TBM - 25

2.2K 39 4
                                    

CHAPTER 25

"Ngumiti ka naman, Kyle." bulong sa 'kin ni Matt.

Ngumiti ako ng tipid at humarap sa mga camera. Today is Tippy's 18th birthday. Matt asked me to be his date so I said yes without hesitating. Pambawi ko na rin sa kanya 'to dahil palagi niya 'kong pinapasaya.

Umupo kami sa table na naka-reserve para sa 'min. Me, Reljane, and James' friends. Si James lang ang wala dito dahil siya ang escort ni Tippy.

Inasar pa nga nila kami ni Matt dahil sabay kaming pumunta dito. Kesyo bagay daw kami and so. Hindi siguro nila alam na ex-girlfriend ako ng kaibigan nila. Or alam rin ni Eros. Anyway, I bet, inasar rin nila si Reljane at Eros dahil sabay rin silang dumating. Sinundo kasi ni Eros si Reljane kanina sa bahay, kilig na kilig naman ang loka.

At dahil nga magkakasama kami sa isang table, kilala ko na silang lahat.

Si Anton, 'yong englisherong cool magsalita na may girlfriend na Clarissa ang pangalan.

Si Eros, 'yong gwapong tisoy na kinababaliwan ni Reljane.

Tapos si Jomari, 'yong kaibigan nilang slow at palagi nilang inaasar. Tawa nga kami ng tawa ni Reljane dahil ang lakas mang-asar nila Matt. Pero, may girlfriend siya, si Jemina, Jem for short.

Nag-start na g ceremonials. After that, win-elcome na si Tippy. Aaminin ko, medyo napanganga ako ng kaunti dahil sa ganda niya. She looks so gorgeous wearing a purple gown, bagay na bagay sa kanya. Syempre, ako nagdesign n'yan, eh.

She's smiling like there's no tomorrow habang naglalakad siya pababa ng hagdan. When she saw me looking at her, kinawayan niya 'ko, nginitian ko lang siya. Alangan namang magsalita ako, eh hindi niya naman ako maririnig.

Sinalubong siya ng yakap ng daddy niya. Ang alam ko, daddy niya 'yon, Diego 'ata ang pangalan. Then after their yakapan moment, pinasa na siya kay James at nakangiti nilang niyakap ang isa't isa.

Umiwas ako ng tingin, naramdaman ko namang pinisil ni Matt at Reljane ang magkabila kong kamay. Nginitian ko sila. "Don't worry, I'm fine." sabi ko at binalik ang tingin ko kila James at Tippy.

"Good evening, everyone. This is Stephanie, speaking. Thank you all for coming here, I hope you enjoy the rest of the night." nakangiting sabi niya kaya nagpalakpakan ang mga tao. Stephanie pala ang totoo niyang pangalan, kaya pala 'Stephanie @ 18' ang nakalagay sa may.invitation.

Marami pang ka-ek-ek-an ang nangyari and I'm too lazy para sabihin ang lahat ng 'yon. Suddenly, I remembered my debut. Mas engrande pa dito 'yon. And of course, Ricky was my last dance because he's my boyfriend that time.

Napatingin naman ako kay Matt nang sikuhin niya 'ko. "Mukha kang tanga, ba't ka ngumingiti mag-isa d'yan?" tanong niya.

Inirapan ko siya. "Naalala ko lang 'yong debut ko." sabi ko at tumingin ulit sa may stage.

Then 18 roses na.

Of course, una 'yong mga relatives niya. Tapos after the 10th rose, mga friends na 'ata niya. Her 16th rose was her brother, 17th was her dad. After dancing with her father, pinasa siya kay James.

Nakangiti siyang hinawakan ni James sa bewang at hinawakan ang kamay niya. Pinatugtog ang Breakaway dahil ito raw ang favorite song ni Tippy.

Masaya silang nagsasayaw sa may stage. Medyo may kumirot sa dibdib ko, pero hinayaan ko na lang 'yon at pinanood silang dalawa.

No'ng patapos na 'yong kanta, nagyakap silang dalawa sa may stage. Naramdaman kong pinisil na naman ni Matt at Reljane 'yong kamay ko, si Eros naman, napatingin sa 'kin. Nginitian ko silang lahat.

Nang matapos ang kanta, saka sila bumitaw sa yakap and he kissed the tip of her nose. Hinawakan niya ulit ang kamay ni Tippy at hindi na binitawan 'yon.

At do'n na 'ko nag-breakdown. Binulungan ko si Matt. "Promise me, hindi mo 'ko susundan. Lalabas lang ako, I'll try to comfort myself."

He cupped my cheeks at pinunasan niya ang luha ko. "Okay. Just promise me you won't this place without me." sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Tumayo ako at tumakbo palabas. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko kaya may nabunggo akong waiter. Nabasag ang mga baso na nakalagay sa tray niya, kaya napunta lahat sa 'min ang atensyon. Shit, they can't see me crying.

"Sorry, Kuya. Hindi ko po sinasadya." sabi ko at tumakbo na palabas.

Pumunta ako sa may garden at umupo sa isang bench at do'n nagsilabasan ang lahat ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

***

Pagkatapos kong umiyak, pinakalma ko ang sarili ko. Ayokong makita nila akong umiiyak. Baka isipin nila, mahina ako, which is not. Malakas ako. Malakas ako. Malakas ak---

"Kyle.."

Napatingin ako sa nagsalita, pero agad rin naman akong nag-iwas tingin.

"Ano 'ng ginagawa mo dito? Bumalik ka do'n sa loob. Tippy needs you, baka magalit siya." sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"She'll not. She's the one who forced me to follow you. Bakit ka umiyak?" mahinahong tanong niya. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko, lumayo ako ng konti.

Huminga ako ng malalim. This is the moment of truth.

"Do you still remember our break up?" tanong ko sa kanya, still not looking.

I didn't wait for his answer. "You saw me, kissing Ricky. Pero bago mangyari 'yong halikan na 'yon, he asked me, kung mahal ko pa rin siya. Sabi ko, mahal ko pa rin siya, pero hindi na tulad ng dati." sabi ko.

Tumingin ako sa kanya. Nakakunot 'yong noo niya. "Alam mo kung bakit ko sinabi 'yon sa kanya?" tanong ko. Umiling siya.

I laughed bitterly at umiwas ulit ng tingin. "Kasi mahal na kita, eh." sabi ko. Nakita ko peripheral vision ko na nanlaki 'yong mata niya dahil sa sinabi ko.

"No'ng sinabi mo sa 'kin na titigilan mo na 'ko, parang nabingi ako dahil do'n. Gusto kong sabihin sa 'yo na mahal na kita para hindi mo 'ko iwan, pero baka isipin mo, pera lang ang habol ko sa 'yo." sabi ko.

"Akala ko, simpleng away lang 'yon tulad no'ng dati. Na pagkatapos magsigawan, ako 'yong magso-sorry dahil ako naman talaga ang may kasalanan. Pero akala ko lang pala talaga, dahil mas malala pa 'yong away na nangyari, nauwi pa sa hiwalayan." dugtong ko pa.

Tumingin ulit ako sa kanya. "Masaya 'ko para sa 'yo. Kahit masaya ka, sa piling niya." sabi ko.

"Mahal kita, James. Mahal na mahal kit---"

He yanked my neck and kissed me on the lips. Napapikit ako at kumapit sa batok niya. Bumitaw siya sa kiss at pinagdikit ang noo namin.

"I love you." sabi niya.

Dahil sa sinabi niya, parang nabingi ako at na-blangko ang utak ako.

Tumulo ulit 'yong luha ko. "I love you," sabi ko at hinalikan niya ulit ako.

***

Few minutes passed, nakaupo pa rin kami ni James sa bench, sa may garden. His hands are snaked around my shoulders while he's playing with my left hand at kanina niya pa 'to hinahalik-halikan.

"I missed your clingyness.. very much." sabi ko at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. He kissed the top of my head.

Dahil sa nangyari ngayon, feeling ko, nasa langit ako dahil sa sobrang saya. Hay, I can't believe this. But then, may naalala ako bigla.

Kinuha ko mula sa kanya ang kamay ko at lumayo ng kaunti. Halata naman sa mukha niya na nagtataka kung bakit ko 'yon ginawa.

"Pa'no si Tippy? 'Di ba, girlfriend mo siya?" malungkot na tanong ko. Akala ko, solved na ang problema ko, hindi pa rin pala.

Sandaling kumunot ang noo niya. Pagkatapos no'n, tinawanan niya 'ko.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Tinatawanan mo 'ko? Bahala ka nga d'yan." sabi ko at tumayo na. Bago pa 'ko makalayo sa kanya, hinila niya agad ang kamay ko kaya napaupo ako sa kandungan niya.

Niyakap niya 'ko ng mahigpit at binaon ang mukha niya sa leeg ko. "Oh siya, hindi na. Sorry." sabi niya at hinalikan ako sa leeg. Hindi ako nagsalita, iniisip ko pa rin ang problema kay Tippy.

Inalis ni James ang mukha niya sa leeg ko at tinignan ako sa mata. "Ba't hindi ka nagsasalita? Iniisip mo ba 'yong sa 'min ni Tippy?" he straightly asked. I slowly nodded.

He kissed the tip of my nose at pinagdikit ang noo namin. "She's not my girlfriend, Allison. Hibang ka ba? I'm 24 years old, kaka-eighteen niya lang. Sa tingin mo, papayagan 'yon ng tatay niya? Of course not." pag-e-explain niya.

Medyo nahiya ako dahil do'n. Damn, Kyle Allison. Bakit ko ba kasi inisip na sila na? Ahh.

"Eh, bakit kasi Love ang tawag mo sa kanya. Endearment kaya ni Reljane 'yon tsaka no'ng ex niya no'ng highschool, kaya 'di ko naiwasan na isipin na girlfriend mo siya. Goodness, nakakahiya." sabi ko at nag-iwas tingin.

"Sabagay. Pero nickname ko lang sa kanya 'yon. I was six years old when I met her, then she was nine months old. I still have no siblings that time because Mom and I used to live in England. I have no idea who my daddy was. When I turn six, umuwi kami ng Pilipinas. Saka ko lang nakilala ang daddy ko, nakabunggo ko siya sa mall. Hinanap ako ni Mommy, then bam. Nagkita sila ni Dad." pagke-kwento niya.

"They got engaged that day. Kaya after a week, kinuha nilang wedding coordinator ang Mama ni Tippy because her mom was my mom's bestfriend. Pumunta kaming tatlo nila Mommy sa bahay nila, kaya ko siya nakilala. I even got the chance to touch her cheek. Sabi ko mga magulang ko, gusto ko ng kapatid. After they got married, of course, hindi pwedeng walang honeymoon, kaya naiwan ako sa bahay nila Tippy. I treat her like my real sibling, palagi ko siyang sinasabihan ng I love you. When she turned one, kahit hindi niya 'ko naiintindihan, I promised her na kahit magkaro'n ako ng kapatid, I'll still treat her like my real sibling dahil mahal na mahal ko siya. Wew, naubos ang laway ko do'n, ah." natatawang sabi niya.

Natawa rin ako. "Bakit mo kasi kinwento 'yong buo. Pwede namang kapiranggot lang." sabi ko.

"Oo nga, noh? Bakit 'di ko naisip 'yon?" sabi niya. Pinitik ko 'yong noo niya.

"Okay lang 'yon, effort na rin 'yon, noh. Anyway, speaking of Tippy, balik na tayo sa loob. Escort ka niya, kailangan ka niya do'n sa loob." sabi ko at tumayo na.

Hawak kamay kaming naglalakad papunta sa venue. No'ng nasa may entrance na kami, binulungan niya 'ko.

"I love you."

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Eh, kenekeleg eke.

"I love you." bulong ko rin sa kanya. Umabot sa mata niya 'yong ngiti niya at nagkagat labi.

"Kinikilig ako, shit." sabi niya at hinatid ako do'n sa kinauupuan ko kanina. Nag-smack pa kami bago niya puntahan si Tippy sa harapan na iba na ang outfit.

Tinignan ako ng mga kasamahan ko sa table. Dahil siguro nagtataka sila kung bakit ako hinalikan ni James.

"I didn't do anything." nakangiting saad ko at hindi sila pinansin.

Narinig kong tumawa si Matt at Reljane. Nava-vibes siguro nila na kinikilig ako. Hihihi.

==============================

Just got back together. Hearts.

At dahil nagkabalikan na sila, mature scenes are back at mas pina-level up! Simple kisses, make out sessions, and...

Clue: Ang gabing hindi malilimutan. (If you watched the 2nd or 3rd episode of PSY, you know what I mean. )

Alexander Diaz as Anton De Mesa

Chienna Filomeno as Clarissa Ortega

Enrique Gil as Eros Phillips

Jon Lucas as Jomari Zavalla

Julia Barretto as Jemina Velasquez

(Tandaan niyo lang 'yong first letters ng names nila. Sinakto ko talaga para madali lang tandaan.)

#AngGandaTalagaNiYna
#AngGwapoTalagaNiAngelo
#SanaAkoYongKuningBeaBiancaKasoFourteenLangAkoPwedengMinusFourNalangHehehe

-Claii

P.S. Web users, four pages ba ang chapter 25? Answer please. This part contains 1961 words.

The Bachelor's MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon