This chapter is dedicated to: norshiampat
KABANATA 44:
MARY'S POV
Maraming mga babaeng nagpapa-cute kay Riven na mag-isang nakaupo sa table niya. Yung mga babae ay literal pa siyang nilalapitan para hingiin ang cellphone number niya at minsan ay gustong makipag-picture pero ito namang kaibigan ko ay tinatanggihan sila.
Natatawa na lamang tuloy kami ni Caerus dahil sa reaksyon ng mukha niya. To be honest, gwapo naman talaga itong si Riven. Walang halong biro, gwapo talaga itong kaibigan ko. Matangkad pa at maskulado ang pangangatawan dahil nagpupunta din siya sa mga gym.
Kahit nga si Caerus na abala sa paggawa ng kape ay hindi rin tinigilan nung mga babae. Kinukulit din siya para makipag-picture o hingiin din ang numero niya pero syempre tulad ni Riven, tumanggi din siya.
Ewan ko ba sa mga lalaking 'to, puro magaganda at seksi naman ang lumalapit sa kanila pero sila naman itong umaayaw. Baka nga isa sa mga customer namin ang maging girlfriend na nila 'e, pero sila pa 'tong tumatanggi. Napailing-iling na lang tuloy ako ng ulo dahil sa kanila.
Bago pa pagpiyestahan ng mga kababaihan itong sila Riven at Caerus ay umalis na kami agad doon sa coffee shop pagkatapos ng trabaho namin ni Caerus. Kotse na rin ni Caerus ang ginamit namin kaya nakaalis na kami sa lugar na iyon.
"Ang hina niyo talaga sa babae. Sila na nga itong lumalapit sa inyo, kayo pa itong umaayaw." sabi ko sa dalawa kong kasama na kapwa parehong nakaupo sa unahan.
Si Caerus na nagmamaneho ay natawa pa habang si Riven na nakaupo sa passenger seat ay nakangiting napatingin pa sa akin gamit yung salamin na nasa unahan.
"S'ya nga pala, nabalitaan ko sa school dean natin na sa ibang school ka daw mag-aaral sa pasukan," sambit ni Riven.
"Wait, sa ibang school ka na mag-aaral Mary?" gulat na tanong ni Caerus sa akin.
Bumuntong-hininga muna ako, "Yup. Actually, nakuha na ni Dad yung mga requirements ko lalo na yung report card ko para mailipat na niya ako sa ibang school. Naka-enroll na din ako ngayon sa Osiris Hellion Academy," sagot ko.
Pansin kong natigilan silang dalawa sa sinabi ko. Hindi pa nga sila agad nakapagsalita 'e. Bakit naman kaya? May mali ba sa sinabi ko?
"Osiris Hellion Academy? Hindi ba't isa iyon sa pinakasikat na eskwelahan dito sa bansa? Kilalang-kilala ang eskwelahan na yun dahil napakayaman nung nagmamay-ari nun. Puro anak mayayaman din ang mga nag-aaral doon. Well, may mga scholar namang maswerteng nakakapasok doon," wika ni Riven.
"Isang Hellion rin ang may hawak sa school na yun," turan naman ni Caerus.
"Sa lahat ng school, Osiris ang nangunguna sa lahat. Nabalitaan ko pa nga na nagpagawa sila ng ilang panibagong building dahil maraming mga estudyante ang nag-enroll doon. For sure madadagdagan na naman ang bilang ng mga estudyante sa school na yun," sambit pa ni Riven.
Bigla namang may pumasok sa isipan ko na isang ideya. Kahit na may seatbelt akong suot ay nagawa ko pa rin ilapit ang aking mukha sa gitna nilang dalawa.
"What if mag-aral din kayo doon? Mga graduating student naman tayo, kaya bakit hindi niyo rin i-try na mag-aral doon? At saka para naman may kakilala ako doon kahit papaano," sabi ko sa kanila.
May kilala naman ako doon dahil ang Hellion Quadruplets ay nag-aaral din sa eskwelahan na yun. Tulad ko, mga graduating student na rin sila maski sila Caerus at Riven. Pare-parehas nga lang din kami ng mga kinuhang kurso.
Napansin kong napaisip si Riven sa sinabi ko, "Oo nga 'no? Paniguradong makakakuha pa rin ako ng scholarship doon dahil matataas ang mga grades ko," aniya kaya napangiti ako ng matamis.
BINABASA MO ANG
HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
General Fiction[POLY] HELLION 2: HELLION QUADRUPLETS When they are young they only do one thing, that is to SHARE and not be SELFISH. Of course, they are Hellion Quadruplets. Having multiple romantic relationships exists in their family and that's their top secret...