TBM - 9

2.3K 43 3
                                    

CHAPTER 9

Nakatayo ako ngayon sa harap ng salamin, minamasdan 'yung naka-expose na tiyan ko.

"Ano ba 'yan. Bakit feeling ko, tumaba ako? Hindi naman gano'n ka-rami 'yung kinakain ko ah." sabi ko tapos nag-side view.

Nanlaki naman 'yong mata ko nang ma-realize kong lumaki nga 'yong tiyan ko, padabog akong umupo sa couch.

"Hay nako, Kyle. Ang dami mo naman kasing kinakain eh." sabi ko sa sarili ko. "'Di bale na, sexy pa rin naman ako sa paningin ni James, okay lang 'yon." dugtong ko.

Tumingin ako sa orasan ko, nanlaki naman 'yong mata ko nang makita kong 9.45 na. Eh ang usapan namin ni James, dapat nando'n na 'ko sa unit niya ng 9.30.

Sinuot ko 'yong jacket ko at sinabit na sa balikat ko 'yung gym bag ko. Tinype ko agad 'yong passcode ng unit niya at nakapasok naman agad ako. Nadatnan ko si James na naglalakad na papunta sa pinto.

"Ba't ang tagal mo?" kunot noo niyang tanong sa'kin.

"Uhm.. nananalamin kasi ako kanina, 'di ko napansin 'yung oras." sabi ko tapos lumabas na ng unit niya.

Pagkalabas niya, hinawakan niya 'yung kamay ko tapos sabay kaming pumunta sa may lobby. Binati pa siya no'ng guard bago kami makalabas ng building at pumunta sa parking lot.

"James, pwede ba ba 'kong gumamit ng ibang gym equipment?" malambing na tanong ko tapos hinawakan ko pa 'yung kamay niya.

Diretso siyang tumingin sa'kin. "NO." matigas na sabi niya bago niya i-start ang kotse.

"Eeh! Ang daya! Lagi na lang Treadmill ang ginagamit ko, baka naman pwedeng gumamit ng iba." reklamo ko.

Tinigil niya ang kotse saglit at tinitigan ako. Napalunok naman ako ng wala sa oras. "Sabi ko nga, sa Treadmill na lang ako." sabi ko tapos sinandal na sa bintana 'yung ulo ko.

Ang daya niya. Ang daya daya daya niya! Kainis, sa tatlong oras namin do'n sa gym, nasa Treadmill lang ako palagi. Tapos siya, pwede siya sa lahat. Hay nako, minsan 'di ko kinakaya 'yang lokong 'yan eh.

Hindi ako nagsalita buong biyahe. Hanggang sa makarating kami sa gym. Hindi ko na siya hinintay na pag-buksan ako ng pinto dahil naiinis ako sa kanya. Pumasok agad ako sa loob ng hindi siya kasama.

Pero pagkapasok ko sa loob, umupo lang ako do'n sa couch sa gilid ng mga changing rooms. Si James lang naman kasi 'yung may ginagawa do'n sa counter. Mga login-login chuchu, ganern.

Pagkapasok niya, do'n agad siya sa counter. Pagkatapos niya do'n, pupunta na sana siya sa taas para magsimula na. Pero no'ng napansin niya na hindi ako tumatayo, lumuhod siya sa harap ko.

"Hindi ka ba sasabay sa'kin paakyat?" tanong niya.

Umiling ako. "Hindi na lang ako aakyat. Hihintayin na lang kita dito." sabi ko habang naka-cross arms.

"No, hindi pwede. Sayang naman ang ipinunta mo dito." sabi niya tapos hinawakan na niya 'yong hita ko.

Umiling ulit ako. "Okay lang 'yon. Pwede naman akong mag-jogging sa ibang araw. 'Yon lang naman ang ginagawa ko dito linggo-linggo eh. Takbo lang ng takbo pero hindi ako nakakaalis dito." sabi ko at sumadal na sa couch. Kinuha ko 'yong cellphone ko sa gym bag ko.

He sighed. "Tungkol ba 'to sa sinabi mo kanina?" tanong niya.

"Akyat ka na do'n, James." pagtataboy ko sa kanya habang nakatingin sa cellphone ko.

Narinig kong huminga siya ng malalim tapos nagsalita siya. "Fine. Treadmill, Recumbent Bike, Bicep Curl, Ab Crunch at Leg Extension." sabi niya.

Nanlaki naman 'yung mata ko tapos nilapag 'yong cellphone ko sa couch. "'Talaga?!" 'di makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman siya bago tumango. Ay, shet, ang gwapo. Lumuhod rin ako sa harap niya, pinulupot ko 'yung braso ko sa batok niya at hinalikan siya ng matagal sa labi.

Pinulupot ni James 'yung kamay niya sa bewang ko. Pagkabitaw ko sa kiss, kinuha ko 'yong gamit ko at tumakbo paakyat sa stairs. Nang mapansin kong nakatayo lang si James do'n at nakatitig sa'kin, pumameywang ako.

"So magtititigan lang tayo dito? Akyat na tayo, aba." sabi ko.

Nagsimula na siyang maglakad. Pero dahil mabagal siya, bumaba ako at hinila na siya pataas.

***

"Oh ano, Kyle. Kaya mo pa?" tanong niya habang nakatayo sa gilid ng equipment na ginagamit ko.

"Oo, ugh. Kakayanin." sabi ko. Pero maya-maya lang, tumigil na 'ko.

Sa totoo lang, 'tong equipment na ginamit ko, siya dapat ang gumagamit neto eh. Inistorbo ko lang siya saglit, gusto ko kasi subukan. Parang ang saya kasi.

Kaso hindi pala.

"Hoy, tayo ka na d'yan. Ako naman, ginulo mo lang ako eh." sabi niya tapos siya naman 'yung humiga.

'Di ko alam kung ano'ng tawag d'yan eh. 'Yung parang nagwe-weight lifting ka pero nakahiga. Gano'n 'yung ginawa ko kanina.

Nakaupo na lang ako do'n sa gilid, malayo ng kaunti do'n sa equipment ni James. Mahirap na 'pag mabagsakan ako no'n, sayang ang super beautiful face ko.

"Uupo ka na lang d'yan?" tanong niya habang nakahiga pa rin.

"Oo, eh suko na 'ko sa mga pinagamit mo sa'kin eh. Gusto ko naman mag-boxing." sabi ko. Pero, hindi ang naman 'yon ang reason ko.

May manyak kasi na laging malapit sa'kin, ang lagkit ng tingin. No'ng nagsa-spiderman planks nga ako, tumabi sa'kin eh. Tapos no'ng umupo ako sa mat, hinawakan ba naman ang legs ko. Hinampas ko naman 'yong kamay niya at pumunta na dito kay James.

"Ano ba 'yan, kung anu-ano naman ang pumapasok sa utak mo. Mag-boxing ka, nand'yan lang 'yong ring oh." sabi niya.

Tumingin ako sa ring, tapos sa kanya. "Alam ko, eh gusto ko may kasama 'ko. Ayoko mag-isa, mukha akong tanga do'n." sabi ko tapos nag-pout. Tumigil na siya sa pagbubuhat ng ganern tapos umupo na.

"Meron namang instructor do'n. 'Ayun siya, oh. 'Yung lalaking naka-blue." sabi niya tapos tinuro 'yong instructor.

Nag-init naman ang dugo ko bigla at binalik ang tingin ko kay James. "'Wag na lang, aba. Manyak 'yang lalaking 'yan eh. Kanina ko pa 'yang nahuhuling nakatingin sa'kin. Lagkit pa nga ng tingin eh. Tapos hinawakan pa 'yong legs ko." sabi ko tapos umirap.

Kumunot naman ang noo ni James. "Ano'ng sabi mo?" tanong niya sa'kin.

Nanlaki naman 'yong mata ko nang ma-realize ko kung ano'ng sinabi ko. Sinabi ko talaga 'yon kay James? Nako po.

"Uhhh... Wala! Joke lang 'yon." sabi ko tapos nag-iwas tingin.

Nagpanic naman ako bigla nang bigla siyang tumayo at naglakad papunta do'n sa boxing ring kung saan nando'n 'yong manyak.

Hinawakan ko siya sa braso. "James, 'wag kang gumawa ng eksena dito, please. Hayan mo na lang siya." sabi ko sa kanya. Bigla naman siyang humarap sa'kin.

"Eh ano'ng gusto mong gawin ko? Palampasin 'yong ginawa niya sa'yo? Sa tingin mo, okay lang sa'kin na hawakan niya 'yong legs mo? Eh ako ngang boyfriend mo, hindi ko magawa 'yon eh!" sigaw niya.

"Ang ayoko lang naman ay 'yong gumawa ka ng gulo dito. Ano'ng gagawin mo? Bubugbugin mo 'yong lalaki hanggang sa maging duguan na ang mukha niya at hindi na makahinga? Masisira reputasyon mo, James. Knowing na 'yong pang-apat sa pinaka-succesful na tao sa bansa, may binugbog sa gym dahil sa girlfriend niya? Please, 'wag na. Hayaan mo na lang siya, tsaka hindi na lang ganito 'yong susuotin ko sa susunod na punta natin dito." sabi ko sa kanya, halos maubusan na 'ko ng hininga dahil d'yan. Naka-sports bra lang kasi ako tapos maikling short.

Minasahe niya 'yong sentido niya at bumuntong hininga. Hinawakan niya 'yong magkabilang balikat ko. "Sige, palalampasin ko 'to ngayon. Pero sa susunod na mabastos ka ulit, 'wag na 'wag mo na akong pipigilan. Naiintindihan mo?" seryosong sabi niya habang nakatingin sa mata ko.

Dahan-dahan akong tumango tapos hinalikan niya 'yong noo ko.

Pagkatapos niya 'kong halikan sa noo, ngumiti siya. "Gusto mo pa ba mag-boxing? Ako na lang sasama sa'yo." sabi niya.

Kuminang nakan ang mata ko at niyakap siya. "Oo, sige! Tara na, bilis!" excited na sabi ko at hinila siya papunta do'n sa ring.

==============================

Kamusta? Kahit dal'wa lang 'yung comments last chapter, nag-update a rij ako. Hahaha! Jumi-gym silang dal'wa oh! Hahaha! 'Cause I got magic! #MovieMarathonBarbie

Next Update: 8 votes - 6 comments

-Claii

The Bachelor's MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon