihin niya? Na lumaki siyang ayaw niyang nalalaman ng mga tao na anak siya ni Alma Guanzon dahil mas gusto niya ng pribadong buhay? Na lumaki siyang mas malapit sa ama niya dahil paborito ng Mommy nila ang kaniyang ate?
Noong bata siya ay madalas nakakulong lang siya. Eskwelahan at bahay lang. Hindi nga niya masyadong na-enjoy ang buhay sa labas.

"A-ako? W-wala. Normal na bata lang din naman ako noon," sabi niya.

"Nasaan ang mga magulang mo?" tanong nito sa kaniya.

"W-wala na akong mga magulang," pagsisinungaling niya. Ayaw niyang magtanong pa ito tungkol sa mga magulang niya. Ayaw rin niyang maalala muna ang mga ito sa ngayon. Nasasaktan pa rin kasi siya.

"I'm sorry," sabi naman nito sa kaniya.

"Okay lang. Gusto mo doon tayo sa ilog?" tanong niya dito. Tumango ito sa kaniya kaya naman nagtungo silang dalawa sa ilog at doon muna tumambay.

"Ang ganda pala talaga dito," sabi niya at nanalungko sa isang kahoy. Bumato siya ng isang maliit na bato sa ilog. Ang linaw ng tubig doon.

"Maganda talaga dito," sagot naman ni Shan sa kaniya. Nilingon niya ito. Wala na ang kunot ng noo nito at magaan na ulit ang aura ng mukha nito.

Nakatanaw lang din ito sa ilog at pagkatapos ay bumaling ito ng tingin sa kaniya. Mabilis tuloy siyang nagbaba ng tingin dahil nahuli siya nitong nakatitig dito.

Bakit ba kasi siya napapatitig sa mukha nito? Kinalma niya ang sarili. Natural lang naman siguro iyon sa isang gwapong katulad ni Shan, pero wala naman iyon ibang ibig sabihin.

Ilang minuto rin silang nakatambay sa ilog bago siya nagpasya na yayain na ito sa loob ng mansyon. Kailangan na nitong kumain.

"Halika na sa mansyon, kailangan mo ng kumain," sabi niya dito habang tinutulak ito.

"Paano kung ayoko?" tanong nito sa kaniya.

"Hindi na kita ibabalik dito sa ilog kapag hindi ka kumain. Mukhang nasisiyahan ka pa naman dito," pananakot niya sa binata. Napailing ito at napansin niyang nangiti ito ng pasimple. Hindi niya alam kung bakit bigla rin siyang napangiti.

"Sabayan mo ako," sabi nito sa kaniya. Nagulat siya sa sinabi nito.

"H-ha?"

"I said, eat with me. I've been eating alone for a long time," sabi nito sa kaniya. Nabigla siya sa pag-aaya nito pero pumayag rin siya basta kumain lang ito.

"S-sige, basta kumain ka lang," sagot niya sa binata.
Nang makarating sila sa mansyon ay naghanda siya ng pagkain para sa kanilang dalawa. Naghain siya sa lamesa at nagulat pa si Nanay Oreng nang makita nito na sabay silang kumakain pero hindi naman ito nagkomento bagkus ay parang natuwa pa nga ito dahil kumakain si Shan.

"Sana lagi kang ganiyan Senyorito upang mabilis kang gagaling," sabi ni Nanay Oreng kay Shan.
Hindi kumibo si Shan at tumingin lang ito sa kaniya habang sabay silang kumakain. Nginitian niya naman ito.

You Are The Reason (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon