TBM - 21

2K 36 0
                                    

CHAPTER 21

"Scotch. Make it quick." sabi ko sa bartender pagkaupong-pagkaupo ko sa may counter.

Mabilis niya naman akong inabutan ng scotch at agad kong ininom 'yon. Tinukod ko ang siko ko sa lamesa at tinakpan ang mukha ko. Mayamaya lang, humihikbi na 'ko.

.

Alas-shete na ng gabi, pero hindi pa rin ako lumalabas ng opisina ko. Ewan ko ba sa sarili ko, masyado kong dini-dibdib ang sinabi ni Tippy sa 'kin kanina.

"'Wag mo ng alalahanin 'yong sinabi niya sa 'yo. Tsaka, 'wag ka na ngang mag-inarte d'yan, totoo naman 'yong sinabi niya." sabi ko sa sarili ko.

Bumuntong hininga na lang ako at tinitigan ang picture namin ni James. I miss him so damn much. I miss his hugs, I miss his kisses, I miss his touch, I miss his clingyness. I miss everything about him.

Pinunasan ko ang luha ko at mahinang tumawa. "'Ayan na. Umiiyak na naman ako. Hindi pa ba nauubos ang luha ko? T*ng*na lungs." sabi ko at mahinang sinampal ang sarili ko.

Tinignan ko ang orasan, 8pm na pala? Ang bilis, ah.

Kinuha ko 'yong bag ko at naglakad na palabas ng opisina ko. Nagpaalam ako kay Tita Sam na aalis na 'ko, naibigay ko na naman 'yong mga sketches ko. Pagkalabas na pagkalabas ko sa fashion house may narinig akong mga pamilyar na boses.

"Che, ewan ko sa 'yo. Lagi mo na lang ako inaaway."

Napatingin ako sa nagsalita. Bakit nandito pa sila hanggang ngayon?

"Eh, sorry na nga, Love. Nagbibiro lang naman ako." sabi niya at niyakap siya mula sa likod.

"Puro ka biro, nakakaleche na, Sandrick." sabi niya at pilit na nagpupumiglas sa yakap niya.

"Sorry na, Love. Please?" sabi niya tapos hinalikan siya sa pisnge.

Umiwas ako ng tingin. Agad akong pumara ng taxi at sumakay ro'n.

Masakit.

Kasi, gawain niya sa 'kin 'yon 'pag nagtatampo o naiinis ako sa kanya. Pero, hindi na ngayon. Kasi may iba na nga siya. Hindi na ako ang girlfriend niya.

.

Dito 'ko sa Charissa Station napadpad. Palagi ko 'tong nadadaanan kaya alam ko 'tong lugar na 'to.

"Ma'am, awat na ho. Nakakarami na ho kayo." pag-aawat sa 'kin no'ng bartender.

Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. "Will you shut the f*ck up? Your job is to satisfy your customers by serving them right, hindi mo trabahong mangialam ng mga customers dito." masungit na sabi ko at inirapan siya.

Mayamaya lang, nakaramdam na 'ko ng hilo. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tinawagan si Baboy. Matapos ang ilang rings, sumagot rin agad siya.

"'Oy, Baboy!"

{"Gag*, maka-baboy ah. Reljane ang pangalan ko. Rel-jane."}

"Hihihi, alam ko. *hik* Samahan mo 'ko dito, Baboy! Woooh! Ang saya-saya! *hik* yeaaaaah!"

{"Stop calling me Baboy for Pete's sake. Teka nga, lasing ka ba?!"}

"I'm not drunk, silly! Just tipsy. Dali, Rj! Samahan mo 'ko dito sa Charissa Station, masaya dito! *hik*"

The Bachelor's MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon