TBM - 24

2K 42 1
                                    

CHAPTER 24

"Good mornin---bakit namamaga 'yang mga mata mo? Umiyak ka ba?" tanong niya sa 'kin pagkabukas ko ng pinto.

Kinusot ko 'yong mata ko. "Medyo, hehehe. 'Yong ex ko kasi, ang gag*." sabi ko, pero halata sa boses ko na naiinis ako.

"Chill, hindi ako 'yong ex mo." natatawang sabi niya at inakbayan ako. Ni-lock ko 'yong pintuan ng bahay bago kami sumakay sa kotse niya.

"Nagkausap ba kayo? Ano 'ng nangyari?" tanong niya habang nagda-drive.

"Oo, pagka-alis mo. Bago pa 'ko makapasok sa loob ng bahay, hinila niya 'ko at blah, blah, blah." sabi ko at umirap.

"Sinong may problema? Ikaw o siya?" tanong niya. Bago ko sagutin 'yong tanong niya, sinabi ko na muna kung saan ako nagtatrabaho. Baka kasi kung saan kami mapadpad nitong loko-lokong 'to.

Pinarada niya 'yong sasakyan niya sa mag gilid at pinagbuksan ako ng pinto. Akala ko, aalis na ulit siya pero sumunod siya bigla sa 'kin at sinabayan ako sa paglalakad. "Oh, sa'n ka pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Sama ako sa 'yo. Wala naman akong gagawin buong araw. Day off ko ngayon, hehe." sabi niya kaya hinayaan ko na lang siya.

Pagkapasok namin, binati ko ng good morning 'yong mga nakasalubong ko. Wala pa raw si Tita Sam kaya dumeretso kami sa opisina ko. Agad namang nag-dive 'tong si Matt sa couch.

"Ay, gano'n? Dive agad?" sabi ko habang naglalakad palapit sa swiveling chair ko.

"Mukha kasing malambot eh. Kaya, nag-dive agad ako. Haaay, grabe, ang sarap sa likod." sabi niya at humiga ng maayos.

Bigla naman akong nakaisip ng idea. "Hoy, Matthew. Dahil pampam ka at sumama ka sa 'kin dito, kailangan ko ng tulong mo. Gagawin kitang assistant ngayong araw." sabi ko sa kanya at nag-evil laugh.

Bigla siyang napabangon. "Ano? Assistant? Ayoko nga. Day off ko nga ngayon, eh, tapos pagtatrabahuhin mo 'ko, ayoko nga." reklamo niya at inirapan ako, pero nakatingin pa rin siya sa 'kin.

Tinitigan ko lang siya sa mata. Serious mode ako ngayon. Mayamaya lang...

"Sabi ko nga, assistant mo 'ko ngayong araw. 'Eto naman, 'di mabiro." sabi niya at umupo sa upuan sa may harap ng desk ko. Pinatong pa niya 'yong isa niyang paa sa katapat niyang upuan. Wow, like a boss.

Pabiro akong umirap at inayos 'yong mga gamit ko. Nagulat naman ako ng bigla siyang umayos ng upo at kinuha ang picture frame na nasa lamesa ko.

"Si James 'to, ah. Siya ba 'yong ex-boyfriend mo?" tanong niya.

Umirap ako at pinatong ang mukha ko sa dalawang kamay ko na magkapatong. "Oo, siya nga. Teka, kilala mo siya?" kunot-noo kong tanong sa kanya.

"Oo naman, kaibigan ko 'to. Kaya nga ako nasa bahay nila kahapon, eh." sabi niya habang hawak pa rin ang picture frame. "Ang sweet niyo dito, ah. Sa'n 'to, sa Tagaytay?" tanong niya.

"Bobo, sa Baguio. Aish, itapon mo nga 'yang picture na 'yan sa basurahan. Nabi-bwisit ako eh." sabi ko at huminga ng malalim.

"Maka-bobo, ah. Mali ba na magkamali ang isang tulad ko? Ako ay tao lang din naman na tulad mo. Ano ba ang dapat ba gawin, dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan ang isang tulad ko na tao lang?" sabi niya.

Umirap ako. "Wala akong sinabing kumanta ka, jusko naman, Cantera." sabi ko at minasahe ang sentido ko. Ano ba naman 'yan. Umagang-umaga, sumasakit ang ulo ko dito kay Matthew.

The Bachelor's MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon