TBM - 19

1.8K 39 1
                                    

CHAPTER 19

Matamlay akong naglalakad papunta sa office ko. Simula no'ng malaman kong may iba na agad si James, hindi ko na naibalik ang masayahing ako. It's been three weeks.

T*ng*na naman kasi. Bakit gano'n? Akala ko ba mahal niya 'ko? Eh bakit ang bilis niyang makahanap agad ng iba?

"Good morning, Baby Allis---oh, why are you crying?"

Umiiyak na pala 'ko.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko at hinarap si Tita. "Good morning, Tita." sabi ko at ngumiti.

"Are you okay? Bakit ka umiiyak? Is there something wrong?" she asked me at hinawakan ang balikat ko.

"No, Tita. I'm fine. Uhm... M-may namiss lang po ako bigla. Matagal-tagal na rin po kasi ang huling pagkikita namin." palusot ko.

"Are you sure?" sabi niya.

Marahan akong tumango. "Yes, Tita. Uhh, mauna na po ako sa taas." sabi ko at pumunta na sa office ko.

Pagka-pasok na pagka-pasok ko sa loob, nag-break down agad ako.

Nagalit ako. Hindi kay Ricky, hindi kay James, kundi sa sarili ko. Bakit kasi kailangan pa ng halik?

Gusto kong sampalin ang sarili ko. Nang dahil sa ginawa kong 'yon, nawala si James sa buhay ko.

Kinabukasan, nagmamadali akong umalis ng bahay dahil male-late na 'ko. 'Di ko alam kung bakit hindi tumunog ang alarm ko, sira na siguro 'yon, kailangan ko ng bumili ng bago.

Habang naglalakad, ti-next ko si Reljane na sabay kaming mag-lunch mamaya kung pwede siya. Tuwing umaga't gabi na lang kasi kami nagkikita dahil sa trabaho namin. Ewan ko ba kung bakit gina-gabi sila, eh no'ng ako 'yong secretary ni James, 5 or 6pm, uuwi na kami. Pero ngayong si Reljane na ang secretary niya, 9 or 10pm na nakakauwi si Reljane.

Ise-send ko na sana 'yong message kay Reljane pero hindi ko napansin na nasa gitna pala 'ko ng daan at...

***

Kasalukuyang nasa loob ng office ni James si Reljane, sinasabi niya ang schedule ng boss niya ngayong araw.

"Meeting with Mr. Ursolino at 3pm then..." napatigil si Reljane sa pagsaslita nang mag-ring ang cellphone niya. Dinecline niya muna ito dahil may ginagawa siya.

Magsasalita na sana ulit siya nang mag-ring ulit ang cellphone niya kaya nagsalita na si James.

"Sagutin mo na, baka importante 'yan." sabi ni James.

Tumango naman si Reljane at kinuha ang cellphone niya sa bulsa niya.

Kyle Gilberton calling...

Agad niya namang sinagot ang tawag. Matamlay ang bestfriend niya nitong mga nakaraang araw, kaya hindi na sila nagkakausap.

"Hello, babaita!" masayang bati niya. Napatingin naman si James sa secretary niyang nakatalikod sa kanya.

"Si Kyle ba 'yong kausap niya?" tanong niya sa isip. Shinake niya na lang ang ulo niya at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

{"Uhm.. hello? Am I talking to Reljane?"}

Kumunot naman ang noo ni Reljane sa narinig. Sinong lalaki ang may hawak ng cellphone ng bestfriend niya?

"Yes, this is Reljane Bantalyo, speaking. May I ask, who are you at bakit ikaw ang may hawak sa cellphone ng bestfriend ko?"

{"Hindi na importante kung sino ako. I called to say na dinala ko sa ospital ang kaibigan mo."}

Pakiramdam ni Reljane na nanikip ang bra niya. Kinakabahan siya, bakit dinala sa ospital si Kyle?

The Bachelor's MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon