TBM - 11

2.1K 32 3
                                    

CHAPTER 11

"'Eto na kaya 'yong bahay niya?" tanong ko sa sarili ko nang itigil ni James ang sasakyan niya sa harap ng isang maliit na bahay.

Inayos ko 'yong mga gamit ko at bumaba na ng kotse niya, James did the same as well.

"Sa tingin mo, James. 'Eto na ba 'yong bahay ni Rj?" tanong ko. Pero no'ng maalala kong naiinis nga pala ako sa kanya, I didn't wait for his answer at lumapit sa pintuan ng bahay.

I pressed the door bell. In just a few seconds, the door opened.

"Oh my gosh, Rj!" I exclaimed at niyakap siya.

Narinig kong tumawa siya pero niyakap niya rin naman ako pabalik.

"Gaga kang babae ka, nagulat ako sa'yo!" sabi niya at mahinang pinalo 'yong likod ko.

"Sorry na, aba. Eh sa miss na kita eh!" masayang sabi ko at hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

Nagbitaw kami sa yakap, then napalingon siya sa likod ko. No'ng una, mukhang nagulat siya pero ngumiti rin, tapos tumingin siya sa'kin. He's behind me nga pala.

"Ka-ano-ano mo si pogi, babaita ka?" she whispered, natawa naman ako.

Pinalapit ko si James sa'kin. Bago pa 'ko magsalita, naunahan na niya 'ko. "James Sandrick Alcantara, Kyle Allison's ever handsome boyfriend." he said while smiling from ear-to-ear then nilahad niya 'yong kamay.niya.

Natawa naman si Rj. "Reljane Nicole Bantalyo, Kyle Allison's very beautiful bestfriend." she said and nakipag-shake hands kay James.

Tahimik lang ako habang tinitignan silang dal'wa. Tinignan ko si James, still smiling from ear-to-ear.

Ilang minuto na ang lumipas, magkahawak pa rin sila ng kamay. Pansin kong gusto nang bumitaw ni Rj pero mukhang ayaw bitawan ni James 'yong kamay niya.

"Alam niyo, kung wala kayong balak magbitaw, mauuna na 'kong pumasok." sabi ko at pumasok na sa bahay ni Rj.

Wala pang limang segundo ay pumasok na silang dal'wal. At talagang tumatawa pa sila, ah? Ano kaya ang pinag-usapan nila?

"Guys, wait up, okay? I'll prepare merienda. Feel at home." she said while smiling at pumunta na ng kusina.

James sat beside me at inakbayan ako. Kinakausap niya 'ko pero hindi ko siya pinapansin. Bahala siya d'yan.

Later on, tumigil na siya at dinistansya.ang sarili niya sa'kin. After a few, bumalik na si Rj na my hawak na tray, and it looks like nahihirapan siyang bitbitin 'yong mga 'yon. I was about to stand up para matulungan siya pero naunahan na naman ako... ni James.

"Let me help you with that. Shunga mo kasi, ang dami mong nilagay. Dapat unti-unti lang, para hindi ka na mahirapan." he said at kinuhat ang tray mula kay Rj.

Mahinang tumawa si Rj. "Maka-shunga naman 'to. But, thanks, James." she said. In-expect ko na sasagutin siya ni James pero kinindatan niya lang ito.

WHAT THE HELL? ANG LANDI NIYA!

I secretly rolled my eyes. Nang mailapag ni James 'yong tray sa center table, kuminang ang mata ko.

Cheesecake stuffed oreo and mango shake? Naalala ko tuloy 'yong highschool days namin ni Rj, sa Alvarez University pa kami nag-aaral no'n. Ito 'yong palagi naming binibili sa canteen noon.

Well, back when I was in.highschool, hindi ako palakain. Bumibili lang ako noon sa canteen para walang makahalata na may sino-stalk kami. Si---

"You remembered something, aye?" she said. Natawa na lang ako at kumuha no'ng cheesecake.

"Rj---" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sumabat siya.

"Oh please, Gilberton. Stop calling me Rj. Parang pang-boy eh. Reljane will do, baby." she said sweetly.

I rolled my eyes. "Arti much? Ewan ko sa'yo! But, fine. Reljane na lang ang itatawag ko sa'yo." sabi ko.

Sa pagkaka-alam ko, the reason why I'm here, is to catch up with my bestfriend. Pero bakit parang naging chaperone ako?

Naubos ko na 'yong mango shake ko, sila pa rin ang magkausp. Nag-cellphone na lang ako. Pipindotin ko na sana 'yong Talking Angela pero may biglang nagtext.

From: Unknown Number
Hey. It's been years, aye? I miss you, Ally.

Nang mabasa ko 'yong text na 'yon, parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Siya kaya 'yon?

To: Unknown Number
Ricky Fernandez?

I swallowed hard. It's been years since we last saw and talked to each other. And, he's the only.one who calls me Ally.

From: Unknown Number
Good thing you still remember me. How are you?

Sasagutin ko ba or no?

I shooked my head. Nilagyan ko ng pangalan ang contact niya. Ricky Fernandez...

To: Ricky Fernandez
Uhm... I'm good. Ikaw?

I replied. Hindi naman siguro mukhang naa-awkward-an ako, noh?

From: Ricky Fernandez
Still handsome and hasn't yet moved on. I still love you, Ally.

Nng mabasa ko 'yong text niya, parang bumalik lahat ang mga ala-ala noon. Kung ga'no kami kasaya.

Ricky Fernandez is my ex-boyfriend. And, I think, he's the reason why I can't love James back.

After a few minutes, nag-text ulit siya.

From: Ricky Fernandez
Sorry, I can sense that you felt awkward. Anyway, can we have dinner tonight?

Nang mabasa ko na naman ang text niya, I smiled. Na-realize ko na lang bigla na pumayag ako sa alok niya, 7pm at sa Xin Tian Di kami magkikita, our favorite Chinese Restaurant, na favorite rin ng mag-amang Alcantara.

I smiled. Oh my gosh, kailangan ko nang umuwi. Mag-aayos pa 'ko! Hindi dapat ako magmukhang mahirap sa harap ni Ricky!

I took a glance on my watch and.. 5.30 pm na kaya I quickly grabbed my bag at tumayo na.

"Reljane, I have to go. Magdi-dinner nga pala kami ni... no'ng friend ko noon ng 7pm. Kailangan ko pang mag-freshen up." I said habang inaayos ang gamit ko.

Napansin ko na lumungkot 'yong mukha ni James, pero hindi ko na lang pinansin.

"Ay, sayang naman. Sabi pa 'man din sa'kin ni James kanina, hindi kayo magtatagal kasi yayayain ka raw niya mag-dinner." sabi ni Reljane. Napatingin ako kay James pero iniwas ko rin agad ang tingin ko.

"Kayo na lang 'yong mag-dinner. Tutal, mukhang nagka-sundo na naman kayo at natutuwa kayo sa presensya ng isa't-isa. Okay lang naman sa'kin, I won't get jealous." I said.

I heard James sigh. "Sabay na tayo. Reljane, mauna na kami." sabi niya at kinuha 'yong bag ko.

Umabot ng limang minuto 'yong pagsabi ko ng good bye sa kanya. Sabi ko, babalik rin ako dito sa susunod. Eh hindi naman kasi kami masyadong nagkausap, 'di ba?

"Sinong kasama mo mag-dinner?" James asked habang nasa kotse kami.

"Uhm.. F-friend ko no'ng highschool at college." sabi ko.

Tumango-tango siya at hindi na sumagot. Che, bahala siya d'yan. Do'n na siya kay Reljane, tutal, type niya naman 'yon eh. Hmp.

Nang makarating kami sa tapat ng unit namin, he suggested na ihatid ako, tumanggi ako. Basta, ayokong makita niya si Ricky.

Pagkapasok ko sa unit ko, tinignan ko 'yong sarili ko sa salamin.

I sighed. "Can't wait to see you again, Ricky."

==============================

Ate Reljane! hi! Ayan, sinali na kita! hahaha! anw, ricky fernandez? hmmmmm....

Julia Montes as Reljane Bantalyo

Anong mangyayari sa dinner nina Kyle at ng ex-boyfriend niya na si Ricky?

Sorry, short update lang. Hahaha! Babawi ako sa ibang chapter. And sorry rin kung natagalan ako sa pagupdate. Kakagaling ko lang sa isang lugar kung saan walang internet. At kung magkainternet man, sobrang hina.

-Claii

The Bachelor's MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon