TBM - 4

3.3K 46 1
                                    

CHAPTER 4

Nagising ako dahil sa malakas na ringtone ang naririnig ko. Minulat ko naman 'yung mata ko and then I saw the handsome face of James Sandrick.

Napalayo ako ng kaunti, ramdam ko na kasi 'yung hininga niya, one inch na nga lang ang pagitan ng mukha namin eh.

Tumutunog pa rin 'yung nakakairitang ringtone ni James kaya kinuha ko 'yung cellphone niya sa ilalim ng unan niya. Medyo pahirapan sa pagkuha pero nakuha ko rin naman. Bago ko patayin 'yung alarm niya, na-realize ko na weekday nga pala ngayon, may pasok kami.

Bumangon ako at kinusot-kusot 'yung mata ko. Aalis na sana ako sa kama niya pero naka-dantay pala 'yung binti niya sa'kin. Sinubukan kong alisin pero ang bigat pala ng binti niya. Tuwing sabado kasi nasa gym, nagwo-work out. Puro maskels tuloy siya. Sumasama naman ako, nagwo-work out rin ako eh.

"James.. James, gising na. May pasok pa tayo." sabi ko habang niyuyugyog siya. Nagising naman agad siya. "Ha? Bakit? May problema?" tanong niya at bumangon rin.

"Wala, may pasok pa tayo, gumising ka na d'yan." sabi ko. "Tsaka, paki-tanggal 'yung pagkaka-dantay ng binti mo sa'kin. Mabigat siya, promise." dugtong ko.

Nang maka-tayo na kami parehas, nag-inat-inat tapos lumabas kami ng kwarto niya. "Tara na." sabi niya at hinawakan ako sa bewang.

Nawala naman 'yung antok ko dahil sa sinabi niya. "Ano'ng tara na? Pupunta na tayo sa opisina? Hibang ka na ba? Naka-boxers ka lang tapos ako naka-suot ng tshirt mo tapos----"

"Huy, chill. Ihahatid lang kita sa condo mo. Baka may manyak na naka-abang sa'yo sa labas eh." sabi niya at minasahe 'yung noo ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag at pinitik siya sa noo. Magsasalita pa sana ako pero binuhat niya 'ko bigla. Hindi bridal style ha, binuhat niya ako na parang sako!

"Hoy, lanjo ka, James! Ibaba mo 'ko!" sabi ko habang nagpupumiglas pero hindi niya 'ko pinansin. Hindi na lang ulit ako nagreklamo. Hindi na siya namansin eh.

Alam niya 'yung password sa condo ko kaya madali kaming nakapasok sa loob. Hiniga niya ko sa sofa at pumatong sa'kin ang loko.

"Bilisan mo maligo at maghanda, 'pag tapos ka na at hindi pa kita kinakatok, ikaw na lang ang pumunta sa condo ko, okay? Alam mo na naman ang password ko. 'Wag kang kakain ng breakfast, sabay na tayo kumain sa office, okay?" sunod-sunod na sabi niya.

"Opo, boss." sabi ko at ngumiti. Nginitian niya rin ako at hinalikan ako sa noo bago siya bumalik sa condo niya.

Pagka-alis niya, hinanda ko na 'yung gamit ko. Kinuha ko 'yung towel ko bago pumasok sa banyo. Ayoko namang maglakad ng nakahubad dito sa condo ko pagkatapos ko maligo.

Pagkatapos kong maligo, mag-bihis, mag-suklay, at mag-toothbrush, umupo na muna ako sa sofa. Tinignan ko 'yung phone ko kung may nag-text or nag-missed call, pero mabuti naman at wala. Tiniklop ko na muna 'yung damit ni James na ginamit ko bago umalis sa condo ko.

Kinuha ko 'yung gamit ko at pumasok sa condo niya. Nadatnan ko naman siyang inaayos na lang 'yung gamit niya. Nang makita niya 'ko, lumapit siya sa'kin at hinalikan ko sa labi tapos bumalik siya sa ginagawa niya. Gawain niya 'yan, kaya sanay na din ako. Pero minsan, pinipigilan ko kasi sobra na siya.

"Wala ka na bang naiwan? Kumpleto na 'yung gamit mo?" tanong niya habang naglalakad, may hinahanap 'yata siya.

"Yes, boss. Kumpleto na po ang aking gamit, wala na po akong naiwan." sabi ko habang naka-upo sa sofa niya na pang-isahan lang.

The Bachelor's MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon