TBM - 10

2.4K 44 3
                                    

CHAPTER 10

Nandito kami ngayon ni James sa unit niya, naka-upo sa couch. Naka-akbay siya sa'kin at naka-sandal naman ang ulo ko sa balikat niya. Sunday ngayon, kakatapos lang namin mag-simba.

"Gutom ka na? Merienda tayo?" tanong niya, medyo napaigtad ako ng kaunti dahil dumikit 'yong labi niya sa tenga ko.

"Sige, nag-aya ka eh." sabi ko. Mahina siyang tumawa bago siya tumayo at pumunta sa kusina.

Kumunot naman 'yong noo ko. Hindi 'man lang nagpaalam?!

Sumunod ako sa kanya sa kusina. Habang pine-prepare niya 'yong merienda namin, pumunta ako sa likod niya at niyakap siya mula sa likod. Trip ko maging clingy ngayon, bakit ba?

"Oh, namiss mo agad ako?" malokong tanong niya at hinawakan 'yong kamay ko na nasa tiyan niya.

"Medyo. Ikaw kasi, umalis ka bigla. Pwede mo naman ako isama dito." sabi ko at sinubsob ang mukha ko sa likod niya.

He chuckled. Bigla naman siyang naglakad, sumunod lang ako, nakayakap pa rin ako sa kanya. Hehehe. #ClingyGF

"Oh, iwanan na muna natin 'to. Babalikan ko na lang mamaya." sabi niya tapos naglakad kami pabalik sa salas.

Bumitaw ako saglit para maka-upo siya, pero hindi niya binitawan 'yong kamay ko. Kaya pagkaupong-pagka-upo niya, hinila niya 'ko kaya napa-upo ako sa kandungan niya.

Sinandal ko 'yung ulo ko sa balikat niya. Medyo inaantok kasi ako dahil hindi ako nakatulog kaninang tanghali, hapon kasi kami nagsimba.

Hinahaplos lang ni James 'yong buhok ko, mas lalo tuloy akong napapapikit.

Makakatulog na sana ako pero nagising ang diwa ko nang tumunog ang cellphone ko. Aalis sana ako sa kandungan ni James para kunin ang cellphone ko na nasa center table pero mas niyakap niya 'ko at inabot sa'kin ang cellphone ko.

Inangat ko 'yong mukha ko at binigyan siya ng smack sa labi bago tignan ang cellphone ko.

Rj ♡ calling...

Napangiti naman ako. Pinakita ko 'yong cellphone ko kay James at sumimangot naman ang mukha niya. Hahaha! Trip ko siyang asarin.

"Hello! Napatawag ka? You need anything?"

{"Gaga 'to, 'pag tumawag ako, may kailangan agad? Baliw!"}

"Oh, sorry na. Bakit ka nga tumawag?"

{"Miss na kasi kita. By the way, may bahay na 'ko! Yiee! Punta ka dito, biliis! Kwentuhan mo 'ko tungkol sa buhay ko. Aha, tagal ko ring nawala no!"}

"Okay, fine. Text mo 'yong address sa'kin. I'll see you in a bit, Rj. Love you!" huling sabi ko bago i-end ang tawag.

"Pupuntahan mo siya?" he asked habang hinahaplos 'yong buhok ko.

Tumango ako. "Yeah. Miss ko na rin 'yong lokaret na 'yon eh." sabi ko. "Hindi pa ba okay 'yong merienda natin? Medyo namiss ko rin kasi 'yong luto mo eh. Hihihi." dugtong ko.

Tumawa siya at pinisil ang ilong ko tapos tumayo na kami. Pinaupo niya 'ko do'on sa may dining tapos maya-maya lang, may nilapag siyang Mac and Grilled Cheese sa harapan ko kaya kuminang ang mata ko.

Pumikit ako at inamoy ang mabangong amoy na 'yon, narinig ko namang tumawa ang loko.

"Baka gusto mong kainin? 'Wag mo lang singhutin 'yan." sabi niya at umupo sa upuan.

Habang kumakain kami, nag-aasaran lang kaming dal'wa. Ang lakas ko raw maghilik, mabilis mapagod, baliw, gan'to, gan-yan.

Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko 'yong pinagkainan ko. Nagtalo pa nga kami ni James na siya na raw ang maghuhugas pero dahil maganda ako, ako ang nanalo sa kanya at ang naghugas.

The Bachelor's MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon