TBM - 7

2.6K 34 2
                                    

CHAPTER 7

Nandito kami ngayon sa kotseng dala ni James. Diretso siyang nakatingin sa daan habang hawak ang kamay ko.

"James, sa'n tayo pupunta?" tanong ko. Medyo nahihilo na kasi ako dahil sa tagal ng biyahe namin.

"Sa Strawberry Farm. Ang tagal na nung huling punta ko do'n eh." sabi niya.

Nanlaki naman 'yung mata ko. "Strawberry Farm?! Oh my gosh, excied na 'ko, kyaaaaaaaaah! Bilisan mo na mag-maneho, biliiis!" masayang sabi ko at inuga-uga siya.

"Woah, Kyle Allison Girlberton, relax. Darating at darating rin tayo do'n, matulog ka na muna. Medyo malayo-layo pa 'yon." sabi niya at hinalikan 'yung kamay ko.

Sinandal ko naman 'yung upuan para makahiga ako. Bago ako pumikit, bumango ulit ako at tumingin sa kanya.

"James, gisingin mo 'ko, ah! 'Pag hindi---"

"Oo na, gigisingin kita, 'wag ka mag-alala. Gusto rin naman kitang makitang masaya kahit papa'no." sabi niya.

Tumawa ako. "Okay, yiee! Excited na 'koooo! Lalala ~"

***

"Kyle Allison, gumising ka na. Kyle Allison, gumising ka na. Kyle Allison, gumising ka na. Kyle Allison, gumising ka n----"

"Oo na, 'eto na. Gising na 'ko, 'wag ka na kumanta." natatawang sabi ko.

Oo, kumanta siya. 'Yung Kyle Allison, gumising ka na chuchu, parang ano lang, paa, tuhod, balikat, ulo.

Pagkatapos kong mag-unat-unat, sinabit ko na 'yung shoulder bag ko sa balikat ko tapos bumaba na ng kotse.

Sisigaw na sana 'ko ng Finally, nakapunta rin ako dito! kaso nilibot ko 'yung paningin ko at wala akong makitang farm.

Sakto namang nilapitan ako ni James. "Hoy, Sandrick, akala ko ba sa Strawberry Farm? Eh wala naman akong makitang farm, ah." malungkot at naiinis na sabi ko.

Tinaas niya 'yung kilay niya. "Inis ka na niyan?" nangaasar na tanong niya.

Umirap naman ako at bumuntong hininga. "Malamang, oo naman! Excited na excited ako kanina nung nasa kotse tayo tapos iba naman pala 'yung pupuntahan natin! Nakakain---" obvious naman na hindi ko natapos 'yung sasabihin ko dahil tinakpan niya 'yung bibig ko.

Nang tumigil ako sa pagsasalita, tinanggal niya 'yung kamay niya sa bibig ko at nilipat 'yon sa kabilang balikat ko. In short, inakbayan niya 'ko.

"Masyado kang impatient." sabi niya tapos naglakad na kami.

Nang malagpasan namin ang dal'wang lane ng kotse sa harap namin, halos mapanganga ako nang makita ko 'yung hinahanap ko kanina.

"Finally, nakapunta rin ako dito.." dapat sigaw 'yan eh. Kaso, dahil sa sobrang saya ko, napaiyak ako at napabulong na lang.

Nilingon ko si James na nakatingin sa'kin habang nakangiti. Nginitian ko rin s'ya at niyakap siya.

Grabe, tears of joy. Hindi ko na naisip na makakapunta pa 'ko sa lugar na 'to dahil nga naghirap na 'ko.

Bumitaw ako sa yakap ng nakangiti. Pinunasan ni James 'yong luha ko sa pisnge ko at hinalikan ako sa noo.

Hinawakan ko 'yung kaliwang kamay niya gamit 'yung kaliwa ko. Nilapat ko 'yung kanang kamay ko sa kaliwa niyang pisnge at hinalikan siya sa pisnge. "Thank you." bulong ko.

The Bachelor's MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon