TBM - 16

1.8K 29 4
                                    

CHAPTER 16

"Mahirap ba talaga akong sundin, Allison?!" galit na sigaw niya.

Napayuko ako. I don't know what to say. Hindi ko siya sinunod, nakipag-kita ako kay Ricky and worse, hinalikan ko si Ricky, at nakita niya 'yon.

I started crying. Dahil sa takot na nararamdaman ko at dahil sa fact na alam kong galit na galit siya. Nakita ko ang nga ugat sa leeg at likod ng palad niya.

"Umiiyak ka?" tanong niya.

"H-hindi.." pagta-tanggi ko. Ine-expect ko na pupunasan niya ang luha ko pero hindi.

Nakita ko siyang umirap. "Okay, wala na 'kong pakialam kung umiiyak ka." sabi niya at tumawa ng mahina. Pero ramdam na ramdam ko pa rin ang galit niya.

"J-james, I c-can explain." nau-utal kong sabi. Magsasalita na sana ako pero bigla niyang binagsak 'yong vase na galing sa center table.

"Ano pa ang ie-explain mo?! Kyle, nakita ko ang lahat! Simula no'ng ibaba ka niya sa kotse hanggang sa halikan niyo!" sigae niya.

Napa-hagulhol ako. Natatakot ako sa kanya at sa maaari niyang gawin.

"Bakit ako mag-e-explain? Kasi kailangan, James." sabi ko.

"Hindi mo kailangan! Alam ko naman kung bakit mo siya hinalikan eh. Kasi 'di ba nagsasawa ka na sa mga halik ko?!" galit sa sabi niya.

Agad akong umiling. "James, no. Naaawa lang ako sa kanya, kaya ko nagawa 'yon." sabi ko at hinawakan ang kamay niyang naka-yukom. Pero binawi niya 'yong kamay ko.

Tinitigan niya 'ko sa mata. "Eh sa 'kin?" tanong niya.

"Hindi ka ba naaawa sa 'kin kaya mas pinili mong saktan ako?" dugtong niya. Napayuko ako.

Hindi ko naman sinasadya. Ano na bang mangyayari ngayon?

Lumapit siya sa 'kin, napaatras ako. Natatakot ako sa kung ano 'ng gagawin niya. Is he going to hurt me, physically?

"'Di kita sasaktan." sabi niya at hinawakan ang magka-bilang braso ko. Tumingin ako sa mata niya.

"Alam kong hindi mo 'ko mahal, pero hindi mo naman kailangang gawin 'yon para iparating sa 'kin 'yong gusto mo eh." sabi niya. What is he saying?

"Oo, sapilitang naging girlfriend kita. Pero sana, diretsong sinabi mo na lang sa 'kin." sabi niya.

"A-anong sinasabi mo?" naguguluhang tanong ko.

He sighed at binitawan ako. Naglakad siya papunta sa pinto, agad ko naman siyang pinigilan. "James, hindi ka aalis hangga't hindi pa tayo tapos mag-usap dito." sabi ko.

Humarap siya sa 'kin at hinawi ang kamay ko, tumingin siya sa 'kin. "I'll give you what you want. Papa-sayahin na kita." seryosong sabi niya. Kumunot ang noo ko.

"Simula ngayon, hindi na kita girlfriend, hindi mo na 'ko boyfriend. Titigilan na kita, in other words. Pero 'wag ka mag-alala. Hindi kita papa-alisin dito sa unit mo at hindi ko babawiin ang mga binigay ko sa 'yo. Ilalagay ko na lang sa credit card mo 'yong perang ibibigay ko sa 'yo. I'm giving you up, Kyle." sabi niya.

Niyakap ko siya ng mahigpit kasabay ng pag-tulo ng mga luha ko. "James,bakit ngayon pa? I'm sorry, hindi ko na uulitin." pagmama-kaawa ko. Pilit ko siyang hinahalikan pero iniiwas niya 'yong mukha niya.

"'Wag mo 'ko iwan, James. Sorry sa ginawa ko. Please, 'wag mo 'kong iwan." sabi ko habang umiiyak.

"James, I'll let you take my virginity, 'wag mo lang akong iwan, please." sabi ko at lumuhod sa harap niya.

Mabilis siyang umiling at lumuhod rin sa harap ko and he cupped my face. "Pinilit kitang maging girlfriend ko dahil mahal kita. Hindi dahil gusto kitang i-kama." sabi niya.

"Hindi ba dapat masaya ka dahil, finally, titigilan na kita? 'Yon naman ang gusto mo simula pa noon?" dugtong pa niya.

"Kyle, lalayo na 'ko sa 'yo. You should be happy. I'm giving you up, be happy with Ricky." sabi niya Tumayo na siya at lumabas na ng unit ko.

Oh, what have I done.

***

Sinuot ko ang jacket ko at zi-ni-pper hanggang taas bago ko hilain ang maleta ko. Ang kapal naman kasi ng mukha ko kung mananatili pa 'ko dito sa unit ko.

Sinigurado kong dala ko na lahat ng damit ko ay nai-lagay ko na sa maleta ko bago ako lumabas ng unit ko. Iniwan ko sa loob ang mga gamit na binili niya para sa 'kin.

Oo, sabi niya hindi niya babawiin. Kaso, sabi ko nga, ang kapal naman ng mukha ko kung gagawin ko 'yon.

Ni-lock ko 'yong unit ko. Naglalakad na sana 'ko papunta sa elevator nang mapa-tingin ako sa pinto ng condo unit niya.

Huminga ako ng malalim at tinype 'yong passcode sa unit niya. 4am pa lang naman, hindi pa siya gising ng ganitong oras. Pero, pa'no na lang kung nand'yan pa siya sa sala?

Naka-hinga naman ako ng maluwag nang mlita kong walang tao sa sala at kusina niya. Meaning, nasa kwarto na siya.

Dahan-dahan akong naglakad habang nasa loob ako ng kwarto niya. Nadatnan ko siyang naka-higa at naka-harap sa ding-ding habang may yakap-yakap ng unan. Napangiti na lang ako kasabay ng pag-tulo ng luha ko. Alam kong ito na ang huling pagkakataong makikita ko siya ng ganito.

Maingat akong humiga sa kama niya at pinulupot ang braso ko sa tiyan niya. Alam kong mahimbing siya matulog kaya hindi siya nagising. Hinalikan ko ng matagal 'yong likod niya. "Mahal na mahal kita, James." bulong ko.

Hindi ko lang masabi sa kanya ngayon 'yan lalo na't ganito ang sitwasyon namin. Baka isipin pa niyang mahal ko siya dahil kailangan ko ang pera niya. That's a big NO.

Nang maramdaman kong gumalaw siya, mabilis akong tumayo at lumabas ng unit niya. Hinila ko 'yong maleta ko at umalis ng building na 'yon.

***

"Hello, Reljane.."

"*yawn* Ang aga mo naman. Napa-tawag ka?"

"I'm here outside your house. Can you let me in?"

Narinig ko pang nagulat siya dahil sa sinabi ko. In just a few seconds, nabuksan na niya ang pinto.

"*yawn* Ano 'ng sumapi sa 'yo at nandito ka ng 5am---Umiyak ka ba? Bakit namamaga 'yong mata mo?" tanong niya nang makita niya ang itsura ko.

I sniffed and smiled. "Pwede bang dito na muna ako mag-stay habang wala pa 'kong permanent na mali-lipat-an?" I politely asked.

"Oo naman, pasok ka." sabi niya at tinulungan akong buhatin ang iba 'kong gamit.

Pina-upo niya 'ko sa sa couch at inabutan ng tubig. Pinasalamatan ko naman siya dahil do'n. Pagkatapos kong uminom, tinabihan niya 'ko sa couch at hindi siya nagsalita. Gusto niyang mag-kwento ako 'pag gan'yang hindi siya nagsasalita.

"James and I broke up." I said and swallowed hard. Did we really broke up? Wala naman 'atang 'kami'.

She rubbed my back. "I have something to say to you." sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Ano 'yon?" she asked.

"'Di ko naman talaga boyfriend si James, eh. Well, yeah, boyfriend ko siya, girlfriend niya 'ko. Pero.."

I swallowed hard and covered my face with my palm. Naiiyak na naman ako.

She continued rubbing my back. "Pinilit niya 'kong maging girlfriend niya. At first, tumanggi ako. Pero no'ng sinabi niyang bubuhayin niya 'ko, napa-oo agad ako. I don't know kung bakit um-oo agad ako." pagke-kwento ko.

==============================

To be continued...

Up next: SIDE STORY - THE BACHELOR'S MAIDEN

Follow me on twitter: @clairelaloops

-Claii

The Bachelor's MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon