TBM - 33

2.1K 41 3
                                    

CHAPTER 33

It's been a month since that oh-so-called 'space' happened, and I can say na mas lalong naging sweet si James sa 'kin.

Today's saturday at nandito ako ngayon sa isang clinic, nagpapa-check up. Duh? Of course, may napapansin rin akong changes sa sarili ko. Craving for foods, may morning sickness, and delayed ang menstration ko.

There's a 99% chance na I'm pregnant, and I'm excited to find out kung buntis ba talaga 'ko.

Nakabalik na rin pala sa trabaho si Tito Jacob kaya back to normal na kami ng boyfriend ko. May time na ulit siya para sa 'kin. But,right now? May meeting sila, tsaka, ayoko na munang magpa-check up kasama si James. Kung buntis nga ako, gusto ko siyang ma-surpresa.

Nang tawagin ako ni doctora, nakangiti akong pumasok sa opisina niya. At natuwa ko ng makita ko rin siyang nakangiti.

"Congratulations, Kyle. You're 6 weeks pregnant."

***

"But you never felt the same, time may pass us by but you stayed stuck on my mind, and the moment we stared that nig--ay!"

Napatigil ako sa pagkanta dahil may yumakap sa likod ko, nabitawan ko tuloy 'yong isasampay ko.

"James, 'wag kang basta-basta manggugulat! 'Yan tuloy, nahulog 'yong tshirt. Bagong laba pa 'man din." sabi ko at pinulot 'yong nahulog na damit.

"Hon naman, kakabalik ko lang galing opisina, sermon agad? Kiss mo muna ako." sabi niya at ngumuso.

Natatawa akong umirap ako tinulak ang mukha niya palayo kaya napabiyaw rin siya sa bewang ko. Nakita ko siyang napa-kamot ulo kaya natawa na lang rin ako.

"Tulungan mo nga 'ko, Hon. Para mabilis matapos." sabi ko sa kanya.

He rossed his arms. "Pa'no kung ayoko?" he said then he smirked.

I faced him and raised my eyebrow, pero tinuloy ko na ulit ang ginagawa ko. "Fine, wala ka ng kiss habang buhay." sabi ko at nagkibit balikat.

Mabilis naman siyang pumunta sa tabi ko at kumuha ng damit at hanger. "Sabi ko nga, tutulungan kita magsampay. Ang kulit mo kasi, Hon, ayaw mo pang tulungan kita kanina eh." sabi niya tapos umiling-iling.

Natatawa 'kong umiling at hinalikan siya sa pisnge. Sandali siyang napatigil at napangiti ng abot tenga pero tinuloy niya lang ulit 'yong ginagawa niya.

Naghaharutan kami the whole time sa labas habang nagsasampay. Masyado kaming nag-enjoy sa pagsasampay kaya 'di namin masyadong napansin 'yong oras. Malapit ng magdilim bago namin naisipang pumasok sa loob ng bahay.

"Ang tagal pala natin sa labas." sabi niya pagkatingin niya sa wall clock.

"Masyado kasi tayong nag-enjoy." sabi ko at pagod na umupo sa sofa.

Umupo siya sa tabi ko. Inakbayan niya 'ko at pinasandal sa balikat niya. He kissed the top of my head bago siya magsalita.

"Sabay tayo kumain ng dinner, ah?" sabi niya.

Mabilis naman akong tumayo. "Ay, oo nga pala. Sige, magluluto lang ako." sabi ko. Pupunta na sana 'ko sa kusina pero hinawakan niya ang kamay ko at inilingan niya 'ko.

"Magpahinga ka, ako naman ang magluluto." sabi niya.

Umiling ako at nagreklamo. Gusto ko kasi ako magluluto. Pero dahil sa kakulitan ko, binuhat niya 'ko ng bridal style at hiniga ako sa kama ko sa kwarto.

Tatayo sana 'ko pero pumaibabaw siya sa 'kin. Naka-push up position siya kaya hindi niya naiipit ang tiyan ko.

He gave me a peck on the lips. "Matulog ka, Hon, okay? Gigisingin na lang kita 'pag kakain na. I love you." sabi niya. Hinalikan niya ulit ako bago lumabas ng kwarto ko.

The Bachelor's MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon