TBM - 3

4K 51 2
                                    

CHAPTER 3

"Ano'ng gusto mong panoorin?" tanong niya habang tinitignan ko 'yung mga CDs niya. Nakalagay kasi siya sa CD Album? Basta ganern.

Tumigil ako saglit at tumingin sa kanya. "Teka lang, naghahanap pa 'ko. Ang ga-ganda ng mga CD mo, eh. 'Di tuloy ako maka-pili, kainis ka." sabi ko at nagpatuloy sa paghahanap.

Tumawa siya ng mahina tapos pumunta sa kusina. After twenty minutes, bumalik siya dito sa kwarto niya na may hawak na tray. Dito kasi kami manonood. Natakam naman ako nang makita ko 'yung mga pagkain na hinanda niya.

Pa'no ba naman kasi, may Chocolate Covered Strawberries, Red Velvet Macarons, tapos may Macaroni and Cheese. May Oreo Milkshake pa! Movie Date ba talaga ang gagawin namin? Baka naman Food Trip. Ang dami kasing stock nito sa ref, kaya 'pag mag mo-movie date kami dito, iinitin niya na lang o kaya churva.

"Oh, naka-pili ka na?" tanong niya habang nilalapag 'yung tray sa side table niya. Natatawa pa nga ako kasi pahirapan sa pag-tanggal ng lamp sa pagkaka-saksak para ilapag sa sahig. Tinulungan ko naman siya.

"Hay salamat, nai-lapag rin. Bigat eh. Oh, may napili ka na?" tanong niya at humiga sa kama niya.

"Gusto ko kiligin, Safe Haven na lang." sabi ko at kinuha 'yung CD at sinalang sa DVD player niya.

"Teka, bakit may ganitong CD ka? Napanood mo na 'to? Ayiee! James, ah!" pang-aasar ko.

Tumawa naman siya ng mahina. "Hindi ko pa napapanood 'yan, binili ko 'yan para sayo. Kasi alam ko, gustong-gusto mong kiligin 'pag nanonood ka." sabi niya habang yakap niya 'yung unan niya.

"Ay gano'n? So, I should thank you pala? Thank you, James!" sabi ko. He just smiled and said, "Anything for you, sweetheart."

Nag-iwas ako ng tingin, nag-blush yata ko eh. Leche naman, dapat hindi mapansin ni James na kinilig ako. Baka lumaki ang ulo ng loko-lokong 'yan.

"Alam mo, James, hindi ko alam kung Movie Date ba talaga ang gagawin natin o Food Trip. Ang sa-sarap ng mga hinanda mo, oh. Natatakam ako, oh my gosh." sabi ko at dinag-anan 'yung tiyan niya.

"Aray ko, 'wag ka d'yan sa tiyan. Dito na lang sa dibdib ko, oh." sabi niya at tinapik tapik 'yung dibdib niya.

Pabirng umirap naman ako bumangon na. Malapit na kasing magsimula 'yung movie. Hinawakan ni James 'yung kamay ko, hinayaan ko na lang. Sobrang clingy niyan eh, sanay na 'ko.

Nang magsimula na 'yung movie, tumahimik na kaming dal'wa. Madaya nga 'tong isang 'to eh, siya nakahiga, ako nakaupo. Pero, hayaan na lang. Habang nanonood kami, pa-isa-isa lang 'yung kuha ko sa mga pagkain na dinala niya. Minsan, siya 'yung kukuha tapos susubuan niya 'ko.

Nung nasa gitnang part na 'yung movie, medyo inaantok na 'ko. Tinatawanan nga ako ni James 'pag pabagsak-bagsak 'yung ulo ko kaya hiniga na niya 'ko.

"Huy, ba't mo 'ko hiniga? Baka maka-tulog na 'ko, hindi pa tapos 'yung palabas oh." sabi ko. Babangon sana ako pero pinulupot niya 'yung braso niya sa bewang ko. Naka-back hug tuloy siya sa'kin.

"No, matulog ka na. 'Saka na lang natin tapusin 'yan, inaantok ka na nga oh. Konti na lang, susubsob na 'yung ulo mo pababa. Matulog ka na." sabi niya ng nakapikit at hinigpitan 'yung yakap sa'kin.

"Eh, hindi pa 'ko nagtu-toothbrush." sabi ko. Napamulat naman siya at bumangon. "Ako rin eh, sabay na tayo." sabi niya at naunang tumayo. Pinatay niya 'yung TV at 'yung DVD player niya.

Dahil nanlalambot ako, hinila niya 'yung kamay ko at tinayo ako. No'ng lumabas kami ng kwarto niya, hindi na niya binitawan 'yung kamay ko.

"Uhm, James? Pa'no ko makakapunta sa condo ko kung hindi mo bibitawan ang kamay ko, aber?" tanong ko sa kanya at puma-meywang. Binitawan niya naman 'yung kamay ko.

"'Dito ka na matulog. Kung pino-problema mo 'yung toothbrush mo, may extra toothbrush d'yan sa cabinet." tuloy-tuloy na sabi niya.

"Ah, okay. Eh pa'no 'yung damit ko? Hindi pa ako nakakapag-palit ng pambahay, oh." sabi ko ulit.

"Pwede mo namang gamitin ang tshirt at boxers ko, tapos bukas maligo ka sa condo mo para may damit ka na." sabi niya at nagmu-mog. Nagtu-toothbrush kasi ang loko kaya medyo mahirap intindihin. Pero, naintindihan ko naman.

"Pero.." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla niya 'kong hinarap at pumameywang siya. Oops, naiinis na yata siya.

"Kyle, kung ayaw mo 'kong kasama, sabihin mo na agad. Sige na, pumunta ka na sa condo mo." sabi niya at naglakad na papunta sa kwarto niya.

"James.." tawag ko sa kanya pero hindi na niya ako pinansin. Galit na nga.

I sighed at ginamit 'yung extra toothbrush na nasa cabinet niya. After brushing my teeth, bumalik ako sa kwarto niya. Nadatnan ko siyang nakahiga na habang yakap ang unan niya, naka-boxers lang siya at walang pantaas. Ang bilis naman magbihis nito.

Dahan-dahan kong binuksan 'yung dresser niya at kumuha ng tshirt at boxers niya tapos nagpalit na 'ko ng damit. Lumabas ako, syempre. Mahaba 'yung tshirt niya, umabot 'to sa hita ko.

Bumalik ako sa kwarto niya tapos dahan-dahang gumapang sa kama niya para mahiga. Nakatalikod siya sa'kin kaya tumalikod na rin ako. Ayoko siyang kausapin 'pag galit siya, nakakatakot kasi siya 'pag galit na galit.

Maya-maya, naramdaman ko siyang umikot, I even heard him gasped when he saw me lying beside him. Pero nagulat ako nang pinulupot niya ulit 'yung braso niya sa bewang ako at hinarap ako sa kanya.

"Akala ko ba do'n ka na sa condo mo matutulog?" tanong niya. Hindi ko pinansin 'yung tanong niya kasi bumaba 'yung tingin ko sa perfectly sculpted abs niya, omayyy---

"Kyle, tinatanong kita, sumagot ka. Akala ko ba do'n ka na sa condo mo matutulog?" tanong niya ulit. Shinake ko na lang 'yung ulo ko para mawala sa isip ko 'yung tinitignan ko kanina. Nakakatakot na kasi 'yung tone ng pananalita niya, parang kakain na ng tao.

"Wala akong sinabi. Bakit? Ayaw mong nandito 'ko?" tanong ko. Umiling siya. "Hindi naman sa ayaw. Baka kasi labag sa loob mo ang pag-stay dito." sabi niya.

"Hindi ah, gusto ko nga dito matulog eh. Tulog na tayo?" tanong ko ng nakangiti.

He smiled and kissed my forehead. Mas nilapit niya 'ko sa kanya at niyakap ako ng mahigpit. Nakakainis 'tong si James. Pinapamukha ba niya talaga sa'kin 'yung abs niya?

"Good night, Kyle. Sweet dreams." sabi niya.

"Good night, James." I said and drifted off to sleep.

==============================

How's chapter three? Okay ba? Haha! Sorry, mahilig talaga akong mag-cut ng scenes. Hindi ko na sinulat 'yung joshua's ice cream thingy.

WeChat: lclaireee
Twitter/KakaoTalk: clairelaloops

-Claii

The Bachelor's MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon