TBM - 2

7.2K 74 3
                                    

CHAPTER 2

"What the?! Why are you here?" I asked him. He just smiled at me.

Pa'no ba naman kasi, pagka-mulat na pagka-mulat ko ng mata ko, mukha niya agad ang bumungad sa'kin!

"James, hindi mo 'ko madadaan sa mga ngiti mong 'yan. Tell me, why are you here? You should be in the office right now! I've checked you're schedule yesterday, marami kang meetings na a-attend-an!" I said.

Umiling lang siya. "I've checked my schedule kanina nung nasa office ako, marami nga. Pero may nag-sabi sa'kin na minove lahat ng meetings ko, so next week na lang 'yon." he said.

"Mabuti nga at minove 'yung mga meetings eh. Pwedeng hindi ako pumasok, dito ko na lang gagawin 'yung trabaho ko. Tsaka, gusto kitang bantayan. Baka kasi pagurin mo 'yung sarili mo kaka-linis dito sa condo mo. Hindi nga kita pinapasok para makapag-pahinga ka, pinagod mo naman ang sarili mo dito." dugtong pa niya.

I sighed. "Baka magalit sa'yo sila Tito Jacob eh." sabi ko.

He smiled and held my hand. "Hindi ako papagalitan no'n, mahal na mahal ako no'n eh." sabi niya tapos hinalik-halikan niya 'yung kamay ko.

"Sure ka ah? Baka kasi magalit din sila sa'kin, tapos hindi na ako pa-puntahin ulit sa bahay nila. Noooo!" sabi ko, tinawanan niya naman ako.

"Hindi 'yun magagalit sa'yo, Kyle. Ano ka ba, pamilya na rin kaya turing no'ng mga 'yon sa'yo. Miss ka na nga raw nila eh, tagal mo nang hindi naka-dalaw do'n." sabi niya habang hinahalikan pa rin 'yung likod ng kamay ko.

"Busy kasi sa trabaho eh. Punta tayo do'n! Miss ko na rin sila. Pleaaaaaaase?" pagpa-pa-cute ko with matching puppy eyes.

He smirked. "Kiss muna." sabi niya tapos ngumuso siya.

Sumeryoso naman 'yung mukha ko. Pumunta ako sa CR at nag-toothbrush, baka kasi alaska-hin pa ko ni James na bad breath ako.

Pagkalabas ko sa CR, nag-hilamos ako. Natigil naman ako nang maramdaman kong pinulupot niya 'yung braso niya na tiyan ko tapos pinatong niya 'yung baba niya balikat ko.

Napa-igtad naman ako ng kaunti nang halik-halikan niya 'yung balikat ko. Ano ba naman 'to si James, gustong-gustong humalik.

"Hoy, James Sandrick Ronquillo-Alcantara, napaka-clingy mo, kanina ka pa. Mamaya na 'yan, ano ka ba. Kitang may ginagawa ako eh." saway ko sa kanya.

Tumigil naman siya. Pinatay niya 'yung gripo at hinarap ako sa kanya. Hinawakan niya 'yung dal'wang kamay ko at nilagay sa may batok niya tapos nilagay naman niya 'yung kamay niya sa magka-bilang bewang ko.

"Oh, ano'ng trip mo?" tanong ko sa kanya, pero wala siyang sinabing sagot sa'kin. Instead, he answered me with a long swift kiss.

Later on, he started to move his lips, I followed his lead. Binuhat niya ako at in-upo sa counter. Pa-taas-baba niyang hinahaplos ang likod ko, habang ginugulo ko 'yung buhok niya.

After a few seconds, tumigil na kami. Pinag-dikit niya 'yung noo naming dal'wa then he stared in to my eyes.

Habang tinititigan ko rin 'yung mata niya, hindi ko maiwasang malungkot. I can see na mahal na mahal niya talaga ako, pero ako hindi. I kissed his lips, then I hugged him afterwards, he hugged me back.

Walang nagsalita sa'min, yakap lang namin ang isa't isa.

But then, he broke our silence. "Okay na 'ko do'n sa kiss na 'yon. Ligo ka na, punta na tayo sa bahay." sabi niya tapos binuhat niya ako pababa sa counter.

"Hintayin na lang kita matapos ah? Bilis, ligo ka na. Alam kong excited ka na ulit sila makita." sabi niya at tinulak ako papunta sa CR.

Inabot niya sa'kin 'yung towel ko tapos hinalikan niya ako sa noo. "Mamimiss kita. Hahaha!" sabi niya. Tumawa naman ako at pinitik 'yung noo niya bago pumasok sa CR.

***

"Joshua, 'wag ka tumakbo! Baka madapa ka---ayan na nga, nadapa ka na!" sabi ko at tinayo si Joshua.

"Okay ka lang, Baby? Sabi ko kasing 'wag ka tumakbo eh. Ayan, nagka-sugat ka tuloy." sabi ko nang makita ko 'yung sugat niya.

"Huhuhu *sob* Ate Kyle, ang shakiiit. Huhuhu. *sob*" iyak niya, pinunasan ko 'yung luha niya.

"'Wag ka na umiyak, okay? Gagamutin natin 'yang sugat mo." sabi ko at binuhat siya. Four years old pa lang naman si Joshua, magaan pa 'to sa ngayon, Baby ko 'to eh.

Habang papasok kami ng bahay nila, umiiyak pa rin siya. "Oh, stop crying na, Baby. Akala ko ba big boy ka na? 'Di ba hindi na umiiyak kapag big boy na?" sabi ko.

"Ang shakit po kashi, Ate Kyle." sabi niya tapos nagpa-tuloy sa pag-iiyak.

Tumigil muna ako saglit maglakad. "'Walang mangyayari if you'll cry the whole time. Sige ka, 'di ka namin bibilhan ni Kuya James ng ice cream 'pag di ka tumigil mag-cry." pananakot ko.

Mabilis naman siyang umiling at tumigil sa pag-iyak. Niyakap niya ako at sinubsob 'yung ulo niya sa leeg ko. "Oh, gan'yan dapat. 'Wag ka na iiyak, okay? Gagamutin natin sugat mo sa loob." sabi ko at pumasok na kami sa loob.

"Oh, ano'ng nangyari sa bubwit na 'yan? Tulog na? Eh kanina lang, rinig na rinig ko pa 'yung sigaw niyan sa labas eh." sabi ni Tito Jacob pagkakita niya sa'min ni Joshua.

"Hindi, Tito. Kakatapos lang pong umiyak, nadapa po kasi, nagka-sugat tuloy." sabi ko at inupo si Joshua do'n sa sofa nila.

"Gano'n? Napaka-likot tal'ga ng bubwit na 'yan. Sandali, kukunin ko 'yung first aid kit sa taas." sabi ni Tito Jacob at umakyat na.

Umupo ako sa tabi ni Joshua at nilaro 'yung kamay niya. "'Pagkatapos na'tin gamutin 'yung sugat mo, bibili tayo ng ice cream, okay ba 'yon?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman siya, "Opo. Okay na okay!" masayang sabi niya. Kita mo 'to, kanina lang, iyak ng iyak. Pero no'ng sinabihan kong bibilhan ko siya ng ice cream, tumigil.

Nang makababa si Tito Jacob, inabot niya sa'kin 'yung first aid kit. Siya pa nga dapat mag-gagamot pero sabi ko ako na lang kaya umakyat rin agad siya. Tatabihan lang raw niya si Tita Sam sa taas, kakauwi niya lang kasi galing Australia dahil may event siya do'n. Fashion Designer kasi si Tita, siya na 'yung may-ari ngayon ng boutique no'ng Mommy niya, 'yung Katarina. Gusto ko ngang magtrabaho do'n eh.

Si James ba kamo? 'Ayun, ten minutes pa lang kaming nandito, may tumawag sa kanya, urgent meeting raw kaya kailangan niyang pumunta sa company. Sasama nga sana ako, pero sabi niya, dito na lang daw muna ako, babalik rin siya agad after the meeting.

Kinukulit ko si Joshua habang ginagamot ko 'yung sugat niya. Natatawa nga ako pa-minsan-minsan dahil napapangiwi siya kapag idadampi ko 'yung bulak sa sugat niya.

He's Sean Joshua Ronquillo-Alcantara. Tito Jacob and Tita Sam's youngest.

Nang matapos ako sa pag-ga-gamot ng sugat niya, yayayain ko na sana siya umalis kaso nakita ko, tulog na. Napangiti na lang ako, ang cute ni Joshua, omg.

Inakyat ko siya do'n sa kwarto niya at hiniga sa kama niya tapos bumaba rin ako. Hay, wala tuloy akong maka-usap dito. Teka nga, 'asan 'yung isa? Actually, mayron pang isang lalaki eh, kaso, may lakad 'yata---

"Ate Kyyyyyyyyyle!"

Napatingin ako do'n sa nagsalita. Oh well, speaking of, nandito na ang isa pang kapatid ni James.

"Jaden! Waaaaah!" sabi ko at sinalubong siya ng yakap. "Kamusta ka na? Nakakainis ka, 'di mo ko tine-text!" sabi ko sa kanya.

"Wala akong load, Ate Kyle. Tsaka, baka mag-selos si Kuya 'pag nalaman niyang ka-text mo ako, bugbugin pa 'ko. Sayang naman ang mukha ko, 'no. Prized possession ko kaya 'to." pagmamayabang niya.

Napairap ako. "Ewan ko sa'yo! May prized possession prized possession ka pang nalalaman d'yan. Ay, teka nga, sabi sa'kin ng Kuya mo, na-basted ka raw? Bakit?" tanong ko. Chismosa na kung chismosa, eh sa ganito naman kaming dal'wa eh.

'Yung kaninang naka-ngiti niyang mukha, nalukot bigla. "Si Kuya tal'ga oh, napaka-daldal." sabi niya tapos tumawa.

Umupo kami sa sofa. Tapos habang nagke-kwento siya, hinahagod ko 'yung likod niya. Oo, umiiyak ang loko. Kainis, dapat hindi ko na in-open up 'yung topic na 'yon.

"Alam mo, Jaden, hindi naman dahil hindi ka niya sinagot, eh ayaw niya sa'yo. Sabi mo nga sa kwento mo, gusto ka rin niya kaya pumayag siya na mag-pa-ligaw. Pero nung diretsahan mo siyang tinanong kung pwede bang mag-on na kayo, baka saka niya lang naisip na, hindi pa siya ready. Alam mo kasi, kaming mga babae, pabago-bago ang isip namin. Kunwari, kanina gusto ko nung pink na stuffed toy, pero maya-maya, ayaw na namin, kasi may nakita akong mas maganda. Gano'n lang 'yon. Jaden, marami pang babae d'yan, hindi lang siya." sabi ko.

Pinunasan niya 'yung luha niya tapos hindi siya nagsalita. Dahil nabingi ako sa katahimikan...

"P*nyeta naman, Jaden. Ang bakla mo! Parang babae 'to eh. Kung mag-drama, wagas!" sabi ko habang tumatawa tawa.

Bigla naman siyang bumuntong-hininga. "Walanjo naman, Ate Kyle. 'Yun na 'yon eh! Hay nako, moment ruiner." sabi niya.

"Oh, ayan. Buti nakangiti ka na. 'Wag ka na ngang umiyak. Ano ba 'yan, kanina si Joshua and pinapatahan ko, ngayon ikaw naman. Hay nako! Paiyakin ko na rin kaya si James at mapatahan ko rin."

Umiling lang siya tapos tumawa na. 'Yan si Danilo Jaden Alcantara. Ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang Danilo kasi amg baho raw. Si James kasi ang nag-suggest no'ng pangalan na 'yon, pumayag naman si Tito Jacob. Loko rin 'yung mag-amang 'yon eh.

Pero mayron pang isa. 'Yung babae. Pero, ayoko nang ikwento. Baka maiyak lang ako.

Naalala ko naman bigla 'yung ice cream na sinabi ko kay Joshua kaya tinext ko si James. Pero bago ako makapag-text, nagtext si James.

From: James Sandrick
Movie date tayo sa condo ko mamaya? :)

To: James Sandrick
Uhm..sure. Bili ka muna ng ice cream bago ka bumalik dito sa bahay nila Tito. May utang akong ice cream kay Joshua eh. Hehehe --^_^--

From: James Sandrick
Ikaw talaga. Sige na, bibili na ako. I'll see you in a bit, I love you. :*

To: James Sandrick
See you in a bit rin. Thank you. :)

Hay, James. Sorry, hindi ko kayang ibalik ang pagmamahal mo.

==============================

How's chapter two? Waaaaah! Sorry kung 'di niyo nagustuhan. 'Yung sinasabi ni Kyle sa chapter one na, "sapilitan" lang? Tsaka 'yung sister ni James? Soon.

-Claii

The Bachelor's MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon