TBM - 37

1.9K 34 2
                                    

CHAPTER 37

Two months later

"Hon, gising na, bilis!"

Kunot-noo akong napamulat dahil sa panggugulo ni James. Pumikit lang ulit ako at nagtaklob ng kumot.

"Honey pie ko, wake up ka naaa!" sabi niya habang hinihila 'yong kumot ko.

Natawa naman ako sa tinawag niya sa 'kin kaya nilingon ko rin siya pero hindi ako bumangon. "Good morning, Hon." sabi ko at nginitian niya.

Ngumiti rin siya. "Good morning rin. Bangon ka na d'yan, Hon. Pleaaaase? Kain na tayo tapos maliligo para maka-alis na tayo. Sige naaa." pangungulit niya at dumapa na sa kama. Pinatong niya 'yong baba niya sa kamay niya at nag-pout.

I chuckled and pinched my boyfriend's cheeks. Mahina lang naman para hindi siya mainis. "Ang cute cute mo, Hon. Nakakagigil, hihihi." sabi ko sa kanya.

Kumunot 'yong noo niya pero nakanguso pa rin. Hinawakan niya 'ko sa pulso at hinalikan 'yong palad ko. "Hindi ako cute, Hon. Gwapo ako. Iba ang cute sa gwapo." he chuckled.

Tumawa ako at mahina siyang sinampal sa pisnge. "Hoooon! Bangon ka na, bilis! Gusto ko ng umalis!" sabi niya.

"'Eto na, 'eto na, babangon na. Mas excited ka pa sa 'kin eh." sabi ko at bumangon. Inalalayan niya naman ako kahit papa'no.

"Hmp, excited na talaga 'ko kaya kilos kilos din 'pag may time." sabi niya at tinayo na 'ko.

"Ligo ka na, Hon. Do'n na muna 'ko sa baba para mabilis." sabi niya. Hinalikan niya muna 'ko sa noo bago siya bumaba.

Napangiti ako. Ang cute cute ni Tatay James. May check-up kasi ako ngayon. At halata naman na mas excited pa si Tatay kaysa kay Nanay.

Babawi raw kasi siya ngayon dahil hindi siya nakasama no'ng last check up ko dahil may business trip siya sa Europe kaya si Reljane ang kasama ko magpa-check up. Medyo hindi rin halata na buntis ako dahil sexy pa rin ako, tumaba lang ng konti kaya hindi nahahalata ni Tita Sam.

***

"We're goin' on a trip, on our favorite rocket ship. Comin' through the sky, Little Einstein! ~"

Ano? Iniisip niyo, ako 'yan? Hindi noh. Si James 'yan. Ewan ko ba d'yan. Siguro 'pag excited siya... ewan!

Gusto ko sana siyang sabayan kaso I'm busy eating my green apple kaya mamaya na lang. May sliced watermelons pa 'ko na nasa container na nakapatong sa mga hita ko.

"'Ayan na, malapit na tayooo. ~" masayang sabi niya. Tinignan ko 'yong dinadaanan namin, malapit na nga kami. Alam niya rin kasi 'yong clinic na 'yon.

Nang itigil niya 'yong kotse sa harap ng clinic, agad siyang bumaba at pinakbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya 'ko bumaba. Bitbit niya 'yong bag ko tapos hawak niya naman 'yong free hand ko.

"Kinakabahan ako, Hon. Wooh! 'Wag na lang pala tayo tumuloy." sabi niya.

"'Wag ka nga! Excited na excited ka kanina eh. Tara naaa! Para makita mo na si Baby natin!" sabi ko at hinila siya papasok.

"Hi, Zoilaaaaaa!" bungad ko sa kanya.

"Omg, hi! Namiss kita!" sabi niya at niyakap ako.

Pagkabitaw naming dalawa sa yakap, hinila ko si James. "Zoila, si J---"

"James Sandrick Alcantara, I know him. Taray mo, girl! 'Di ko in-expect na siya boypreng mo." sabi niya.

The Bachelor's MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon