CHAPTER 15

30 3 0
                                    

"Bakit ang dami ho yatang nakalapag na pagkain sa lamesa?" nagtatakang tanong ni Andrea kay Nanay Oreng nang lumabas siya ng kaniyang silid. Hindi niya napansin agad si Shan na nakaupo sa sofa sa sala. May mga prutas, softdrinks, chichirya, pizza at kung ano-ano pa na nakalapag doon.

"Si Senyorito ang nagpabili ng lahat ng ’yan Andrea," sagot ni Nanay Oreng sa kaniya. Saka lang niya napansin si Shan nang balingan ito ng tingin ni Nanay Oreng. Nakatingin si Shan sa kaniya nang magtama ang mga mata nila. Ngumiti ito sa kaniya.

"Maiwan ko muna kayo," ani Nanay Oreng sa kanila at lumabas na.

Lumapit siya kay Shan. Hindi ito nakaupo ngayon sa wheelchair nito kundi sa malaking sofa. Prente itong nakasandal doon.

"Punta tayo sa ilog. Mag-picnic tayo?" sabi nito na ikinagulat naman niya. Totoo ba itong naririnig niya mula kay Shan? Niyayaya siya nitong mag-picnic? Hindi yata siya makapaniwala.

"H-ho? P-picnic?" ulit niya sa sinabi nito. Bakit naman kaya bigla nitong naisipan ang bagay na iyon?

"Oo, if okay lang sayo," sabi nito sa kaniya.

"I'm kinda bored. I just want to relax, sa ilog ay tahimik kaya naisipan kong yayain ka," ani Shan. Magaan ang pakikipag-usap nito sa kaniya kaya ngumiti siya dito at tumango. Maganda naman talaga sa ilog saka gusto niya rin doon.

"S-sige," nahihiya niya pang sagot kay Shan.

"Great, ipapatawag ko lang si Bernard upang ipadala sa kaniya ang mga baon natin," sabi nito sa kaniya. Si Bernard ang isa sa mga tauhan ng mga ito sa bukid.

"Ako na ang tatawag sa kaniya," sabi naman niya dito. Kilala naman niya si Bernard kaya siya na ang tatawag dito. Lumabas siya at nakita niya naman agad si Bernard na may bitbit na mga sako.

"Bernard!" tawag niya dito. Lumingon ito sa kaniya.

"Andrea!" anito at mabilis na lumapit.

"Bakit mo ako tinatawag?" tanong nito sa kaniya nang makalapit na ito.

"Pinapatawag ka ni Senyorito," sabi niya dito.

"Ganoon ba? Naku bakit naman kaya?" nagtatakang tanong nito.

"May iuutos lang siya sayo. Halika sumunod ka sa akin," sabi niya.

Sabay silang bumalik ni Bernard sa loob ng mansyon.
Andoon pa rin si Shan at nakaupo sa sofa.

"Pinapatawag niyo raw ho ako Senyorito?" magalang na tanong ni Bernard kay Shan.

"Oo Bernard, ipabibitbit ko lang sayo ang mga pagkaing iyon na nasa lamesa, pakidala mo naman sa ilog dahil pupunta kami doon ni Andrea," sabi ni Shan. Medyo nahiya pa siya lalo na nang mapatingin sa kaniya si Bernard. Ano kaya ang iniisip nito?

"S-sige ho Senyorito," mabilis naman na sagot ni Bernard at binitbit ang mga pinadadalang pagkain ni Shan.

Siya naman ay inalalayan si Shan nang pinilit nitong tumayo at maupo sa wheelchair nito.

Nang makaupo ito roon ay inilabas na niya ito. Magtutungo na sila sa ilog kasunod ni Bernard kaya naman itinulak na niya ito.

Paglabas nila ng mansyon ay nakatingin sa kanila ang ilang mga tauhan na naabutan nila. Hindi niya alam kung ano na ang iniisip ng mga ito sa kanila kaya medyo nababahala siya. Ayaw naman niyang tanggihan si Shan dahil sa kalagayan nito ay kailangan naman talaga nitong mag-relax. Isa pa ay ngayon lang ito nag-aya sa kaniya ng ganito, nagugulat nga siya dito dahil sa mga ikinikilos nito ngayon.

"Bakit ang tahimik mo?" puna nito sa kaniya nang mapansin nito na kanina pa siya walang kibo.

"N-nahihiya kasi ako sa mga tinging ibinibigay nila sa atin," sabi niya.

You Are The Reason (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon