TBM - 18

1.8K 33 2
                                    

CHAPTER 18

"Reljane, aalis na 'ko!" sigaw ko no'ng palabas na 'ko ng bahay niya.

"Wait, sabay na tayo!" sigaw niya at nagmadaling tumakbo pababa ng hagdan. Muntik pa ngang mahulog dahil ang taas ng heels niya.

"Ang tanga mo talaga. Maaga pa naman eh, hindi pa tayo male-late." sabi ko pagka-baba niya. Gagi kasi.

"Sorry na, ayoko lang maiwan mo." sabi niya tapos kinuha na 'yong bag niya at ni-lock na 'yong pinto.

Naglakad-lakad kami ng konti bago kami sumakay ng cab. Habang nasa cab kami, daldal lang siya ng daldal kung ga'no kasaya sa kompanya.

"Tapos ang bait-bait pa no'ng boss ko pati no'ng tatay niya. Grabe!" masayang sabi niya. Natawa naman ako.

"Mabait naman talaga 'yong dal'wang 'yon eh, lalo na si James. Pero 'pag nagalit, nakakatakot talaga. Si Tito Jacob, 'di ko pa nakikitang magalit 'yon eh." sabi ko.

"Uuuuy, kabisadong-kabisado niya si James. Yiee! Move on na, 'te---joke lang!" sabi niya tapos tumawa. Umirap lang ako. Hinampas ko kasi ang gaga.

"Ikaw, kamusta ka naman sa fashion house ng Mommy ni James? Hindi ka ba niya sinampal? Sinigawan? Tinaboy?" tanong niya.

Umiling ako. "Hindi. Wi-nelcome niya pa nga ako eh, with matching hug." sabi ko sa kanya.

Magsasalita pa sana 'ko pero nang ma-realize kong malapit na kami, binayaran ko 'yong driver at bumaba na ng taxi. Nagulat naman ako no'ng pati si Reljane, bumaba rin.

"Hoy, ba't ka bumaba?!" tanong ko sa kanya.

"Eh, nakakatakot kasi 'yong driver, parang manyakis! Baka rape-in pa 'ko no'n kahit umaga pa lang!" sabi niya.

"Pa'no ka n'yan? Nandito na 'ko sa fashion house, nando'n pa 'yong company." sabi ko tapos kinamot 'yong ulo ko. Jusq, umagang-umaga, nase-stress ako!

"Lakarin na lang natin, malapit na lang naman, 'di ba? Samahan mo 'ko!" sabi niya tapos niyugyog ako.

Nanlaki 'yong mata ko at mahina siyang sinampal. "Gaga ka ba? Ayoko nga! Baka mag-kita pa kami ni James do'n at paalisin ako. Ikaw na nga nagsabi kanina na, move on na 'di ba?" sabi ko sa kanya.

"Eeeeeh, hindi 'yan! Kahapon, nasa office niya lang naman 'yon tapos pupunta sa mga conference rooms. 'Di kayo magkikita, tara na!" sabi niya tapos hinila ako pero hinila ko 'yong kamay ko mula sa kanya.

"Magpa-paalam lang ako! Leche, Reljane!" sabi ko at sinama siya papasok sa loob ng fashion house. Binati ko ng 'good morning' 'yong mga nakasalubong ko bago ko kinatok si Tita Sam sa office niya. Office niya lang naman 'yong nasa 1st floor eh, three floors kasi ang fashion house.

"Good morning, Baby Allison!" bungad ni Tita pagkakita niya sa 'kin.

"Good morning po, Tita. May ipaaalam nga po sana 'ko. 'Eto po kasing shunga kong kaibigan, mali ang binabaan, eh papunta po siya sa kompanya. Siya po kasi 'yong bagong secretary ni James. Ihahatid ko lang po sana, hindi niya po kasi kabisado eh." sabi ko sa kanya. 'Yong iba, hindi totoo 'yon. Pero 'yong shunga, totoo 'yon.

"Siya 'yong bagong secretary no'ng Baby Boy ko?" turo niya kay Reljane na nasa likod ko. Tumango naman si Reljane tapos nag 'good morning' kay Tita.

"Good morning rin. Ano 'ng name mo?" nakangiting tanong nki Tita kay Reljane.

"Reljane po, Ma'am. Reljane Bantalyo." sagot ni Reljane. Pinipigilan ko 'yong tawa ko kasi parang ang hinhin ni Reljane, eh makapal ang mukha niyan.

The Bachelor's MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon