WARNING: This is not your typical kind of story. Kung ayaw mo sa ganitong klaseng mga story at sensitive ka sa mga vulgar words, pwes lumayas ka na sa librong 'to!
• • •
KABANATA 6:
MARY'S POV
Kinabukasan ay maaga ako agad nagising. Ala-siyete palang ng umaga ay bumangon na ako para hindi magtaka ang mga tao dito sa bahay. Nakasanayan na kasi nilang maaga akong nagigising at alam nilang hindi ko ugaling nagigising ng tanghali. Kahit na inaantok pa ako ay pinilit ko pa rin ang sarili ko na magtungo sa banyo para gawin agad ang morning routine ko. Pasalamat na lang ako na bakasyon namin ngayon at walang pasok. Mabilis pa naman akong atakihin ng katamaran once na kulang ako sa tulog.
Fourth year college pa naman ako itong nalalapit na pasukan at kailangan kong pagbutihin ang pag-aaral ko para hindi ako magkaroon ng problema lalo pa't graduating student na ako sa susunod na pasukan. Pagtapos kong maligo ay mabilis akong nagbihis ng damit. Nag-ayos lang din ako ng sarili para magmukha akong presentable ngayon kahit na nandito lang ako sa Hacienda. Sinusuklay ko ang mahaba at basa kong buhok nang bigla kong narinig ang pagtunog ng cellphone ko. Dali-dali ko naman itong kinuha sa loob ng sling bag ko at pangalan agad ni Mitsuki ang nakita ko sa screen.
"Oh napatawag ka yata?" bungad ko sa kabilang linya. Bumalik ako sa harapan ng salamin para ituloy ang pagsusuklay ko.
"Maaga ka bang umuwi kagabi? Hindi ka na namin kasi nakita kagabi sa birthday party ni Baks! Ni hindi ka man lang nagpaalam sa amin 'no!" aniya na ikinabuntong-hininga ko nang malalim.
"Sisihin niyo ang walanghiyang si Hideo. Sorry din kung hindi ako nakapagpaalam sa inyo. Pakisabi na rin kay Baks na pasensya na kung basta na lang akong umalis sa birthday party niya." paghingi ko ng paumanhin sa kanya. Isa sa mga matalik kong kaibigan si Mitsuki pati na rin si Baks na s'yang may birthday kagabi sa dinaluhan kong birthday party sa hotel. His name was Brayden pero mas gusto niyang tinatawag namin siyang Baks dahil na rin sa isa siyang bakla.
"Hideo? Yun ba yung baliw na manliligaw mong sunod ng sunod sayo na parang isang aso?" tanong ni Mitsuki dahilan para matawa ako. Akala ko pa naman ay nakakalimutan na niya kung sino si Hideo.
"Natumpak mo!" natatawa kong sabi kaya pati siya ay narinig kong tumatawa sa kabilang linya. Simula talaga nang magkrus ang landas naming dalawa ni Hideo ay mas lalong naging magulo ang buhay ko. Tapos hindi rin niya ako tinigilan mula nang malaman din niyang magkaibigan pala ang Mommy namin. Para talaga siyang aso na nakabuntot at sunod ng sunod sa akin. Hindi man lang siya napapagod kahit na habulin pa niya ako!
"So, ginulo ka na naman ba nung gagong yun kagabi?"
Nagpakawala naman ako ng malalim na buntong-hininga bago ko nilapag sa lamesa yung suklay, "Yeah. Nagalit ko yata siya kagabi kaya pinagbantaan niya ako. Hindi man lang kasi sakin ininform ni Baks na invited pala ang damuhong yun!" sagot ko sa kanya. Sa tuwing naaalala ko yung pagbabanta ni Hideo sa akin kagabi ay literal akong kinikilabutan. Sana lang ay makalimutan na nung lalaking iyon ang pang-aasar ko sa kanya kagabi.
"Talagang hindi ka titigilan ng hayop na yan 'no? At saka anong invited ang pinagsasabi mo? Kahit nga si Baks nagulat nang makita namin yung lalaking yun sa birthday party niya kagabi!" anas niya na ikinakunot-noo ko.
Hindi invited? What the? Ibig sabihin ay nag-gate crasher pala ang lalaking yun sa birthday ni Baks? Ang lakas pa ng loob na kumain at uminom ng alak samantalang hindi naman pala invited ang Hideo na yun? Bukod pala sa pagiging hambog at drug addict niya, makapal rin pala ang pagmumukha niya. Jusko, kumukulo talaga ang dugo ko sa lalaking yun!
BINABASA MO ANG
HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
General Fiction[POLY] HELLION 2: HELLION QUADRUPLETS When they are young they only do one thing, that is to SHARE and not be SELFISH. Of course, they are Hellion Quadruplets. Having multiple romantic relationships exists in their family and that's their top secret...