TBM - 17

2K 41 1
                                    

CHAPTER 17

KYLE'S POV

Lunes na ngayon, ala-singko ng umaga. Ngayon ang simula ng trabaho ko sa Katarina, pero nagda-dalawang isip pa 'ko kung papasok ba ako o hindi. Alam na kaya ni Tita Sam na wala na kami ni James? Sinabi ba ni James sa pamilya niya? May mukhang ihaharap pa ba 'ko sa kanila matapos kong halikan si Ricky kahit boyfriend ko pa si James no'ng mga oras na 'yon?

Napapikit ako dahil sa iniisip ko. Kung hindi ko siguro hinalikan si Ricky, sobrang saya pa namin ni James. Ang tanga ko ba naman kasi. Tanga, tanga, tanga!

"Kyle? Kyle, hindi ka ba papasok ngayon?" tanong ni Reljane mula sa labas. Pansamantala akong nakiki-tira sa kanya ngayon. Dal'wa naman ang kwarto dito sa bahay niya.

Bumangon ako at binuksan 'yong pinto, nakita kong naka-pang-alis na siya. Paalis na yata siya.

Nag-kibit balikat ako. "Ewan ko, 'di ko alam. 'Wag na lang kaya." sabi ko na ikina-kunot ng noo niya.

"Bakit hindi? Eh 'di ba, dream mo 'yon? Ngayong do'n ka na magta-trabaho, absent ka agad sa first day mo? Ano ba 'yan." sabi niya.

Bumuntong hininga ako. "Eh 'di ba nga, Mommy ni James 'yong may-ari no'n? Tapos sabi sa 'kin ni James, magta-trabaho na raw ulit siya kasi makaka-sama niya na 'ko. Hay, baka bigla niya na lang akong sampalin, tapos---"

"Woah, woah. Calm down, Allison. Baka nga 'di ba? BAKA. Hindi ka pa sigurado. Hindi naman 'ata nag-sumbong si James. Kaka-hiwalay niyo lang no'ng isang araw, 'di ba? Tapos sabi mo, nagco-condo si James, hindi siya nakatira sa bahay ng parents niya." sabi niya. Nalungkot naman ako. Hay, alam ko na ang feeling 'pag nag-break kayo ng jowa niyo. Hello sa mga broken-hearted. *sigh*

"'Wag mong sayangin 'yong opportunity. Dream mo 'yan, 'di ba? Ma-swerte ka nga't hindi ka na nag-apply, kusang lumapit sa 'yo 'yong opportunity. 'Pag sinabi no'ng Mommy ni James na 'wag ka nang magpapakita ulit sa kanya, saka ka mag-back-out." natatawang sabi niya. Binatukan ko naman siya.

"Grabe, Reljane. Ramdam na ramdam ko talaga ang pagmamahal mo sa 'kin. P*kyu." sabi ko at inikot ang mata ko. Hindi naman talaga ako pala-mura eh. 'Pag si Reljane ang kasama ko, napapa-mura ako.

"P*kyu, too." natatawang sabi niya. "Mauna na 'ko, Kyle. Kailangan kong magpa-impress kay boss. 'Lam mo na, first day. Ehem, ex boyfriend. Ehem." pang-aasar niya kaya napa-irap ako.

"G*go. Umalis ka na nga, baka ma-late ka pa. Ayaw na ayaw pa 'man din ni James ng nale-late." sabi ko at sinaraduhan na siya ng pinto. Narinig ko namang nag-mura pa ang loka. Kinakabahan talaga eh, hindi naman nangangagat 'yon.

***

Sumakay ako ng taxi papunta sa fashion house, wala naman kasi akong kotse eh. Nang makita ko 'yong entrance, pakiramdam ko, sumikip 'yong bra ko. Shet, kinakabahan ako. Pa'no na lang kung alam na ni Tita 'yong tungkol sa 'min no'ng Baby Boy niya, baka tanggalin niya 'ko sa trabaho. Pa'no na 'ko mabubuhay?

Huminga 'ko ng malalim bago pumasok ng fashion house. Nagsi-tinginan naman sa 'kin 'yong mga nagta-trabaho. I gulped and awkwardly smiled. "Uhh, hi." sabi ko.

Dahil sa hiya ko, aalis na sana 'ko pero...

"WAAAAAAH! BABY ALLISON!"

Napalingon ako sa nagsalita. Naka-hinga ako ng maluwag. So, hindi alam ni Tita 'yong tungkol sa 'min ni Baby Boy niya?

"Uhm.. H-hi, Tita! Good morning po!" bungad ko at niyakap rin siya. Bigla kasi akong niyakap ni Tita. Alangan namang isnabin ko at itulak ko siya palayo.

The Bachelor's MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon