KABANATA 59

30.6K 903 287
                                    

This chapter is dedicated to: New4Generation

KABANATA 59:

MARY'S POV

Lihim akong natawa nang makita ko ang mukha ni Lyrius na nakasimangot at halos hindi na rin ito maipinta. Sobrang sama ng tingin niya dun sa tuta na humahalik ngayon sa paa ko. Kulang na lang ay patayin na niya yun sa sobrang talim ng pagkakatingin niya.

Buti na lang talaga mabait sila kaya pinayagan nila akong dalhin dito sa loob ng resthouse ang tuta na nakita nila Lician dun sa puno. Akala ko rin talaga ay may taong nagtatago sa punong yun, tuta lang pala.

"What's that face, Lyrius? Para kang natatae na hindi makatae," natatawang sabi ni Lucien nang mapansin niya sa wakas yung itsura nung kakambal niya.

Si Lician naman na prenteng nakaupo sa tabi ko na nakaakbay pa sa akin at abala sa panonood ng larong basketball sa telebisyon ay napatingin sa gawi ng kakambal niyang si Lyrius bago siya natawa ng mahina.

"He really hates dogs," wika ni Lician at napailing-iling pa bago niya ibinalik ang kanyang atensyon sa pinapanood.

"No, he doesn't hate dogs. He is afraid of dogs," paglilinaw ni Lucien at mas lalong lumawak ang kanyang pagkakangisi dahil sumama lalo ang mukha niya.

Ang masama at matalim niyang tingin dun sa cute na tuta ay pinukol niya dito kay Lucien. Kaya naman natawa ako sa isipan ko dahil kapag bumalanghit ako ng tawa ay paniguradong pati ako ay titignan din ng masama ni Lyrius.

"Ang cute kaya nung tuta, hindi ka niyang magagawang kagatin 'no." pagsabat ko para hindi na muling magtalo yung dalawa.

"No, this puppy is not cute. Ako lang dapat ang cute dito, sexy love." ani Lyrius at ngumuso pa ang loko. Lumapit pa siya sa akin at tumabi sa kabilang gilid ko bago siya yumapos sa akin na tila parang isang tuko.

"But the puppy won't bite you. Subukan mong buhatin, the puppy was so soft." nakangiti kong sabi sa kanya.

Kinuha ko yung tuta na nasa paanan ko. Lalaki ang tuta na 'to at mabuti na lang din ay hindi na siya nanginginig. Napag-alaman din namin na isa itong German Shepherd. Pinakain din namin siya ni Lucien at dahil tuta pa ito ay kinailangan pa naming himayin yung nilagang manok na niluto mismo ni Lucien bago namin iyon inihalo sa kanin. Gutom na gutom rin yung tuta na animo'y ilang araw siyang hindi nakakain.

"Can't you see? He's so cute and soft," sambit ko at matamis kong nginitian si Lyrius na nakasimangot pa rin ang gwapo niyang mukha.

Matalim pa din ang tingin niya doon sa tuta kaya ang ginawa ko ay nilapag ko sa kandungan niya yung tuta na halos ikinabigla naman niya. Hindi niya magawang makagalaw at para din siyang naestatwa sa kinauupuan niya. Nakikita ko rin ang matindi niyang takot kahit na maliit na tuta lang ang nasa kandungan niya.

The puppy sniffed him while he could not move his whole body. Nakatingin lang din siya sa tuta at kung kanina ay masama ang tingin niya, ngayon ay napalitan na ito ng takot kaya napahalakhak sila Lucien at Lician sa reaksyon ng kakambal nila.

"What if he bites me?" hintatakot na tanong sa akin ni Lyrius. Mabilis pa niyang hinuli ang isa kong kamay dahil tatangkain sana ni Lician na iwanan namin siya kasama yung tuta pero mukhang malakas makiramdam si Lyrius.

"Inaamoy-amoy ka lang niya at hindi ka rin niya kakagatin okay?" paniniguro ko sa kanya.

Ilang minuto pa muna siyang hindi nakaimik. Pinapakiramdaman din niya muna yung tuta na patuloy pa rin siyang inaamoy-amoy lalo na yung damit niya. Maya-maya lang ay nagkaroon ng lakas loob si Lyrius na hawakan yung tuta.

HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon