KABANATA 42

35.1K 1K 188
                                    

This chapter is dedicated to: Aln_Bun

KABANATA 42:

MARY'S POV

Sandali ko lang na tinignan sila Lician na tahimik at prenteng nakaupo sa table nila habang hinihintay nila ang kanilang mga order. Si Lucius nga ay may hawak na libro pero habang nagbabasa siya ay napapatingin naman siya dito sa gawi ko. Bawat galaw o kilos ko ay sinusundan pa talaga nila ng tingin.

Nabaling naman ang atensyon ko kina Mage at Alarick na nasa kabilang table, tulad nung apat ay hinihintay din nilang dumating yung order nilang mga kape. Napairap pa ako dahil nginisian pa ako nang nakakaloko ni Mage.

Hindi naman sinasadya na mapunta ang tingin ko dun sa grupo nila Hideo. Umasim pa ang ekspresyon ng mukha ko nang ngitian ako ni Hideo. Isang ngiti na parang hindi mapagkakatiwalaan. Kumukulo talaga ang dugo ko sa lalaking 'to.

"Mary, pakidala mo na lang itong order nung Quadruplets. Yung isang waiter na lang ang bahala na magdala nung mga order nila Hideo," rinig kong salita ni Caerus.

Nilapag naman niya sa itim na tray yung mga kape na nasa puting mga mug at meron pa itong desinyo sa ibabaw nung coffee. Ang ganda nang pagkakagawa ni Caerus at mukhang masarap pa. Nalalanghap ko na rin ang aroma nitong napakabango. Mamaya na lang daw niya kasi ako tuturuan kung paano niya ginagawa yung mga kape kapag nangunti na ang mga customer.

"Sige," tanging sagot ko sa kanya bago ko maingat na binitbit yung tray. Hindi naman iyon masyadong kabigatan kaya dinala ko na lang yung order nung Hellion Quadruplets sa table nila.

"Here are your orders, sir." magalang kong sabi sa apat.

"Why are you formal with us, my little kitten?" tanong sa akin ni Lucien habang isa-isa kong nilalagay sa table yung mga kapeng inorder nila.

"I’m at work, and you’re my customers so I have to be formal with you." mahina kong sabi sa kanila. Syempre, hindi porket anak ako nang may-ari nitong coffee shop ay malaya ko nang gawin ang mga gusto ko. Dapat ko rin namang tulungan si Caerus para naman may magawa ako kahit na bukas pa ang start ng trabaho ko.

"Akala ko ba bukas pa ang simula ng trabaho mo?" tanong sakin ni Lyrius na nagtataka.

"Oo, bukas pa. Pero tututungan ko lang si Caerus. Abala pa naman yung iba naming mga katrabaho," sagot ko sa lalaking ito bago ko pasadahan ng tingin yung ibang mga waiter and waitress na todo asikaso sa mga customer na patuloy na nagsisidatingan.

Duma-rami na rin yung mga tao dito sa coffee shop, karamihan ay puro mga babaeng kabataan na panay ang sulyap dito sa gawi nung Hellion Quadruplets. Ang iba ay napapatingin din sa direksyon nila Caerus, Alarick at Mage pati na rin doon sa grupo nila Hideo.

"Anong oras ka pala uuwi, mon amour?"

Bumalik ang tingin ko sa apat nang marinig kong nagtanong si Lucius habang sumisimsim siya nung kape, "Ahm, hindi pa ako sure. Tuturuan pa kasi ako ni Caerus kung paano niya ginagawa yung mga kape dito sa coffee shop," sagot ko.

Kung hindi man ako palarin na matutunan kung paano gumawa nung kape, edi sa pagiging waitress ang bagsak ko nito. Ah basta, hindi pa naman ako sure kung matututo ba ako o hindi. Malalaman ko na lang siguro iyon mamaya.

Tumango-tango si Lucius, "Okay, hihintayin ka na lang namin dito hanggang sa matapos ka," aniya dahilan para mamilog ang dalawa kong mata.

"Hihintayin niyo ako dito? Pero paano kung anong oras na ako matapos dito?" tanong ko sa kanila sa nababahalang boses.

Lician gave me a sweet smile, "Wala kaming pakialam kung umabot pa kami ng gabi sa paghihintay. We just need to make sure you get home safely, mi reina. And besides, humingi ng pabor sila Tito Shawn sa amin na bantayan ka habang hindi pa sila nakakabalik dito sa bansa," mahaba niyang turan.

HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon