Epilogue

4.5K 43 5
                                    

EPILOGUE

"Tulog na, baby kong mahal. Baby kong love ko, tulog na." pagkanta ni Kyle habang nagsi-sway.

Nakataas ang kilay ni James nang pumasok siya sa kwarto nila. Ano na namang ginagawa niya?

"Hon, I'm home." pagod at masayang sabi ni James.

Nakangiti siyang hinarap ni Kyle. He expected na yayakapin siya agad nito pero buong pag-iingat munang nilapag ng nobya ang hawak niya sa crib.

"Hoooon. ~" mahinang sabi niya at niyakap si James. Kunot-noong humiwalay si James sa yakap at tinignan 'yong nilapag ng nobya sa crib. He sighed nang makita niya kung ano 'ng nakalagay do'n.

"Kyle---"

"Ang ganda niya, 'no? I made her new clothes kanina. Wala kasi akong mahanap na size niya sa department stores." nakangiting sabi ni Kyle.

James sighed once again at binuhat 'yong nasa crib habang nakahawak sa paa nito.

"James, ano'ng ginagawa mo?!" Kyle angrily said. Sinubukan niya itong kunin mula kay James pero mas lalo nitong nilalayo.

"James, baka mamatay 'yong anak natin!" she screamed. She started crying.

Binato 'yon ni James at mahigpit na hinawakan si Kyle sa magkabilang balikat. "Hon, patay na ang anak natin. At higit sa lahat, wala tayong anak na manika!" galit na sigaw ni James.

Mas lalo siyang umiyak. "No! She's not dead! Hibang ka na ba?" sabi ni Kyle habang nagpupumiglas.

Nang mabitawan siya ni James, agad niyang niyakap ang manika. Few seconds later, James took the doll away from her at tinapon sa may bintana ang manika.

"Noooo! 'Yong baby ko!" hagulhol ni Kyle at napaupo sa sahig. Umiyak rin si James dahil sa ginagawa at nangyayari sa girlfriend niya.

Umupo rin siya sa sahig and hugged her from behind. "Hon, ano'ng nangyayari sa 'yo?" umiiyak na tanonh niya.

She didn't answer. Patuloy lang siya sa pag-iyak. Suddenly, naalala ni James ang sinabi ng doctor sa kanya.

.

"Mister Alcantara, you better take care of your girlfriend especially 'pag umuwi na kayong dalawa. Pwedeng magkaro'n ng mental disorder si Kyle dahil sa pagkamatay ng baby niyo."

Napasinghap siya. "A-ano po bang symptoms ng mental disorder, Doc?" he asked while shaking.

"Kung madalas siyang tulala, nagsasalita mag-isa. 'Yong ang pinaka-main symptoms ng mental disorder. Ipagdasal natin na hindi siya magkaro'n ng mental disorder dahil baka kung ano pa ang gawin niya. Baka isipin pa niya na buhay pa ng baby niyo."

.

Nakatulog si Kyle habang nakayakap sa likod niya si James. She carried her to bed at tinabihan niya ito.

"Kahit ano'ng kalagayan mo ngayon, mahal pa rin kita." sabi ni James at hinalikan ang tuktok ng ulo ng nobya.

***

Mabilis na bumangon si James when he heard Kyle's sobs. Nakita niya itong umiiyak sa sulok ng kwarto nila.

"Hon.." he whispered at nilapitan ang girlfriend niya.

The Bachelor's MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon