TBM - 23

1.9K 45 2
                                    

CHAPTER 23

"Ang harot mo talaga! Pero, goodluck na lang. Hahaha! Kaya mo 'yan!" sabi ko kay Reljane. Kasama nga raw kasi 'yong crush niya na si Eros kaya sumama rin siya.

Pumasok siya sa loob, dumeretso naman ako sa garden nila at umupo sa may swing, pinagawa nila 'to para kay Joshua.

Nakatingin lang ako sa malayo. Iniisip ko kung ano ba ang mangyayari ngayong araw. Ano nga ba?

Shinake ko na lang ang ulo ko. Puro walanv kwenta ang mga iniisip ko, eh. Nakakaloka!

At dahil wala akong magawa, tumingin na lang ako sa malayo at inalala ang masasayang ala-ala namin ni James. Napa-buntong hininga na naman ako ng wala sa oras. Hanggang ngayon, nagsisisi pa rin ako sa ginawa kong paghalik kay Ricky.

Nakakainis naman kasi si James. Kung kailan na-realize ko na mahal ko na siya, saka siya nakipag-hiwalay sa 'kin. Pero kahit ano 'ng gawin ko, kahit bali-baliktarin ko pa ang mundo, ako ang may kasalanan, ako ang nagbigay sa kanya ng dahilan para hiwalayan niya 'ko.

Mariin akong pumikit at pinunasan ang luha ko na tumulo. Umiiyak na naman ako, at dahil sa kanya na naman.

Mapakla akong tumawa at binato sa malayo ang batong nasa paa-han ko. I want to get drunk and be wasted, 'yon ang ang kaisa-isang paraan na alam ko para makalimot, kahit sandali lang.

"Excuse me, Miss?"

Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Ay, shit. Ang gwapo mga friend.

"Uhh, yes?" I asked.

"Why are you crying? Care to tell me the reason? I'm trustworthy, I promise." sabi niya at umupo sa isa pang swing.

I smiled. "Boy problem. Pero, wala na naman akong magagawa. Nangyari na eh. Naghiwalay na kami, may iba na siya." sabi ko at nagkibit balikat.

"Wala ka 'man lang gagawin para mapa-sa 'yo siya ulit? Iiyak ka na lang?" tanong niya.

Umiling ako. "'Wag na lang. Kasi kung gagawin ko 'yon, simula pa lang, talo na 'ko." sabi ko at bumuntong hininga.

"Bakit ba ang bilis sumuko ng mga tao? Hindi pa nga nasusubukan, iniisip nila, talo na ag---woah, Miss. Don't cry." sabi niya nang makita niya 'kong umiiyak.

Pinunasan ko ang luha ko at tumayo. "Salamat sa mga sinabi mo. Kilangan ko ng umuwi, may trabaho pa 'ko bukas. Salamat sa oras." sabi ko at nginitian siya. Maglalakad na sana 'ko paalis pero bigla niya 'kong hinawakan sa wrist.

"Hindi mo 'man lang ba sasabihin sa 'kin ang pangalan mo, Miss?" tanong niya sa 'kin at inismiran ako.

"Ah, sorry. Kyle Allison Gilberton." sabi ko at inabot ang kamay ko.

He smiled. Ay, gwapo. "I'm Matthew Cantera." sabi niya at nag-shake hands kami.

"It's nice to meet you, Matthew, but I really have to go. Thanks for the time." sabi ko. Tatalikod na sana 'ko pero hinawakan niya naman ang braso ko.

Natatawang lumingon ako sa kanya. "What is it this time? Mamimiss mo 'ko? Ikaw, ah, crush mo ako, noh?" pang-aasar ko.

Tumawa siya. "Medyo, hahaha! Maganda ka naman eh, kaya crush kita." sabi niya. Namula naman daw ako, crush ko rin siya, eh!

"Haha, I crush you, too. Aalis na 'ko!" sabi ko at tinapik 'yong balikat niya.

"Hatid na kita. It's getting dark, delikado na." sabi niya. Napa-smirk naman ako.

The Bachelor's MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon