TBM - 8

2.4K 45 3
                                    

CHAPTER 8

Huminga muna ako ng malalim bago katukin si James sa condo niya. Hindi ako basta-bastang pumasok dahil sa ibang pakikitungo niya sa'kin, baka pagalitan pa 'ko no'n.

*tok*tok*tok*

"Uhm.. James?" sabi ko.

Nakarinig naman ako ng mga yabag papunta sa pinto kaya inayos ko 'yung sarili ko. Baka kasi magulo 'yung buhok ko or what.

Pagkabukas ng pinto, nang makita niya 'ko, kumunot 'yung noo niya. Nanlaki naman 'yung mata ko kaya tumalikod na lang ako. Ita-type ko na sana 'yung password ng unit ko pero nahawakan niya 'ko sa braso at hinila papasok ng condo niya.

"Ano'ng nangyari sa'yo? Nakakatakot ba itsura ko? Sa pagkakaalam ko kasi, gwapo ako, dapat kinikilig ka!" natatawang sabi niya.

Tumaas ang kilay ko. "Kaya lang naman ako bumalik kasi kumunot 'yung noo mo eh. Naisip ko na baka ayaw mo 'kong nandito." sabi ko tapos yumuko.

Hinawakan at inangat niya 'yung baba ko tapos tumingin siya sa mata ko. "Bakit mo naman naisip 'yon? Eh gusto ko nga, dito ka na lang tumira eh. Nagtaka lang ako kaya kumunot 'yung noo ko, hindi mo na ba alam 'yung password ng unit ko?" tanong niya.

"Alam pa naman, 5-9-5-3 pa nga, 'di ba? Pangalan ko pa." sabi ko at pinisil 'yung ilong niya.

Tumatawa siya nang hawiin niya 'yung kamay ko at hawakan ito. Nawala naman 'yung ngiti ko nang may maalala ako.

"Oh, what's wrong?" tanong niya at hinaplos 'yung pisnge ko.

Iniwas ko 'yung mukha ko. "Bakit ang cold ng treatment mo sa'kin no'ng isang araw hanggang sa makauwi tayo kahapon? May nagawa ba 'ko o naiinis ka sa'kin? Sabihin mo sa'kin, James." sabi ko. Hindi ko alam lung bakit parang nagmamakaawa ako sa kanyang sabihin niya sa'kin kung ano'ng problema. Dahil siguro hindi ako sana na gano'n ang pakikitungo niya sa'kin?

Nagbago 'yung facial expression niya tapos tumingin sa mata ko. "Wala, wala kang ginawa. Naiinis ako sa sarili ko, kasi..." nag-iwas siya bigla ng tingin tapos umupo siya sa sofa at binuksan 'yung tv.

Kumunot 'yung noo ko. Ano? Gano'n na lang 'yon? Hindi niya tatapusin matapos niyang simulan?

Padabog akong naglakad palapit sa kanya at pinatay ang tv. Umupo ako sa tabi niya at tinawag siya pero hindi niya ako pinansin, tumingin siya sa ibang direksyon. Ilang beses ko siyang tinawag pero hindi niya talaga ako pinansin. Ilang beses kong hinawakan ang mukha niya at pilit na hinaharap sa'kin pero tinatanggal niya 'yung kamay ko sa mukha niya.

Bumuntong hininga ako at tumayo na. "Hindi mo 'ko papansinin? Bahala ka, edi 'wag tayong magpansinan." sabi ko at naglakad na papunta sa pintuan.

Bubuksan ko na sana pero bigla niya akong hinarap sa kanya at sinandal sa pader. Hinalikan niya 'ko ng madiin, sinundan ko lang ang bawat galaw niya. Hanggang sa maubusan kaming dal'wa ng hininga kaya bumitaw kami sa halik tapos ay niyakap niya 'ko, malapit ang bibig niya sa tenga ko.

"Nagseselos ako. Kasi, 'pag ako 'yung kausap mo sa telepono, ramdam kong hindi ka masaya. Pero no'ng si Rj na 'yung tumawag sa'yo, ramdam ko kung ga'no ka kasaya. Naiinggit ako kasi kahit kailan, hindi kita napasaya ng gano'n."

Kumunot 'yung noo ko nang marinig ko 'yung pangalan ni Rj. What the?

"Kyle, alam kong hindi mo 'ko mahal, pero please, 'wag mo 'kong iwan. Okay lang kahit hindi mo 'ko sabihan ng I love you, 'wag mo lang akong iiwan."

Pahina ng pahina 'yung boses niya habang sinasabi niya ang mga katagang 'yon. Kahit medyo natatawa 'ko, niyakap ko na rin siya at hinaplos 'yung likod niya.

No'ng medyo hindi ko na mapigilan 'yung tawa ko, hindi ko napigilang magtanong. "James, umiiyak ka ba?" tanong ko habang nakayakap pa rin sa kanya.

Naramdaman kong umiling siya pero nakayakap pa rin siya sa'kin. "Pffft---James, may sasabihin ako sa'yo." sabi ko, trying to keep myself cool kahit gustong-gusto ko na tumawa.

"Ano 'yon?" tanong niya tapos sinubsob niya 'yung mukha niya sa leeg ko.

Natawa ako ng kaunti. Nilapit ko 'yung bibig ko sa tenga niya at bumulong. "Babae si Rj, James."

Pagkatapos kong ibulong sa kanya 'yon, humiwalay siya sa yakap namin at pumunta sa kwarto niya. Nagulat pa ako nang padabog niyang sinara ang pinto.

Nagsimula na akong tumawa. "Grabe-hahaha! Nakaya kong-hahaha! Magpigil ng tawa ng gano'n katagal. Hahaha! Oh my gosh, Rj!" tawa ko. Siguro kung nasa lobby ako ng building na 'to, iniisip nila na baliw ako. Hahaha!

Mabilis akong naglakad papunta sa salas at nag-dive sa sofa niya. Tawa lang ako nang tawa do'n hanggang sa hindi na ako makahinga kaya pinigilan ko na, pero natatawa pa rin ako ng kaunti.

Parang lasing ako habang naglalakad palapit sa kwarto ni James. Bubuksan ko na sana 'yung pinto pero naka-lock pala 'yon.

"Jameeeeees..." malambing 'yung tono ko habang sinasabi 'yon pero hindi ko rin mapigilang matawa dahil ang drama niya kanina.

"Go away!" sigaw niya mula sa loob pero ramdam kong nahihiya siya. Kinatok ko ulit siya pero hindi na niya ulit ako pinansin.

"Bahala ka d'yan, James Sandrick. Papasukin kita d'yan, humanda ka!" natatawang sabi ko at pumunta sa may kusina. Nando'n kasi 'yung susi sa kwarto niya.

Nang makuha ko 'yong susi, pinasok ko agad siya sa kwarto niya, nadatnan ko siyang nakatago sa kumot ang may yakap na unan.

Nag-dive naman ako sa kama niya at niyakap siya mula sa likod. Sinubsob ko 'yung mukha ko sa likod niya. "James, 'wag ka na mahiya. Okay lang sa'kin 'yon, promise! Hahaha!" sabi ko pero hindi niya 'ko pinansin. Hmp, snobber.

"James naman eh, mamansin ka na. Kainis 'to. Okay nga lang sa'kin kung nagselos ka kay Rj kahit babae siya." sabi ko.

"Gatong pa, Allison. Sige lang." sabi niya. Nagpanic naman ako dahil baka nagalit siya kaya lumipat ako sa kabila niya kaya magkaharap na kami. Siyempre, tinanggal ko 'yung unan na yakap niya.

"James, bati na tayo, pleaaaase?" tanong ko tapos nag-pout.

Tinignan niya lang ako tapos tumalikod sa'kin. Ay, ano ba 'yan.

"James Sandrick Ronquillo-Alcantara, bati na kasi tayo." sabi ko at niyakap ulit siya mula sa likod. Hindi siya nagsalita.

Nagkibit balikat na lang ako. "Edi 'wag. Alis na 'ko, bye." sabi ko at tumayo na. Palabas na sana ako pero hinila ako ni James kaya magkapatong na kami ngayon. Ako pa ang nasa taas.

Bigla naman siyang umikot kaya ako na 'yung nasa baba. Okay.

"Sorry." sabi niya at hinalik-halikan 'yung leeg ko. 'Eto na naman siya.

I chuckled. "Okay lang. Napaka-seloso mo naman kasi eh." sabi ko at nilagay 'yong dal'wa kong kamay sa batok niya.

"Sorry na. Eh sa mahal kita eh. Gano'n talaga." sabi niya tapos sinimulan niya na akong halikan sa labi.

Inikot ko 'yung magkabilang binti ko sa bewang niya.

"I love you.." he said between our kisses.

Humiwalay siya saglit para ayusin 'yong posisyon namin. Sumandal siya sa headboard, umupo naman ako sa kandungan niya at bumalik kami sa paghahalikan.

Sumagi sa isip ko na baka may mangyaring hindi maganda pero nilagay ko 'yon sa pinakalikod ng utak ko at nilagay sa batok niya ang pareho kong kamay.

Hinahaplos niya ng pataas at pababa ang likod ko. Maya-maya, hinanap niya 'yung laylayan ng tshirt ko nang makita niya 'yon, kumalas siya sa paghahalikan namin at hinila 'yon pataas.

Medyo nahiya ako nang pagmasdan niya ang dibdib ko, pero sumagi sa isip ko na parang hinahangaan niya ang simpleng itim na bra ko.

Hinalikan ko rin agad siya dahil masyado na akong nahihiya dahil do'n. Hinila ko pataas ang tshirt niya hanggang sa napunta na sa sahig 'yon.

Bumalik kami sa paghahalikan matapos ang hubarang naganap. Hahaha lol. Tatanggalin niya na sana ang hook ng bra ko pero may kumatok kaya naghiwalay agad kami.

Kanya-kanya kaming suot ng tshirt at lumabas ng kwarto niya. Umupo ako sa sofa at binuksan ang tv, umaarteng parang walang nangyaring halikan sa kwarto niya.

Binuksan niya 'yung pinto, sumilip ako mula sa sala at nakita kong babae 'yon. Pero after ilang minutes, sinara niya 'yung pinto.

"Sino raw 'yon?" tanong ko nang makalapit na siya sa'kin, pero hindi siya umupo sa tabi ko.

"Wala, maling room lang 'yong kinatok." sabi niya. Tumahimik kaming dalawa.

AWKWARD SILENCE.

Maya-maya lang, binasag niya 'ang awkward silence na namamagitan sa'min.

"Uhm.. Balik ka na lang bukas, Kyle." sabi niyabat hinila ako patayo. Kumunot naman 'yung noo ko.

"Ayaw mo na 'ko dito?" malungkot na tanong ko.

"Hindi, gusto pa kitang kasama dito sa unit ko. Kaso kapag ginawa natin 'yon, we might end up fully naked in bed." diretsong sabi niya.

Nanlaki naman 'yung mata ko at naglakad palabas. Pero bago ako tuluyang makalabas, bumalik ako at binigyan siya ng smack sa labi tapos pumunta na ng unit ko, leaving him shocked with eyes wide open.

Pagkasara ko ng pinto, umupo ako sa sofa. Bigla naman akong napangiti nang maalala ko siya.

"Mahal ko na yata 'yong lokong 'yon."

==============================

Help Kyle, she's falling. Lololo keleg ako. Hahaha! Btw, sino si Rj? ;)

Double update dahil kinikilig ako ngayon! Hahaha!

Next Update: 5 votes and 3 comments

-Claii

The Bachelor's MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon