This chapter is dedicated to: Oinkyboinky_24
KABANATA 64:
MARY'S POV
Wala na akong pakialam kung magkasugat-sugat na ang dalawa kong kamay basta magawa ko lang matanggal ang pagkakagapos sa akin. Kanina pa ako nangangalay dito kahit pa na nandito ako sa kama at may kalambutan ang kinauupuan ko. Walang mangyayari kung naghihintay lang ako dito na may tumulong sa akin.
Si Leighton na mismo ang nagsabi sa akin na nasa Surigao, Del Norte kami, sobrang layo na namin sa Maynila at ang cabin na kinaroroonan ko ngayon ay nasa kalagitnaan pa ng kagubatan.
Oo, wala akong kasiguraduhan kung makakalabas ba ako ng buhay dito pero walang mangyayari kung wala akong gagawin. I need to get out of here. Dapat akong gumawa ng paraan para makaalis at makatakas dito.
"Pakshit ka talaga, Leighton!" bulalas ko dahil sa sobrang inis.
Baliw na nga talaga siya. Pababagsakin niya ang Hellion family samantalang pamilya at mga kamag-anak niya ang mga yun? Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya, wala akong ideya kung anong klaseng plano ang iniisip niya para masira niya ang mga Hellion pero ngayon palang ay kinakabahan na ako sa mga mangyayari.
Hindi ko alam kung anong oras na pero ang tanging alam ko lang ay hapon na sa labas at napapansin ko na sa labas ng bintana ang paglubog ng araw, hudyat na malapit na namang sumapit ang gabi. Ngalay na ngalay na rin ako dito sa pwesto ko, ilang oras ba naman akong nakagapos dito.
Ang tanging nagawa ko lang ay murahin sa isipan ko si Leighton nang paulit-ulit at pilitin na makalas yung kadenang nakagapos sa kamay ko kahit na may padlock pa ito.
Pero nahinto ako nang marinig kong may yabag na papalapit sa pinto. Umayos ako ng upo para hindi mahalata ni Leighton na pinipilit kong tanggalin yung kadena. Ilang saglit pa ay bumukas na rin ang pinto at pumasok ang baliw na si Leighton.
"What do you want?" masungit kong tanong sa lalaking 'to. Naiinis ako sa pagmumukha niya, ang sarap niyang ingudngod sa putikan.
"I have good news and bad news for you," sambit niya at nakikita ko ngayon sa mukha niya na tila good mood siya.
May maganda bang nangyari kaya siya nakangiti ng ganyan? Ewan, bigla na lang din akong kinabahan na hindi ko maintindihan kung bakit.
"What?" I asked.
"Anong gusto mong unang malaman? Yung good news or bad news?" nakangisi niyang tanong kaya inirapan ko siya.
Kanina pa ako naiinis sa kanya, kung hindi lang ako nakagapos dito ay baka nasuntok ko na siya sa nakakabwisit niyang pagmumukha.
"Just tell me, moron." inis kong sabi kaya humalakhak siya na mas lalo ko pang ikinainis.
"Okay, okay." natatawa niyang sambit bago siya lumapit sa akin ng kaonti, "Sasabihin ko muna sayo ang good news." aniya at napairap naman ako dahil may paligoy-ligoy pa ang baliw na 'to. Hindi na lang niya sabihin sa akin agad yung punyemas na good news at bad news niya na yan!
"Ang good news, ay ito." wika niya bago siya lumapit sa TV para i-on ito, "For sure bali-balita na sila sa lahat ng istasyon sa telebisyon." sambit pa niya at nang mag-on ang TV ay nakita ko agad ang isang reporter na nagbabalita.
Uwang ang aking bibig sa sobrang pagkabigla nang mapagtanto ko kung ano ang binabalita roon. Ang pamilyang Hellion, binabalita ang pamilya nila Lucius sa TV at sinasabi roon ang tungkol sa polyamorous relationship nila. Pinakita pa sa balita ang wedding picture ng mga lolo nang Quadruplets kung saan ikinasal si Mamita Ael sa tatlong lalaki.
BINABASA MO ANG
HELLION #2: THEIR BEAUTIFUL PREY (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
Fiksi Umum[POLY] HELLION 2: HELLION QUADRUPLETS When they are young they only do one thing, that is to SHARE and not be SELFISH. Of course, they are Hellion Quadruplets. Having multiple romantic relationships exists in their family and that's their top secret...