CHAPTER 12

30 4 0
                                    

Abala si Shan sa pagkausap sa mga tauhan ng hacienda kaya naman nagtungo si Andrea sa ilog nang nagdidilim na. Hindi niya alam kung bakit parang hinihila siya ng mga paa niya na magtungo doon upang maligo. May dala siyang roba para kapag natapos siya sa pagligo mamaya ay may pangtapi na siya sa katawan niya. Walang alam si Shan na magtutungo siya dito. Hindi niya muna kasi ito pinuntahan dahil nagpasweldo ito sa mga tauhan at mukhang may importante rin na pinag-uusapan ang mga ito. Sandali lang naman siyang maliligo at isa pa ay hindi pa naman oras ng pagkain nito. Natutuwa siya kay Shan dahil kahit papaano ay hindi na ito ganoon kasungit sa kaniya. Hindi na rin masyadong mabigat ang aura ng mukha nito.

Nang makarating siya sa ilog at nakita ang malinaw na tubig nito ay napangiti siya. Tila kumikislap iyon dahil sa sobrang linis. Luminga siya sa paligid. Walang katao-tao kaya naman madali niyang hinubad ang suot na damit at tanging bra at underwear lamang ang itinira niya sa katawan. Nalaglag ang mga saplot niya sa lupa. Dahan-dahan siyang lumusong sa tubig at inilubog ang katawan doon. Napapikit siya nang maramdaman ang lamig ng tubig. Ang sarap sa pakiramdam nang lumubog ang katawan niya sa malamig na tubig. Sobrang init kasi kaninang tanghali at tamang-tama lang na malamig ang tubig ngayon dito sa ilog. Nakaka-relax sa pakiramdam.

"Grabe ang lamig pala ng tubig dito," sambit niya sa sarili at hinawi ang basang buhok na tumatama na sa mukha niya. Gustong-gusto niya ang nagbababad sa tubig kaya naman pinagsawa niya muna ang sarili. Para siyang isang prinsesa sa sarili niyang mundo. Dito ay wala siyang sakit ng kalooban na nararamdaman. Nakakalimutan niya ang lahat ng problema niya na iniwanan sa Maynila. Kung papipiliin siguro siya ay mas gusto na lang niya dito. Parang ayaw na niyang bumalik sa kanila. Wala rin namang naghahanap sa kaniya doon dahil hindi naman siya importante sa pamilya niya. Dito ay tahimik ang buhay niya. Hindi rin naman mahirap ang trabaho niya. Kailangan lang niyang pagtiyagaan ang ugali ni Shan dahil moody ito. Pero ngayon ay unti-unti naman na itong nagiging mabait. Sana nga ay tuloy-tuloy na iyon.
Bigla niyang naisip si Arvin. Naiisip kaya siya nito? Malamang sa hindi na, baka nga nagpapakasaya na ito kasama ang kapatid niya. Wala na siya doon. Hindi na kailangang magtago pa ng mga ito. Malayang-malaya na ang kapatid niya sa pagtataksil nito sa kaniya. Mapait siyang napangiti at inilubog ang ulo sa tubig saka umahon. Hindi na dapat niya iniisip ang mga ito.

*****

Kakatapos lamang ng pagpapa-sweldo ni Shan sa mga tauhan ng Hacienda. Kinausap rin niya ang mga ito na sa susunod na buwan ay madadagdagan ang suweldo ng mga ito dahil maganda ang ani nila ngayon. Tuwang-tuwa naman ang mga tauhan ng hacienda dahil sa ibinalita niya sa mga ito. Ngayon lang ulit niya nasilayan ang ngiti sa labi ng mga tauhan nila habang kausap siya. Naging mailap kasi ang mga ito sa kaniya simula nang mangyari ang aksidente sa kaniya. Hindi niya masisisi ang mga ito, kasalanan rin naman niya kung bakit natatakot na ang mga ito na kausapin siya. Naging masungit kasi siya at aaminin niyang sumama ang ugali niya. Magagalitin siya at mabilis na uminit ang ulo, ibang-iba sa Shan na kilala ng mga ito noon.

"Uuwi na ho kami Senyorito. Maraming salamat po ulit," anang mga tauhan nila sa kaniya. Tipid lang siyang tumango sa mga ito, kanina niya pa napapansin na nawawala si Andrea. Iniwanan lang siya nito kanina dito pero hindi na ito bumalik. Akala niya ay may gagawin lang ito sandali.
Nag-alisan na ang mga tauhan ng hacienda pero wala pa ring Andrea na sumusundo sa kaniya.
Dumaan ang isang tauhan nila na si Amboy kaya tinawag niya ito.

"Amboy nakita mo ba si Andrea?" tanong niya dito.

"Si Andrea ho Senyorito? Parang natanaw ko siya kanina na naglalakad patungo sa ilog," ani Amboy sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya. Ano naman ang gagawin ni Andrea sa ilog nang ganitong oras? Nagdidilim na.

"Kailangan niyo ho ba ng magtutulak sa inyo Senyorito? Ihahatid ko na ho kayo sa mansyon," pagmamagandang-loob nito sa kaniya.

"Hindi na Amboy. Kaya ko na," pigil niya dito.

"S-sigurado ho kayo Senyorito?" tanong pa nito sa kaniya.

"Oo sige na iwanan mo na ako dito," sagot niya kaya mabilis naman na tumango si Amboy at iniwanan na siya.

Tumanaw siya sa daan patungo sa ilog. Itinulak niya ang sariling wheelchair. Kaya naman niya ang sarili, ayaw lang din talaga ng mga magulang niya na mahirapan siya ng husto kaya kinukuhanan siya ng mga ito ng mag-aasikaso sa kaniya.

Dahil medyo hirap ay matagal-tagal rin bago siya nakarating sa ilog. Inaaninag pa niya ang paligid dahil nagdidilim na, hanggang sa nakita niya si Andrea.

Hindi niya inaasahan na matutulala siya sa makikita niya.

Andrea was bathing in the river, wearing only a white two-piece swimsuit. She seemed to be done, climbing out of the water, and he was nearly speechless at the sight of her curvy body. Even in the dim light, he could clearly see how smooth her skin was. He swallowed hard as he stared at her, mesmerized. Her porcelain skin glistened with water, and she looked like a goddess in his eyes.
Ngayon lang ulit siya nakaramdam ng ganitong paghanga pagdating sa isang babae.

Napatingin siya sa ibabang bahagi ng katawan niya nang maramdaman niya na parang may bumukol doon.

"W-what the fuck?" mahinang usal niya dahil hindi niya inaasahan na may muli siyang mararamdaman sa pagkalalaki niya. This is unbelievable. Ang tagal na nitong walang pakiramdam tapos ngayon ay bigla na lang itong sumasaludo dahil sa isang babae. Hindi siya makapaniwala.

Nagulat si Andrea nang sa wakas ay makita na siya nito.

"S-senyorito?" nanlalaki ang mga matang sambit nito habang nakatingin sa kaniya. Dali-dali nitong kinuha ang roba na nakalapag at itinapi iyon sa katawan. Nag-iwas naman siya ng tingin.

"Anong naisipan mo at naligo ka sa ilog?" tanong niya dito.

"A-ahm n-natuwa kasi ako sa ganda ng tubig kaya naligo ako. Sorry kung natagalan at hindi kita nabalikan agad," nauutal na sabi nito sa kaniya. Tila hiyang-hiya ito.
Tiningnan niya ito sa mukha. Napako ang mga mata niya sa mapulang labi nito. Bakit parang nahahalina siya na halikan ito? Ipinilig niya ang ulo. Mali itong naiisip niya. Maling-mali.

Nagtanggal siya ng bara sa lalamunan.

"Alam mo bang delikado ang ginagawa mo? Paano na lang kung may ibang tao dito? Hindi ka ba natatakot na makita ka nilang ganiyan lang ang suot?" tanong niya dito. Tila napahiya naman ito at nagbaba ng tingin.

"P-pasensiya na Senyorito," hinging paumanhin nito sa kaniya. Bumuntong-hininga siya. Hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang paninikip ng pang-ibabang saplot niya.

"Umuwi na tayo at wag mo ng uulitin na magpunta dito ng mag-isa para lang maligo. Kahit pag-aari namin ang lugar na ito, hindi ka pa rin nakakasiguro dahil baka may ibang masamang loob na maligaw sa lugar na ito," sabi niya dito. Mabilis naman itong tumango sa kaniya.

"O-oho Senyorito," sagot nito sa kaniya saka inayos ang sarili, nang matapos ito ay itinulak na nito ang wheelchair niya at bumalik na sila sa mansyon.

You Are The Reason (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon