TBM - 36

2.1K 34 3
                                    

CHAPTER 36

"Wait, dito na agad tayo matutulog?" tanong ko kay James pagkatapos naming ilagay sa ref at sa mga cabinet 'yong mga pinabili namin.

"Oo, ayaw mo ba?" malungkot na tanong niya.

I chuckled and went near him to cup his cheeks. "Gusto ko, promise. Ang pino-problema ko lang, wala akong dalang damit." sabi ko sa kanya.

He gave me a peck on the lips. "'Wag mo na alalahanin 'yong mga damit natin. I called Anton earlier kung pwedeng kunin niya 'yong mga damit natin do'n sa condo. Um-oo naman siya agad at sinabi niya na isasama niya si Clarisse dahil parehas silang day off at walang magawa. I sent him the address, kaya any minute now, nandito na silang dalawa." sabi niya at umupo kami sa sofa.

Kumakain ako ng ice cream habang 'yong naka-akbay sa 'kin si James. Nanonood kami ng Need for Speed sa Star movies. Ang gwapo ni Pete! Hart hart!

"Mas gwapo naman ako d'yan." bulong niya at umirap.

Tumawa ako ng mahina at kiniskis 'yong ilong ko sa pisnge niya. "Napaka-seloso mo, Hon." sabi ko at sinandal 'yong ulo ko sa balikat niya.

"Kilig na kilig ka kasi d'yan. Nandito naman ako, Hon. Gwapong gwapo ka kay Peter. 'Pag 'yang lalaking 'yan ang pinaglihian mo at maging kamukha niya ang panganay ko, hindi ko pananagutan 'yong bata." kunot-noo na sabi niya.

"Correction, it's Pete. Hindi mo pananagutan 'tong baby ko 'pag naging kamukha ni Pete? Weh, maniwala ako sa 'yo. Hmp, bahala ka nga." sabi ko at tumayo. Iniwan siya do'n sa sofa.

Nakakainis, ba't ba inis na inis siya kay Pete?! Selos na selos?! Eh malabo naman akong magustuhan no'n eh! Plus, malabong magkita at magkakilala kami. Nakakaloka siya, 'di raw pananagutan 'tong baby ko?! Edi bahala siya sa buhay niya! Hmp!

Pumunta ako do'n sa likod ng bahay. Napanganga naman ako ng makita kong may malaking pool sa labas! May medium sized cottage pa do'n sa gilid.

Pumunta naman ako do'n sa gilid ng bahay, may nakita akong playground, may swing, may see saw, meron pang mataas na slide. Gusto ko tuloy maging bata ulit.

Pinuntahan ko naman 'yong harap, may malaking lawn at hanging swing na nakasabit sa puno. Ang laki ng bahay, bilyon siguro ang nagastos ni James dito.

Umupo ako do'n sa swing at saka nilantakan ang ice cream. Medyo nalungkot ako dahil paubos na 'yong ice cream ko, huhuhu.

No'ng ubos na, pumasok ako sa loob ng bahay. Ang dami ngang pinto kaya doon ako dumaan sa may bandang gilid dahil pagpasok ro'n ay kusina na agad. Hinugasan ko 'yong kutsarang ginamit ko at tinapon 'yong lalagyan ng ice cream sa basurahan.

Agad akong lumabas at pumunta do'n sa likod ng bahay. Tanging 'yong hangin at 'yong alon lang sa pool ang naririnig ko. Umupo ako do'n sa upuan na natitiklop at nag-relax. [A/N: Idk kung ano'ng tawag do'n. Basta, 'yong pang beach na upuan, 'yong pag sumandal ka, para kang nakahiga pero nakaupo ka pa rin. Haha, gets?]

"Dapat pala, hindi ko masyadong pinalakihan 'tong bahay natin, ang hirap mong hanapin."

Napamulat ako ng marinig ko si James. Inirapan ko siya at umupo do'n sa malaking upuan... [A/N: 'Yong upuan na nasa bahay ni big brother, 'yong do'n sa may swimming pool pero mas malaki do'n.]

"Hon, sorry na." sabi niya at umupo sa tabi ko.

"Eih! Alis ka nga dito! Pwesto ko 'to, nauna ako dito!" inis na sabi ko sa kanya at tinulak-tulak siya pero hindi siya umaalis.

Mas nainis naman ako ng makita kong nakangiti lang siya.

"Ano'ng ngini-ngiti-ngiti mo d'yan?! Ugh! Jaime, umalis ka nga! Nase-stress ako sa 'yo!" sigaw ko sa kanya.

Pinadausdos niya 'yong daliri niya sa noo ko at niyakap ako patagilid. Hindi na 'ko nagpumiglas dahil pagod na rin ako.

"Chill ka lang, Hon. Sorry na, joke lang naman 'yong sinabi ko kanina eh. Kahit 'di ako ang tatay niyan o maging kamukha niya si Peter, tatanggapin at pananagutan ko pa rin si baby kasi parte siya ng buhay mo eh." sabi niya at hinalikan ang sentido ko.

Tinignan ko siya sa mukha. "Talaga, Hon? Kahit sabihin ko sa 'yo na hindi ikaw ang nakakuha ng virginity ko?" tanong ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya pero niyakap niya pa rin ako. "Oo, tatanggapin pa rin kita. Kahit hindi ako ang Daddy ni baby, tatanggapin pa rin kita at ako ang tatayong ama d'yan sa baby mo. Gano'n kita kamahal." sabi niya.

"Hihihi. Kinikilig ako, Hon. Pero, ikaw nga nakakuha ng virginity ko tsaka ikaw 'yong Daddy ng baby ko." sabi ko at mabilis siya ng hinalikan sa labi.

Pagkatapos ng moment na 'yon, mas niyakap niya 'ko ng mahigpit at pinanggigilan ako. Kinikiskis niya 'yong ilong niya sa leeg ko at tawa naman ako ng tawa dahil nakikiliti ako.

"Hon, awat na!" natatawang sabi ko habang tinutulak siya.

"Ang bango-bango ni Nanay. Hmm! Sarap amuyin buong araw." sabi niya habang pinanggigigilan ako.

"Hon--hahaha! Omg, Hon. Stop, hindi na 'ko makahinga!" sabi ko. Agad naman siyang tumigil at in-upo ako sa kandungan niya. I leaned my back on his body while his chin is placed on my shoulder.

"Ano'ng gusto mong ipangalan natin kay Little Alcantara, Hon?" tanong niya.

Napangiti ako. "'Pag boy, gusto ko, Johnson Deandre, para unique. Hihihi, ang hot pakinggan, Hon." sabi ko at mahinang humagikhik.

He chuckled at hinalikan ako sa pisnge. "Maganda, Hon. Eh 'pag girl?" tanong niya.

"Ikaw mag-isip, Hon. Tutal, ikaw naman ang may gusto ng girl eh. Pero sana talaga, boy!" sabi ko.

"'Pag girl, gusto ko, Alinah Kyrene." diretsong sabi niya.

"Cute, nakasunod sa name ko. Hihihi. Gusto ko rin ng girl, pero gusto ko boy muna bago girl para may protector si baby girl natin." sabi ko sa kanya. "Na-e-excite na talaga ko kay Little Alcantara, Hon, gusto ko ng manganak agad para may maaalagaan na 'ko."

"Ako rin, Hon. Nae-excite rin ako d'yan kay Little Alcantara." sabi niya at hinalikan 'yong balikat ko.

We stayed there and cuddled with each other. Napatigil lang kami sa paglalambingan ng may marinig kaming dalawang boses galing sa loob ng bahay namin.

"Hala, Hon. Baka pinasok tayo ng magnanakaw!" natatarantang sabi ko.

"No, that's imposible. Maraming guards ang nakabantay, 'yong iba, naglilibot-libot. Imposibleng may magnanakaw na makapasok." sabi niya.

"Anton, have you found them yet? Ugh! 'Eto ang ayoko sa malalaking bahay!"

"Chill, Clarisse! Nandito lang 'yong dalawa. Wait, I'll go check outside."

Natawa naman kami nang ma-tunogan namin 'yong boses no'ng nasa loob ng bahay.

"Oh, they're here! Finally, nakita rin namin kayo!" sabi ni Anton at naglakad palapit sa 'min. Sumunod naman agad si Clarisse. Naunahan pa niya si Anton dahil tumakbo siya papunta sa 'min. Pero siyempre, tinanggal niya na muna 'yong heels niya.

"This house is so big! But anyway, Kyle, I heard you're pregnant. Omg, congrats!" masayang sabi niya at niyakap ako.

"Hihi, thank you, Clarisse!" sagot ko at niyakap rin siya.

"Anton, nakuha niyo ba 'yong mga damit?" tanong ni James.

"Yeah, nakuha namin. You know, kanina pa kami dito. Mal.aki lang ang bahay niyo kaya 'di namin kayo nakita agad." natatawang sabi niya at inakbayan si Clarisse.

"Anyway, we gotta go. Naistorbo namin kayo sa moment niyo kaya aalis na kami. Hehehe, nando'n na sa loob 'yong clothes niyo, okie?" dire-diretsong sabi ni Clarisse.

"Thank you, Anton, Clarisse." sabi ni James. Tumango naman silang dalawa. Kinawayan at pinasalamatan ko rin naman sila bago sila makaalis.

Nang mawala sila sa paningin namin, "Ayusin na natin 'yong mga gamit natin?" sabi niya sa tenga ko at hinalikan 'yong earlobe ko.

"Sure! Excited na rin ako maka-akyat sa taas." masayang sabi ko. Hindi ko pa kasi naaakyat 'yon, first floor pa lang 'yong nalilibot ko.

"Hon, 'pag hindi na kaya, awat na, ha? 'Wag kang magbubuhat ng mabigat, tawagin mo lang ako para ako na ang magbubuhat." paalala niya sa 'kin habang magkahawak kamay kaming naglalakad papasok ng bahay namin.

"Opo, Tatay. Chill lang, mag-judge ka muna." sabi ko at inabutan siya ng judge.

"Oh, sa'n mo nakuha 'yan?" tanong niya.

"Sa bulsa ko. Gulat nga rin ako eh, 'di ko alam na may candy pala 'ko sa bulsa. Hihihi." sabi ko.

==============================

TAPOS KO NA 'TONG TBM SA UTAK KO! MEHEHEZ. XD CYAM! QUIET KA LANG SA MGA SINABI KONG MANGYAYARI DITO SA TBM! :D XD

-Claii

The Bachelor's MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon