TBM - 14

1.9K 32 1
                                    

CHAPTER 14

KYLE'S POV

"James, 'wag ka ngang masyadong clingy. Grabe ka, hindi naman ako mawawala. Tsaka, nasa bahay pa tayo ng parents mo." sabi ko sa kanya. Sunod ba naman kasi ng sunod sa 'kin.

Umiling siya. "Ayoko nga. Tsaka, hayaan mo 'yan sila Mommy at Daddy. May sarili namang mundo 'yang mga 'yan." sabi niya pagkaupo namin sa couch.

Tinignan ko naman sila Tita at Tito na naglalambingan sa gilid namin. Ang sweet, promise, kinikilig talaga 'ko. Naka-upo kasi si Tita sa kandungan ni Tito, tapos kini-kiss ni Tito si Tita sa cheeks. Giggle naman ng giggle si Tita. Ang cuuuute!

"Nai-inggit ka sa kanila? Gusto mo, tayo rin?" nanlaki naman 'yong mata ko sa sinabi ni James. Nilingon ko siya at pinanlakihan ng mata, tinawanan niya lang naman ako.

"Ang bibig mo, ah." sabi ko at inikot ang mata ko.

Kaming apat na lang ang nandito. Si Joshua at Jaden kasi, may pasok pa bukas kaya natulog na.

"Ay!"

Napatingin naman ako bigla kay Tita. Nakakagulat, ano 'ng nangyari? Biglang tumayo si Tita at sa kandungan naman ni James umupo. "Baby Allison, pwede hiramin ko na muna 'tong Baby Boy ko? May sasabihin lang ako." sabi ni Tita tapos nag-peace sign.

I laughed. "Sige po. Sa inyo na muna 'yan, nagsasawa na po ako sa mukha niyan." natatawang sabi ko.

"Yay! Tara sa labas, Baby Boy ko. May sasabihin ako sa 'yo." sabi ni Tita habang naka-cling sa braso ni James. "Daddy! Ikaw na muna bahala kay Baby Allison ko, ah! Dito lang kami sa labas!" sabi ni Tita kay Tito at nawala na sila.

Lumapit naman ako ng kaunti kay Tito. "Tito, kwentuhan niyo nga po ako." sabi ko.

"Ano 'ng gusto mong ikwento ko?" natatawang tanong niya.

"Love story niyo po ni Tita. Pleaaaaase? Hanggang ngayon po kasi, sweet pa rin kayo. Pa'no na lang noon, no'ng medyo bata-bata pa po kayo?" sabi ko.

***

"Eihh, hindi pa tapos 'yong kwento ni Tito eh." sabi ko at nag-pout. Inaaya na kasi ako ni James na umuwi.

"Pagbalik na lang natin, pagod na si Mommy oh. Hindi makakatulog 'yon 'pag hindi katabi si Daddy. Lalo na ngayo't buntis siya." sabi niya.

Nanlaki naman 'yong mata ko. "Ay oo nga pala! Sorry, nakalimutan ko. Ang ganda pa rin kasi ni Tita kahit buntis." sabi ko tapos tumayo na.

"Tita, Tito, mauna na po kami. Tita, pahinga ka lagi, ah? Bawal ma-stress, eat healthy foods." pagpapaalala ko.

"Yes, gagawin ko 'yon. Ingat kayo, Baby Allison." sabi ni Tita tapos nag-beso kami. Pati na rin ni Tito Jacob.

No'ng si James naman ang hahalikan niya, may sinabi pa siya. "'Yong pinag-usapan natin, Baby Boy, ha?" malambing na sabi ni Tita. Tumango naman si James at hinalikan ang mama niya sa noo.

"Mommy, Dad, mauna na po kami." sabi niya tapos lumabas na kami ng bahay nila.

Habang nasa kami pabalik sa Alcantara Towers, tahimik lang siya. Hindi ko naman maisip na galit siya sa 'kin kasi, ano bang ginawa ko na dapat ika-galit niya? Wala naman, 'di ba?

Hanggang sa makarating kami sa tapat ng unit namin, hindi pa rin siya nagsasalita. Binasag ko na ang katahimikan.

"May nagawa ba 'kong mali? Galit ka ba sa 'kin? Ano 'ng ginawa ko? Bakit kanina ka pa hindi nagsasalita?" sunod-sunod na tanong ko kaya napatingin siya sa 'kin.

The Bachelor's MaidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon