TBM - 22

2K 37 3
                                    

CHAPTER 22

Nandito ako ngayon sa office ko. Pinag-iisipan ko 'yong alok sa 'kin ni Tita kaninang lunch. Inaaya niya kasi akong sumama sa debut ni Tippy. Hindi naman ako invited pero sabi ni Tita, sabi raw ni Tippy sa kanya the other day na isama 'ko. Tutal, friend niya na rin naman ako at ako ang nag-design ng gown niya.

Ayoko talagang sumama! Tanga ba 'ko para sumama do'n? Malamang sa malamang, escort ni Tippy si James. Edi sweet-sweet-an sila do'n? Iiyak na naman ako at isasama ko na si Reljane sa bar?

Pumikit ako at sumandal sa swiveling chair ko. Sh*t na malagkit, nagdadal'wang isip ko.

"Ay p*tang*na!" sigaw ko nang mag-beep ang cellphone ko. Shit, pa'no na lang kung may nakarinig sa 'kin sa labas?

Agad ko namang binasa 'yon. 'Di pa kami nagkikita eh. Oo, kahit magkasama kami sa iisang bahay, hindi kami nagkita kanina. Pa'no, maaga akong umalis para makabawi sa trabaho dahil hindi ako nakapasok kahapon dahil sa peste kong hangover.

From: Reljane baboy
Friend, punta 'ko d'yan. May ike-kwento ako sa 'yo. Hindi ko nai-kwento kagabi dahil masakit ang ulo ko.

To: Reljane baboy
Ah,sige. Teka, baka naman may trabaho ka pa? 'Wag ka muna umalis, kailangan ka ni James, uy.

From: Reljane baboy
Hindi, friend. Himala nga't maaga akong pinauwi ngayon. Inis pa rin siguro sa 'kin dahil sa mga sinabi ko kahapon. Hahaha! Serves him right.

To: Reljane baboy
Hoy, ano 'ng sinabi mo? Baka tanggalan ka ng trabaho!

From: Reljane baboy
Joke lang. Nag-sorry rin agad ako after a few minutes. Medyo nakakabastos kasi eh. Sige na, kitakits.

Hindi na 'ko nag-reply. Sayang lang load, magkikita rin naman kami niyan.

Mayamaya lang ay dumating na si Reljane. Okay lang naman daw na magkaro'n ng bisita. Nagmamadali namang umupo si Reljane sa upuan sa harap ng desk ko. Muntik pa nga ulit matapilok pero buti hindi natuluyan.

"Masyado kang excited. Ano bang ike-kwento mo?" tanong ko.

Huminga siya ng malalim bago magsalita. "EhkasinamanmaypumuntangmgalalakikahaponsacompanynakaibiganniJamesanggwapono'ngisafriend!" mabilis na sabi niya at halos hindi ko na maintindihan.

"Litsi naman, oo. Ayusin mo nga! 'Di ko maintindihan eh, dahan dahan lang!" reklamo ko. Eh sa hindi ko maintindihan eh.

"Eh kasi naman, may pumuntang mga lalaki kahapon sa company na kaibigan ni James! Ang gwapo no'ng isa, friend!" kinikilig na sabi niya. Natawa naman ako.

"Oh, ano'ng ginawa mo? Dapat sinunggaban mo na!" natatawang sabi ko.

"'Yon nga dapat ang gagawin ko kaso bigla akong nahiya no'ng tignan at ngitian niya 'ko! Kilig-kilig, friend!" pagpapatuloy niya.

"Akalain mong bigla kang nahiya. Ayieee! Ikaw ha!" sabi ko. "Alam mo kung anong pangalan?" dugtong ko.

"Oo naman! Tinawag kasi siya ni James. Eros daw!" sabi niya.

"Ay, taray! Pang-greek god ang pangalan!" sabi ko.

"Oo nga eh! Tapos Phillips ang apilyedo, porenjer pa 'ata, Bruha!" kilig na kilig sabi niya at nag-apir kami.

***

Nagka-yayaan kami ni Reljane na mag-mall. Marami pa naman akong pera sa ngayon kaya pumayag ako.

The Bachelor's MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon